Chapter Thirty-five
My instinct told me to wake up but a surprise attack my eyes. Agad bumalot ang hindi mapag-halong dilim at liwanag ng pamilyar na altar. Malamig ang sementadong sahig dahilan na dumaragdag sa presensya ng pang hapong liwanag ng mga hilerang kandila.
Hindi na ito panaginip kaya tumayo ako upang aninagin ang bulto ng lalaki roon, itim na itim ang kasuotan. Samantala, nabuo sa aking isipan:
Nakahiga ako sa pamilyar na simbahan, ramdam ko ang bigat ng presensya nito, at ang memorya nito sa bata kong puso.
No one will ever know where am I and the air I breathe is thinning because my heart pumps and death comes if this thing keeps faster. Sa isiping iyon, lalo ko namang pinagsumikapang aninagin ang likod ng lalaki dahil sa kuryoso.
Kasabay ng paghinto ko ang pagharap naman nito. Dramatiko ang bawat eksena at sa harap namin ay isang parihabang kahon kung saan natutulog ng walang hanggan ang patay.
"Welcome, child." May edad na ani ng lalaki at tinago ang dalawang kamay sa likod. Pamilyar ang tagpo pati na ang tindig nito lalo na ang welcome marker nito.
Natatakot ako sa pwedeng mangyari ngunit inalis ko ang isiping nabuo sa aking isipan. Kinubli ko ang takot sa walang ekspresyon at kalmanteng ekspresyon.
"Who are you?" Nanggaling sa traydor kong dila ang katanungan. Sa isip ko lamang sana iyon subalit nasabi ko ng walang malay.
Tumunog ang labi nito upang pakawalan ang ngisi roon. Tinanggal niya ang maskara na lagi kong nakikita sa tuwing ako'y nananaginip. Tinapon niya iyon kung saan at nakita ko ang kamatayan sa kanya. Lumakad siya at sa bawat yabag ay katumbas ng bigat niyon na yumayanig sa bawat kalamnan ko. Saan at kailan ako nagkamali sa nakaraang buhay ko? Hindi ko maisip kung ano nga ba ang kinalaman ko sa kanya at koneksyon na labis na ginigising ako sa panaginip.
"I am everyone's gravestone." Nakita ko ang mga mata nitong gumilid na para bang tinutukoy ang kabaong na sarado sa harap habang may kampanilya sa labas niyon. Kumunot ang aking noo sa bagay na nakita roon.
"To put it, George-Pierre? The hell I care," he paused, "He is one under my control. Not Josef and Laura, so I prepared their deathbed because Josef the lawyer knew everything, but that was a long time ago. The end." Narinig ko ang kaunting halakhak sa dulo.
"And my child, you're no exemption." Kasabay noon ang paglabas niya ng baril na kasing lamig at itim ng gabi. Ito na nga ba ang tunay na kamatayan? Hindi ko ninais na ganito ang kahihinatnan ko.
"Do you want a taste of death after knowing my name?" Hindi ko iyon sinagot kaya ay nagpatuloy siya, "silence means yes-" pinigilan ko siya.
"No." Tumigil siya at gumuhit lalo ang ngisi sa kanyang labi. Napipinta ang mapanlarong kurba roon na para bang natustusan ang pangangailangan niya.
Hindi ko mawari kung anong mayroon siya na kinatatakutan ko. Umiiksi ang paghinga sa bawat hanging pinuno at nilalabas ko sa aking dib-dib. Umatras ako ng dahan-dahan nang tumutok ang hawak niyang baril sa akin.
Ang matagal nang binaon na pakiramdam sa senaryong ito ay bumabalik kaya lumabas sa aking mga mata ang luha. Wala akong marinig na tila hininto ng takot na bumabalot sa akin.
Dahan-dahan ang bawat hakbang palayo sa kanya habang siya'y patuloy namang lumalapit.
"My child, death is a tasteless way to do. So, do not make any noise as I aim the trigger." Mga salitang tila nagpapakalma. Tila normal kung sambitin ang bawat salita na siguro'y nakasanayan nang gamitin.
BINABASA MO ANG
The Untold Tale of Darkness (Completed)
Mystery / ThrillerAlauria Monterey is her name, wether she avoid trouble, trouble never leaves her. Two weeks later after suspension, her ever rival group of girls and Llansante didn't stop from getting on her nerves. She just wanted peace after that long week but sh...