Chapter 28: The Other Side

5 1 0
                                    

Chapter Twenty-eight









Alas nueve na nang gabi ay hindi parin ako dinadalaw ng antok. Nakikita ko ang mabitwing kalangitan at paminsan-minsan ninanakawan ng tingin ang kalendaryo. Umupo ako upang dungawin ang labas dahilan ng pagiisip ko ng malalim.

If I were to choose a situation, I would choose Abigail because she's a ten and never doubted my guts. I'd rather get tired seeing her than this family matter situation I'm in.

Hindi ko na alam kung saan ako maniniwala. Adrienne's alive and George's behind all of this. Noon nga'y tumunog ang pintuan. Pinuno ko ng hangin ang aking baga pagkakita sa lalaki. I never thought my precious gun would be of use to this kind of situation. Palihim kong kinapa ang baril sa gilid habang binubulong ang salamat sa hangin.

"Child." It disgust even more calling me child.

"What a filthy mouth you have." I snapped him nothing but a sound of click of the gun. Ngayon lang ako nagulat sa tanang buhay ko at sa harap pa ng taong pinagkatiwalaan ko ng lahat pagkatapos ito mangyayari.

Tumakas ang kaunting pagbuga ng hangin sa labasan ng kanyang ilong at napuno naman ako ng palaisipan kung paano makakatakas sa naghihintay na kamatayan anumang oras. And I think there's no other way to escape but to jump off the window.

Walang pagdadalawang isip kong inalis ang nakakabit sa aking kamay at dali-daling tumalon sa durangawan. Narinig ko ang kanyang munting mura pagkatapos ay bumangon naman ako sa pagkakahiga sa madamong parte na aking binagsakan habang iniinda ang sakit sa aking likuran at paika-ikang nilakad ang parking.

Nagpasalamat ako sa dilim ng gabi habang tinatahak ang parking lot subalit namataan ko ang isang grupo na para bang naghihintay kung kaya't nahanap ko ang sariling nagtago sa likod ng itim na sasakyan malapit sa akin na tila pumapanig ang kalooban ko na makaalis sa lugar na ito nang tumunog ang sasakyang na aking pinagtataguan.

Nilingon ko ang may edad na lalaki habang pinapakita ang pagtitimpi sa mukha kaya binura ko iyon at pinatahimik ang kaluluwa. Silencing the man behind and take away his key to get out of that unfortunate event made the gang to look at our direction pero doon nga ay malaya kong tinahak ang daan paalis roon.

Sa gitna ng maraming nagdaraanang sasakyan, namukhaan ko ang sasakyan na sumusunod sa akin kung kaya't mabilis kong niliko ang sasakyan kahit bawal mag u-turn dahilan upang maalerto ang kapulisan. Ngayon, binabawi ko nang hindi pumapanig ang kagustuhan ko.

Sa bilis ng takbo ng sasakyan, nagawa kong sumingit sa daan kaya nawalan ng direksyon at huminto ng takbo ang ilan. Tanging tahimik na ruta ang nahanap ko, nga lang hinaharang niyon ng pader at mga nagkalat na mga basura.

Gaya ko ay huminto ang sasakyan ng pulis kaya ang tanging nagawa ko ay isandal ang ulo sa manibela. Isang katok ang kumuha ng aking atensyon kaya tiningala ko ang naghihintay na pulis kaya binuksan ko ang sasakyan at tinaas ang dalawang kamay.

Hinagod ako ng tingin ng pulis bago ako tinanong, "Patient?" Hindi ako kumibo. Ilang saglit lang ay mga yabag naman ang nagpatigil sa pulis na pinoposasan ako subalit hindi ito natuloy nang hawakan ako ng may higpit sa aking braso paalis roon.

Nagpumiglas ako kahit hinang-hina pa dahil sa pagkakabagsak at dag-dag na rin ang mga pasa at sugat na aking natamo noong huli naming kita ni Pierre Monterey.

Pabagsag akong napaluhod sa harap nito dahil sa lakas ng pagkakatulak sa akin. Lumapit siya at sinuot sa akin ang piring na kasing itim ng gabi. "Welcome back, child." Bulong niya pagkatapos ay nahanap ko ang sarili sa dilim ngunit ang mga mata nito kung tumingin kanina naghatid sa akin sa George na kilala ko.

The Untold Tale of Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon