Chapter 12: Field Trip

6 1 0
                                    

Chapter Twelve











Naagaw ng hindi ko papangalanang lalaki ang aking atensyon sa kanyang pagtikhim at umupo sa aking tabi na kanina pa bakante at iniiwasan ng ilang estudyante. Hindi ko sinayang ang minutong tinignan ang mayabang niyang mukha dahil mas tinuon ko pa ang atensyon sa labas ng bintana.

Dumulas ang papel sa pagkakahawak ko na nakapatong sa ibabaw ng aking binti dahilan upang tapunan ko ng masamang tingin ang papansin na si Shane na obvious namang pinagtitinginan at pinagbubulungan kami ng ilan rito. May dalawang babae sa kabilang linya ang nakatapat sa amin na matamang nakatingin.

Seryoso niyang binabasa ang nakasulat sa papel. Naroon ang pangalan ko sa unang listahan bilang representative ng A team na sinusundan ng pangalan niya bilang representative naman ng B. Minsan, gusto kong basahin kung anong nasa isip ng taong ito. Hindi ko siya maintindihan at oo nga naman, concerning means caring.

Then stop, Alauria from thingking that way.

"Representative, huh." Ngisi niya na para bang may nakakatuwa o baka naman ay hindi nababagay sa akin ang title na iyon sa kanya? Kaya naman ay inagaw ko iyon at bumaling muli sa labas. Isang pasok pa ng aming team sa school bus ay binuhay na ng driver ang makina. Papaandar na noon ang school bus ay saka lamang binigay ni Shane ang upuan sa babaeng kanina pa tahimik sa gilid, nakatayong naghihintay marahil sa kanya na umalis.

"Hi." Bati ng babae nang makaalis si Llansante na akin namang pinagpasalamat sa hangin. Tumango ako sa kanya at tuluyan nang nilihis ang tingin sabay salpak ng earphones sa aking tainga upang iyon lang ang magsilbing ingay sa buong biyahe at napapikit naman ako sa intro ng kantang bumalot sa aking pandinig.

Magdamag ang pakikinig ko sa kanta habang sa labas pinapanood ko ang tahimik na lugar na napapaligiran naman ng puno sa tabi ng daan. Maya't-maya'y tinatakpan ko ang aking tainga kahit na may earphones pero masyadong malakas ang mga bunganga ng mga narito kaysa tug-tog na naririnig ko. Napapapikit na lamang ako sa asar.

Huminga ako ng malalim nang sa wakas ay huminto na ang school bus. Pagkatapos lumabas ng aking team ang paghinto naman ng isang school bus. Huling lumabas roon ang tahimik na si Naomi Rose, bit-bit ang laging dalang libro. Pinapanood ko siya sa kanyang paglalakad, napapaisip kung kailan siya matatapos sa pagbabasa sa librong iyon-oh well! Nevermind.

Pagkaraan ng ilang minuto, ang paghinto naman ng dalawa pang school bus. Niluwa niyon ang dalawang leader kasama ang buong team nito at nag isang linya tulad namin. They talk as if no one hears their loud voices.

Dalawang Caretaker ng isang mala horror house ang masayang nagbibigay ng do's and don'ts habang ang bulungan ng mga estudyante ay hindi maawat.

Hinahanap ko ang magandang deskripsyon sa buong kabahayan na nakasuksok sa dulo ng aking utak subalit tinapos iyon ng "Boring house." Parinig ni Amara na nakatingin sa kanyang kuko na bagong linis. Namataan nito ako na nakatingin sa kanya dahilan upang irapan nito ako saka tumingin sa kanyang gilid.

Crazy.

Sumunod kami sa dalawang caretaker. Bawat madaanang parte ng bahay ay kinikilabutan ang mga estudyante. May kumapit pa sa aking braso pero tinanggal nito agad sa simpleng tingin ko lamang rito. Nang matapat kami sa dalawang room ay hinati kami. Sa kaliwa ang mga lalake at kaming mga babae sa kanan.

The Untold Tale of Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon