Special Chapter
Adrienne Monterey
Kasalukuyang tinatahak pabalik ni Adrienne ang tahimik na kalsada at nang marating ang palikong daan kung saan nakaturo ang signage sa naturang kalsada na kanyang papasukin. Nangangalawang na iyon at hindi na maayos ang pagkakabit ng bagay na naging gabay niya papasok.
Gumawa ng ingay ang mga punong kahoy nang makapasok si Adrienne. Naglalakihang puno, malalagong halaman ang naroon hanggang makapasok sa property ng mga Monterey kasama ang pamilyar na nangangalawang na sasakyan roon sa labas, ang mga bagay na ito'y nagbalik sa kanyang isipan habang patuloy na nilalapitan ang dating tahanan.
Bumalik ang samyo ng mababangong rosas sa paligid nang masilayan niyang muli ang dating naging masayang tahanan. Naroon ang lungkot pero hindi na iyon gaano.
Gumagawa ng ingay ang kanyang yabag dahil sa mga naaapakang parte ng mga kahoy maliban sa huni ng paligid.
Huminga siya ng malalim saka niya binuksan ang puting-puting pinto.
Pinakiramdaman niya ang paligid at tumingala sa pangalawang palapag, kung saan hindi rin nakaligtas sa apoy na tumupok ng nakaharang na mga riles pababa ng hagdan. Tumungo siya roon at naalalang sa ika-limang palapag ng hagdan, doon makikita ng malapitan ang malaking family picture ng Monterey ngunit kasama iyong naging abo.
Mga yabag niya lang ang naririnig at habang papalapit sa pangalawang palapag, sumalubong ang sikat ng papalubog na araw.
Nagpatuloy siya sa paglalakad sa maputing hallway hanggang marating niya ang pintuang naghihintay sa kanya matagal na.
Matibay pa ang pinto gaya ng dati. Binuksan niya ang pinto gamit ang susi na matagal na sakanyang pangangalaga at narito bumungad muli ang loob ng kwarto.
Kaunting laruan lang ang naroon, isang picture frame na may larawan ng bata ang nakapatong sa mesa.
Lumulubog na ang araw. Kinakain ng mga ulap ang sinag niyon at matapang ang kulay kahel nito.
Nilibot ng kanyang paningin ang nasasakupang lupain ng Monterey at saka nagdesisyong iwan na ang mansion. Sapat nang ala-ala iyon at patahimikin ang kahapong dulot.
"I gotta bounce." Kausap niya kay doctor Vincente bago sumakay sa nakaparadang sasakyan. Hindi sapat ang ingay ng mga nagliliparang ibon kaya binuksan niya ang radio.
"Where are we going?" Hinanap niya ang salamin sa harap upang makita ang kapatid. Nakasuot ng hospital gown.
"We're going home." Napapasinghap na sagot ni Adrienne.
Hindi na sumagot ang kapatid kaya binuhay na niya ang makina ng sasakyan at sa huling pagkakataon napasulyap siyang muli sa punting-puti na hospital and it was sad for a moment for Adrienne to know that it's all in Alauria's mind.
Lumabas si doctor Demi at tumabi sa katrabahong si doctor Vincente at ang mga nurse na kasama niyang sina Herlliot at York. Magkakasabay nilang itinaas ang mga kamay sa ere habang nahahagip pa sila ni Adrienne bago tuluyang naglaho ang kanilang pigura sa mga naglalakihang katawan ng puno.
Sinulyapan muli ni Adrienne ang kapatid na nakasuot ng hospital gown at jacket.
"Where are we going?" Napahawak ng mahigpit sa manibela si Adrienne sa muling tanong ng kapatid at ganoon na lamang niya kabilis pinaharurot ang sasakyan palabas.
T
H
EEnd
Of
The
Untold
Tale
Of
D
A
R
K
N
E
SS
BINABASA MO ANG
The Untold Tale of Darkness (Completed)
Gizem / GerilimAlauria Monterey is her name, wether she avoid trouble, trouble never leaves her. Two weeks later after suspension, her ever rival group of girls and Llansante didn't stop from getting on her nerves. She just wanted peace after that long week but sh...