Song for this chapter: Notion
Chapter Thirty-seven
Nilalakad ko ang daan na maghahatid sa akin sa mga taong naroon.
The more I search for answers, it keeps deeper and darker. Dahan dahan akong naglalakad patungo doon at nang nasa tapat na ng malaking pintuan ay tinulak ko iyon ng bahagya. Bumukas ang malaking pintuan at bumungad sa akin ang sapat na rami ng taong nagkakasiyahan doon. Wearing their sophisticating dresses and tuxedo's. Ang magagarbong kagamitan sa loob ng bahay ay nagsusumigaw ng karangyaan ng mga taong may ari nito.
Dumilim ang paligid para sa naka abang na palabas. Something nostalgic touches my heart and it warms me inside. Tumigil ako at mga anino sa malayo ang masayang nagtatakbuhan, naroon nakikita ko si George.
Ang tanging nararamdaman ko sa kanya ay kapayapaan sa akin. Walang galit ni sama ng loob.
"Let's go home." Hinawakan ni George ang maliit na kamay ng bata. Sa nakakuyom kong palad, doon ko lang naramdaman ang matinik na tangkay ng puting rosas. Tinakbo ko ang lugar na iyon subalit unti-unting kumupas ang larawan nilang magkahawak kamay.
May kamay ang umaabot naman ngayon sa akin, George's smile put a tear in my eyes. Ngumiti ako at saka siya niyakap.
Gayon na lamang ang pagkabigla ko nang marinig ang kasa ng baril hindi kalayuan sa aming kinatatayuan. Nakita ko ang pag guhit ng kaunting ngisi sa labi ng lalaki roon, para bang nasisiyahan sa narinig namin kanina.
Mabilis na nilakad nito ang daan patungo sa amin, bagay na upang maitutok nito ang malamig na dulo ng baril sa sentido. Tunog ng nahulog na bala ang aking narinig. Unti-unti rin naglalaho na parang bula ang lalaki at nabigyan ng lakas ang loob kong panoorin kung paano ito mawala sa aking paningin.
Nakayakap at pinapakiramdaman si George. Pumikit ako habang nakikita, pinapanood, pinagmamasdan ang mga nangyayari sa aming paligid.
Ang mga kaganapan ay tila pelikulang nag-rerewind. Ang mga bulaklak na nalanta ay bumalik sa dati, umuusad ang lahat ng bagay at ngayon umaalis na kami sa mansion at dinadala kami ng kaganapan sa isang harding puno ng mga bulaklak hanggang sa nakatayong pamilyar na puno.
Siyang tanging ilawan sa dilim ang buwang nakasilip. Maaliwalas ang kalangitan at ramdam ko ang lamig ng hangin na nagdadala ng kapayapaan sa aking puso.
Ang mga pabagsak sanang ulan sa amin ay nakatigil sa kawalan. Tinitigan ko ang mga iyon bago pumikit upang pakiramdaman si George.
"You're the most beautiful in the beastly world, but you bloom in its thorn. Wake up now, child." It was like a lullaby to wake me up to morning light.
There, Naomi Rose came back checking her watch. "Great. Get up now dirtbag." Her eyes speaks all her nature:
"Says the freak, weird, and nerd." At nasalo naman niya ang unan na akin lamang hinagis sa kanyang mukha.
"But not as bad as you." Kinuwelyuhan niya ako upang hilahin at ipasok sa loob ng banyo. Sabay niyang binuksan ang gripo at niyuko ang aking ulo sa tapat niyon.
"Go wash your face." Aniya at saka sumandal sa pader habang inoorasan ako. Wala akong nagawa kun'di sundin ang kanyang utos dahil late na nga kami.
UNANG TAPAK ko pa lang sa labas ng gate ng W. Field ay nasusubok na agad akong umuwi o tahakin ang kalbaryo ng kinabukasan. Iba't-ibang kulay ang bumabati sa bawat pasok ng mga estudyante pero ang tall boy ang nakakuha ng aking pansin. Pakana nanaman ng mga naka abang na student council sa labas ang may ideya nito. Bawat pasok ng estudyante sa gate, dadaan muna sa ibibigay nilang flyers.
BINABASA MO ANG
The Untold Tale of Darkness (Completed)
Mystery / ThrillerAlauria Monterey is her name, wether she avoid trouble, trouble never leaves her. Two weeks later after suspension, her ever rival group of girls and Llansante didn't stop from getting on her nerves. She just wanted peace after that long week but sh...