Chapter 23: 24th of December

7 1 0
                                    

Chapter Twenty-three








Staring at the ceiling is a nice view in the cold afternoon. Adrienne's been bagging me after that night and thinking of her makes me sick.

Bumaba ang aking paningin sa aking cellphone habang ito'y gumagawa ng tunog. Sunod niyon, isang mensahe ang aking natanggap. Binuksan ko at reminder iyon ng isang imbitasyon. Matapos ko iyon basahin, tumingala akong muli sa kisame at pumikit.

Mabilis ang takbo ng aking sasakyan palabas ng naglalaguang mga puno. Malakas ang pagbuhos ng ulan dahilan upang hindi namin masyadong makita ang daan. Umiiyak sa takot ang katabing bata habang yakap ang teddy bear nitong may bahid ng dugo.

Niyakap ko ito nang hininto ng driver ang sasakyan. Tanging nagawa ko lamang ay ang patahanin ang kayakap. Narinig ko kung paanong sabay ang pag-ulan gayon din ang mga bala. Nanlalaki ang matang dinungaw ang driver na nawalan ng buhay. Isang bala ang tumama sa aking braso upang mawalan ako ng malay at dinala ako sa mundo ng reyalidad.

Tumutunog nanaman ang cellphone at doon nga'y tumayo ako upang kunin ang tinapong imbitasyon sa basurahan. Nakadetalye doon kung saan ko siya makikita.

Maingay ang mga tao sa paligid habang binabagtas ang daan subalit ang makita ang hinahanap sa gilid ng Cafe at nakataas ang kamay sa paparating na ako. Hindi ko pinaunlakan ang napaka galante niyang paanyaya umupo kaharap niya.

"Do not put words in my mouth, Llansante." Well, I just hate how he moves like a ladies' man.

"It's too early for lover's quarrel you know." Minuwestra niya ang kamay sa sa likod ng kanyang palapulsuhan habang nakatingin sa akin.

"Come let me smack your mouth." Hindi ko mapigilan ang bugso ng damdamin kaya tinaasan ko ito ng kilay bilang responde.

"Would you please?" Aya niya sa akin umupo sa katapat na upuan. For what? I mean, this whole setup makes me want to throw up for whatever reason. Kaya upang matapos na ang ganap na ito, hinayaan kong pahintulutan ang kanyang utos.

Pagdaan ng isang waitres at pagkalapag ng kape, nakita ko kung paanong umiba ang ihip ng hangin. Nawala ang ingay sa paligid na tila musika ng dilim ang naririnig.

Nilapag niya sa mesa ang music box pagkatapos niyang paikutin ang nagpapagana doon. "Does this melody rings?"

"Shut up."

"Monterrey, Adrienne?" Tanong niya na para bang normal lang bangitin ang pangalang iyon kaya kumuyom ang aking kamay.

"Ano naman sa'yo?" Imbis na sagutin, kinamot niya na lang ang kilay at katangap-tangap iyon bilang sagot.

"She's missing." Bulong niya at pagkatapos noon, siyang paghinto ng music box. Kinuha niya ang bagay saka tinitigan at tinago sa loob ng kanyang bulsa. Nanginginig ang aking kamay sa narinig na balita, nakakabinging ugong iyon na patuloy na umuulit sa aking isipan.

Isang kamay ang nakabukas sa aking harap. "Can I?" Tanong niya subalit tumayo ako dahil may sarili akong paa hindi para magmukhang prinsesa rito.

"No thank you." Labas sa ilong na aking sambit. Umalis ako roon upang umuwi na ngunit pinigilan ako nito sa simpleng hawak sa aking pala-pulsuhan.

The Untold Tale of Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon