Chapter 17: Pierre Monterey

8 1 0
                                    

Chapter Seventeen









"Here." Abot sa akin ni Herlliot ng sandwich.

Sumagot ako, "I'm full."

Doon, bumukas ang gate ng mansion. Nang nahinto ang sasakyan ni Herlliot, mabilis kong inalis ang seatbelt upang makalanghap ng hangin. Inayos ko muna ang suot na jacket bago pumasok nang mansion.

Malamig na ang simoy ng hangin.

Tahimik na silid.

Nakakaantok.

Ang isiping magpahinga muna ay nakakaantok. Kaya nga sumampa na ako nang kama at agad nilamon ng antok.

Tatlong puting rosas.

Sa gitna ng aking panonood, ang nararamdamang sakit sa nakakuyom kong kamay. Naroon ang dugong dumadaloy at ang patay na bulaklak.

"Adrienne." Bulong ko sa hangin sapat na upang lumingon sa akin ang nakapikit na bata at kasabay noon ang paglingon ng babae at lalake. Dahan-dahan ako humakbang paalis doon ngunit ang paglitaw ng baril kung saan ang nagpatigil sa akin. Sa gitna ng tahimik na hapunan ng pamilya.

"Run!" Sigaw ng may edad na babae sa hapag habang nakapikit parin ito.

Subalit napako ang aking paa sa aking kinatatayuan. Lumabas sa dilim ang lalaki. Naiilawan ang kanyang bibig habang ang baril na hawak nito ay nakatutok sa akin.

"Lucky you, everyone is dead. Go run." Malamig ang kanyang boses. Ngunit ang ngisi sa kanyang labi ay pamilyar sa anggulong iyon.

At iyon nga ang ginawa ko ang sinabi nito subalit isang putok ng baril sa aking braso ang nagpatigil sa akin. Nakita ko ang daloy ng dugo mula sa aking braso hanggang sa dulo ng aking daliri. Pumapatak sa sahig at kumalat sa kinatatayuan ko.

Isang salamin sa malayo. Nakikita ko ang isang lalaking naglalakad doon habang may hawak na baril. Pumasok siya sa pintuan, may ginang na mahimbing ang tulog.

Isang putok sa noo nito upang dumaloy ang dugo.

Habol hiningang nagising ako sa gitna ng madilim na silid. Wala na ang sinag ng araw sa hapon at napalitan ng makulimlim na langit habang bumubuhos ang ulan.

Naamoy ko sa gitna ng pagiisip ang aroma ng kape. Nakaupo ang nakatatandang kapatid sa silya habang nakatingin sa bintana.

Tahimik kong nilakad ang banyo ng hindi ito pinapansin. Hinubad ko ang suot kong damit at humarap sa salaming nakadikit sa pader. Nakikita ko ang kabuuan ng aking katawan at ang peklat sa gilid ng aking braso.

Sa gilid ng sink, nakita ko ang itim na gunting. Dinampot ko ito saka dahan-dahang ginupit ang aking buhok hanggang sa tumambad ang hindi pantay pantay na gupit ng itim kong buhok.

Matapos ang ilang minutong nakaharap sa salamin, sunod ko namang nilakad ang shower. Tumapat ako roon saka binuksan at tumama sa aking ulo ang katamtamang init ng tubig.

Umupo ako at pinanood ang tubig sa drain na nilalamon rin ang maliliit na buhok gawa ng pagkakagupit.

"Mama!"

A triggering sound somewhere.

Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin parin sa drain. Doon, binalot ako ng takot sa boses. Pumikit na lamang ako at dinamdam ang tubig sa aking katawan kung kaya't unti-unting nawala ang kaba sa aking dib-dib.

Tumayo ako at pinatay ang shower saka inabot ang puting tuwalya. Lumabas ako pagkatapos binalot ang tuwalya sa aking katawan at hindi ko na nagawang magulat pa sa presensya ng nakatatandang kapatid na patuloy parin sa ginagawa. Inalis ko ang tuwalyang nakatakip sa aking katawan at tumalikod sa kanya. Dinampot ko ang mga damit ko at isa-isang sinuot ng hindi gumagawa ng ingay. Matapos kong gawin ang mga ritwal ay hinarap ko ang kapatid na nagbabasa na ngayon ng libro.

The Untold Tale of Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon