Darker than Ever
Alauria Monterey
Pinapanood ko ang bawat galaw ng kamay ng oras. Kahit na hindi tahimik ang paligid, tila naririnig ko ang tunog nito. Umihip ang pang-hapong hangin sabay ang paghinto ng sapatos sa gilid. Tinignan ko ang may ari niyon, mayabang parin kung titignan kahit saang angulo ang mukha nito. Ngumisi si Llansante at ginaya ang aking tayo upang panoorin rin ang mangasul-ngasul na dagat. Sa oras na iyon, narinig ko naman ang tunog ng dagat. Pumikit ako at inalala kung paanong nakapunta kami rito sa cruise ship. Good thing we have that enhanced driver's license to board.
Mabilis ang paglipas ng oras at papalubog na ang araw. Sa kalangitan, nakikita ko ang nakasilip na buwan. Ang kaninang kasama ay umalis na pagkatapos ng paglubog ng araw.
Matapos ang mahabang oras na inilagi niya ng wala man lang sinabi, tila bumuhay muli ang ingay ng mga tao sa paligid. Gayon din naman, napagpasyahan ko rin sumunod.Nang mapasok ko ang silid na tutuluyan ko, isang bisita ang hindi ko inaasahang magpapakita. I do not know what time he has been here quietly sitting while rotating his gun with his finger.
"What has brought you here?" Huminto siya sa pag ikot ng kanyang baril at pinakita ang nakakairita nitong mukha.
"To kill boredom." Tumayo ito at umupo sa sofa. Inabot niya ang isang bote ng alak roon upang lagyan ang walang laman na baso.
"The whole people in the mansion waiting for you. You're days missing now and Pierre is looking for you."
Walang emosyon kong hinugot ang baril sa gilid ko at kinasa iyon upang itutok sa kanya. I can't stop the rage overflowing in my veins.
"Pierre... Pierre, betrayed me. Isa ka rin ba?" Lumabas ang hindi ko napigilang luha. I swallowed the lump blocking my throat. Tumayo siya sa sofa kaya naging alerto ako sa hakbang nito.
"Alauria." Tawag niya sa aking pangalan at iniwan ang baso upang talikuran ako. Pumikit ako pagkarinig ko palang ng pangalan ko at walang lakas na binaba ang baril.
May pinakita itong mga litrato. Dala ng katagalan niyon, kulay tsokolate na ang mga larawan at kasama doon ang music box. Nabitawan ko ang mga ito upang hawakan ang sumasakit na ulo. A flash of scene triggered my memory.
"She's awake." Anunsyo ng babae hindi kalayuan. Hindi ko maaninag ang lahat dahil sa ilaw na nakatapat sa akin. Hindi ko maintindihan ang kanilang usapan ngunit ang marinig ang huling sinabi ng isang lalaki ang isang bagay na aking tinulugan.
"Forget those things and live in peace, child." Naramdaman ko ang pagsara nito sa aking mata upang dalhin ako ng pagtulog sa panibagong umaga. Tahimik na umaga.
Mula nang magising ako sa loob ng kulay puting kwarto, hindi ko maiwasan tumingin sa malayo. Bumukas ang pinto upang ipasok niyon ang hindi katandaang lalaki. Suot niya'y sumbrero, mamahaling kasuotan, relo, at itim na sapatos.
"You can't remember me, child?" Katanungan na hindi ko maintindihan. He calls me as if I know him. I can't remember him. I do not remember anything since that voice told me. I forgot, I don't know.
Who is this man? I don't remember he's a close friend or what. I chose not to talk with strangers. There's something about strangers that anytime can pollute one's mind.
BINABASA MO ANG
The Untold Tale of Darkness (Completed)
Mystery / ThrillerAlauria Monterey is her name, wether she avoid trouble, trouble never leaves her. Two weeks later after suspension, her ever rival group of girls and Llansante didn't stop from getting on her nerves. She just wanted peace after that long week but sh...