Chapter Thirty-four
Madilim ang paligid ngunit ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Dinampot ko ang pangatlong rosas sa sahig at huli ang lalaking nakasuot ng maskara ay inaabot sa akin ang bulaklak. Kulay pulang rosas iyon.
Kasabay ng pag abot ko ng bulaklak, siya namang nakikita kong lalaking naglalakad papasok ng simbahan. Kulay itim ang kanyang kasuotan habang nasa kanang kamay naman ang baril.
Sa nakikita ko ay palapit siya sa nakaupong lalaki sa harap at kasabay ng paghinto niya ang pagkawala ng buhay ng huli. Nahulog ko ang hawak na mga bulaklak at teddy bear na lagi kong dala. Kasunod naman ang mga yabag na galing kay Mother Theresa.
Natigilan rin si Mother Theresa sa pangyayari. Walang buhay ang may-ari ng mga matang nakatingin sa harap habang lumalapit sa amin. Ni hindi ko magawang tumakbo at magtago.
"Alauria." Bulong ng madre sa akin. Nakita ko ang mga mata nitong takot sa nangyayari habang ako narito parin, nakatayo sa takot.
Sumunod na nangyari ang pag tahimik sa akin ng lalaki sa aking harap gamit ang hintuturong nakatapat sa kanyang bibig at ang pagtutok muna nito ng baril sa akin at pagkawala ng bala na kay mother Theresa tumama.
Nanlalaki, nanlalamig, at nanginginig kong tinitigan ang bulagtang madre sa aking harapan.
"Mother Theresa!" Paos kong tawag sa wala ng buhay na madre. Napapaatras ako sa aking nakikita habang inaalala ang mga nangyayari na hindi maintindihan kung saan nga ba nag umpisa ang bangungot na ito.
"Sweet dreams." Kasunod noon ang pagtulog ko sa dilim. Pinapalibutan ng bituin sa kalangitan ang buwan nang buksan ko sa wakas ang mga mata.
As darkness of the clouds put an end to moonlight where no one could search for Herlliot and York, I shut my eyes because this trip is taking us too long to the mystery of the grave.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nilamon ng panaginip. Nakakatawang isipin na walang laban ang dalawang nakatatandang kapatid habang ako'y naririto na nakukuhang makawala sa gano'ng sitwasyon.
May kadilim ang buong silid at hindi ito ang silid ko dahil bintana lamang ang narito na nagsisilbing tagpuan namin ng ilaw ng buwan na hindi muna masisilayan ngunit ngayon ay ilaw na nanggagaling sa nakasinding lampara ang nagsilbi sa pangangailangan ng aking mata.
Luma ang amoy ng paligid, kahoy ang ilang haligi, kama, kandila, at maliit na silid. Sa madaling salita, ang bahay ampunan kung saan ako unang namulat sa mundo.
"Maari ka pang matulog kung iyong nanaisin." Boses ni Naomi na hindi ko pinagtaka kung kanino.
Binuka ko ang bibig na parang naguguluhan kaya nakuha ko ang pansin niya sa dilim. Nahati sa dalawa ang kanyang mukha, ang kanan na naiilawan ang siya ko lamang nasisilayan sa mainit na ilaw na nanggagaling sa kandila.
Inumpisahan niyang magsalita habang ang tingin ay nasa malayo. Malayong nalalakbay ang mata sa kawalan at sinasayaw ang buhok.
"Alauria." Pumikit ako sa boses ni Mother Theresa.
"There you are." Si Laura naman ngayon habang hawak ang aking kamay.
Ang dalawang babae'y nakatayo sa kawalan habang pinapanood ko silang nakapikit sa hangganan. Lumuhod ako at pumatak sa wakas ang luhang nagbabadya.
For the first time, I admitted how vulnerable I was. They remind me how a child will never save everyone beside them. They're deaths reminds me of my failures and escapes from death.
BINABASA MO ANG
The Untold Tale of Darkness (Completed)
Mystery / ThrillerAlauria Monterey is her name, wether she avoid trouble, trouble never leaves her. Two weeks later after suspension, her ever rival group of girls and Llansante didn't stop from getting on her nerves. She just wanted peace after that long week but sh...