The Untold Tale of Darkness
Alauria Monterey
Death is fatal but learning the truth sets free. Niyakap ko ng mahigpit ang hawak kong teddy bear habang pinipigilan ang takot na umu-usbong sa aking dib-dib. Pakiramdam ko babaligtad ang sikmura ko sa loob
Hindi ko malaman kung bakit ko ito nararamdaman. This unbearable pain knows where to hit a soft spot in my little scared heart in this familiar scene I am in.
Pinanood ko ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas habang pumapatak sa saradong bintana ang tubig ulan na dumudulas ng bahagya.
Ngunit gayon na lamang ang aking pagka-bigla nang may yumakap sa aking braso.Napalingon ako sa batang babae na takot na takot. Tila konektado ang aming nararamdaman ngunit hindi ko iyon mapangalanan.
Nararamdaman ko ang takot sa kanya subalit nabigla ako nang yakapin ko siya pabalik. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ko siya gustong patahanin pero hindi ko rin mapigilan ang sariling huwag matakot sa maaring mangyari.
Ang senaryong ito ay parang totoo. Ang bawat detalye ay naglalaman ng kung anong sagot at sikreto. Gusto kong malaman ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula upang malaman ang kasagutan.
Nanlalaki sa takot ang aking mga mata nang humarang sa aming daraanan ang itim na sasakyan kaya ay napahinto ang nagmamaneho ng kotseng lulan kami. Nanlalaki ang aking mga mata dahil mabilis kong naaksyunan ang sarili upang mapigilan ang muntikang pagkawala ng balanse ko at ng batang yakap-yakap ko.
Sa mga sandaling iyon, sunod-sunod na tumatama ang mga bala ng baril sa aming sasakyan. Nagtatanim ng takot sa akin ang malalakas na tunog ng mga balang iyon.
Hindi ako nakaligtas sa pag ilag nang tamaan ako sa kaliwa kong braso kaya nabitiwan ko sa pagkakayakap ang bata upang ibsan ang sakit na lumulukob sa parteng natamaan.
I cried in pain and the girl beside me cried for me. She cried as if she's the one who was shot. Impit akong umiyak hanggang sa nararamdaman ko na lang na nahihilo na ako dahil sa tama ng baril na aking natamo at ang mga dugong patuloy lang sa pag daloy.
Bago ako pumikit, nakita ko ang driver na wala ng buhay dahil sa kanya halos pinutok ang mga bala.
Screams and voices are all I can imagine for a scene. Mahigpit na humawak ang maliit na kamay sa akin, malamig iyon. She's still crying and not letting our hands go. Sa huli ay naramdaman kong marahas na inalis ang pagkakahawak niya sa aking kamay.
My vision slowly fading as I felt myself falling asleep. Mga sigaw sa kawalan ang hindi ko alam kung bakit pangalan ko ang aking naririnig sa ibang dimensyon ng paligid.
"Alaurria!"
Ulit pa nito. Ngunit umalingawngaw lang iyon sa buong paligid.
Napaluhod ako sa aking kinatatayuan. Hindi malaman kung bakit ako umiiyak ng walang dahilan.
Luminga ako sa paligid at natantong napapalibutan ako ng mga parihabang salamin. I saw my reflection standing there, I don't know why, she's not crying while I can clearly feel tears falling out my eyes.
Ngunit naputol ang panonood ko sa sarili nang marinig ko tunog pagkasa ng isang bagay. Tumigil ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata.
Nakita ko ang nakatayong lalaki. Malayo ang aming distansya dahil na rin sa liit ng repleksyon niya sa likuran ko. Napatitig ako sa aming kabuoan, nakikitaan ng parusa ang tangi kong masabi.
Lumalapit siya. Hanggang sa tumigil ng ilang distansya sa aking direksyon.
Bakas sa mukha ang malademonyong ngisi. Wala sa sariling tumayo ako upang harapin ang nagbabadyang kamatayang kahaharapin ko.
"Who are you?!" May bahid ng takot at panginginig ang aking boses.
Mas lumawak ang kaniyang ngisi. Ngunit hindi mawawala ang kamatayan doon. Naglakbay ang aking paningin sa kanyang kabuuan, nakapangluksa. Subalit doon ako napatigagal sa hawak niyang itim na baril.
Bahagyang umihip ang malamig na hangin sa nakitang bagay. Dahan-dahan ang pag angat niya ng hawak niyang baril kasabay ang pagkawala ng kanina niyang ngisi na napalitan ng madilim na ekspresiyon.
His eyes turned black, screaming death.
Pero bago niya naiputok ang hawak niyang baril, nakita ko sa kanan ang tanging repleksyon ko sa mga sandaling iyon.
Huminga ako ng malalim sa napipintong oras na ilalagi ng buhay ko.Pumatak ang luhang kumawala sa bukas kong mga mata at kasabay ng paggising ko ang kumawalang alingawngaw ng bala. Napaupo ako sa aking kama matapos ang panaginip na iyon. Ramdam pa rin ang tensyon sa senaryong iyon habang hinahabol ang hiningang nais kumawala sa reyalidad.
Dahil sa panaginip na iyon, tinakbo ko ang nakaharap na salamin sa akin at doon ko hinubad ang pang itaas na damit leaving only my shorts
Nakita ko sa gilid ng aking braso ang isang daplis. Makinis iyon dala ng matagal ng naroon at habang nakatitig ako sa aking sarili, makikitang basang-basa ng luha ang aking mga mata.
Humagod ang mapait na likidong umaakyat pataas ng lalamunan ko. Pumasok ako ng banyo at doon nailabas sa inidoro ang pakla, pagkatapos sumandal sa gilid upang habulin ang paghinga.
BINABASA MO ANG
The Untold Tale of Darkness (Completed)
Mystery / ThrillerAlauria Monterey is her name, wether she avoid trouble, trouble never leaves her. Two weeks later after suspension, her ever rival group of girls and Llansante didn't stop from getting on her nerves. She just wanted peace after that long week but sh...