Chapter Nineteen
"Take care!" Paalam ni Gene saka magkasama nilang tinawid ni Bellacris ang daan. Umandar naman noon ang sasakyan paalis ng main gate ng eskwelahan. Makulimlim ang langit at maya-maya lang ay bumuhos na ang ulan. Hinaplos ko ang salamin gaya ng luhang kailangang punasan. Tumikhim si Vincente dahilan upang matuon ang pansin sa kanyang repleksyon sa salamin. Bakas sa kanyang mata ang puyat kahit na binagayan ng salamin nito ang malabo niyang mata.
"Pierre will be there soon." Ani Vincente na nakatingin lang sa unahan at huminto kami saglit nang magkulay pula ang traffic light. Sa gitna ng aking pagiisip siya namang paghinto ng isang utility bike sa bicycle lane. Sakay niyon ang isang babaeng naka-abang sa go signal saka tahimik na pinapanood ang dumaraan na mga sasakyan at nang tumalon sa kulay berde ang ilaw, huli kong nakitang sa kabilang direksyon ang kanyang tinahak.
Hindi ko na nasagot pa ang balita ni Vincente dahil ilang minuto na rin ang lumipas. Sa katunayan, wala naman itong pakialam kung hindi ko man sagutin ang kanyang sasabihin o tanong. Not minding if I would listen or not, he's just delivering his thoughts for the sake of his mind. The violet ray colors the sky is giving us the aesthetic vibe of riding on a pink moon.
At gabi na nang makauwi kami. Ang sabi ni Vincente bago ako bumaba ng sasakyan ay dumiretso na lamang ako ng dining room. Alam ko na ang susunod pagkatapos niyon dahil rare occasion lang ito.
Hindi na ako nagulat na naroon naghihintay si Pierre kasama ang mga kapatid. Kaunti nalang maririnig ko na ang nakabibinging atmosperang dala ni Pierre. Nilakad ko ang laging pwesto at sumalampak sa pala-upuan na gumawa ng ingay dahilan upang tapunan ako ng masamang tingin ni York. Tinaas ko ang dalawang kamay bilang pagsuko sa nagbabadyang sasabihin niya.
Nilapag ng kawaksi ang isang maliit na cake sa aking harapan at pinatungan ito ng kandli saka sinindihan. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.
"What wish would you like to be granted?" Ah... kaarawan ko pala ngayon.
"Nothing." Saka ay pumikit ako upang hindi makita ang kani-kanilang reaksyon habang hinihipan ang kandila. "Happy birthday, child." Si Pierre saka may nilapag na regalo sa gilid ko.
"Here." Inabot naman ni Herlliot ang maliit na regalo at ganoon din si York.
Matapos ang kaunting selebrasyon sa aking kaarawan, agad ko namang tinahak ang aking silid at dali-daling nagpahinga. Pumasok ang malamig na simoy ng hangin at nang makita ko ang pigura ng isang lalaki ay tumayo ako sa pagkakahiga sa kama.
And there he is.
"Hello there, Monterey."
"I'm telling you to leave so do me the pleasure." Walang gana kong sagot.
"Well then," Tinaas niya ang kanyang kamay at doon ay hawak niya ang nakailaw ko pang cellphone. Tumayo ako at sinubukan abutin sa pagkakahawak nito subalit huli na.
Hinagis nito sa akin ang cellphone bago ko pa iyon makuha. At ilang minuto ang lumipas nang may natanggap akong mensahe.
'Happy birthday.'
Iyon lang at wala na kaya naman ay nakuha ko ang tulog buong gabi.
***
BINABASA MO ANG
The Untold Tale of Darkness (Completed)
Mystère / ThrillerAlauria Monterey is her name, wether she avoid trouble, trouble never leaves her. Two weeks later after suspension, her ever rival group of girls and Llansante didn't stop from getting on her nerves. She just wanted peace after that long week but sh...