Chapter Six: Friday Night's Continuation
Pagkaraan ng ilang oras ay nakarating ako ng mansion, dumiretso agad sa pangalawang palapag hanggang maabot ang saradong silid.
Hindi ko na tinangal ang sapatos at basta sumampa sa kama at mariin na pumikit upang itulog ang hilo dala ng nainom na beer at inis kay Llansante at sa babae nito.
Binuksan ko ang talukap ng aking mga mata, nakita kong nakabukas ang mga ilaw, hindi pamilyar. Kunot noo, hinagod ng tingin ang kanina'y dance floor. I'm seeing dancing people in their dresses and tuxedos. I wear it proudly as I watch them from here. Tila hindi ako kita ng mga ito. They're busy talking about the party or something that they don't mind me watching at them.
People are wearing their masks, like in a mystery movie. I can see this place is familiar to me, but I remember the last scene I was in.
Ang paggalaw nila ay parang nagiingat. Hindi ko namalayang naglalakad na pala ako kaysa iniisip ko, hindi ko mapigilan ang sarili.
Natigilan ako nang maramdaman ko ang suot kong damit sa gabing ito ng pagtitipon. I bowed my head to see what I wore. The white gown is flowing down like a waterfall, kissing the mirror-like floor. It's falling straight, and it's off-shoulder, showing my pale skin. All in all, it looked decent.
Nang makita ko na may hawak akong mga puting bulaklak, pinakatitigan ko ang mga ito. Parang nang-aakit sa hindi malamang dahilan ngunit, hindi ko inaasahan ang sumunod.
Dugong dumaloy pababa, hanggang sa pumatak sa puting sahig ng dance hall. Binitiwan ko ang mga bulaklak upang tignan ang malalalim na tusok sa aking kamay.
Tinungo kong muli ng tingin ang mga tao sa gitna ngunit, gulat akong natakot dahil lahat sila ay wala ng buhay na nakahandusay sa sahig. Nagkalat ang mga dugo sa iba't ibang parte. Ngunit may isang nakatayo sa bilog na dance floor, tila sinasamba ng mga patay na katawan. Nakapalibot ang lahat sa kaniya.
Unti-unti, ay kinakain ng kadiliman ang paligid, hanggang sa naging masukal na kagubatan.
Tumitig ako sa mga mata niyang pinaghalong galit at poot. Suot ang itim na maskara at itim na suot. Hawak ang kasing dilim ng gabi na baril ay makikitaan na ng walang awa.
Humakbang siya palapit. At umikot siya nang makalapit, naramdaman ko ang init ng katawan niya nang lumapat iyon sa aking likuran, at mahinang pagkasa ng baril na itinapat pagkatapos sa aking sentido. Kabaliktaran ng lamig ng bagay na iyon ang init ng impiyernong ipararanas nito sa sinumang dadapuan ng nakapaloob sa baril.
Nakita ko ilang distansya sa amin ang layo ng isang salamin. Ipinapakita ang repleksyon ko na takot. Tuluyang tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Sa aking repleksyon hindi ko makita ang isa pang emosiyon roon, nanatili pa rin iyon sa takot. Kung paanong nangyari, ay hindi ko alam.
Kasabay ng pagdilat ko ang pagputok ng baril, umalingawngaw hanggang sa aking paggising sa pamilyar na silid. My vision adjusted and my mind confirmed the room's mine.
Mabibigat ang hininga habang nakaupo sa kama at sapo-sapo ang mukha sa labis na nararamdamang takot.
As usual, my body clock didn't cooperate with the time given to me. Pierre would scold me whenever I woke up late. lalo na ngayon na higit pa nila akong kailangan sa port. Mahirap daw kapag may pumalya na naman sa transaksyon gaya dati. Our people needs my help incase of emergency. Alam kong malaki ang maitutulong ko lalo na sa seguridad ng mga tauhan namin. Hindi sa hindi nila kayang proteksyunan ang port ngunit na sa akin ang malaking seguridad na makukuha. I never thought of myself as their saviour buddy just because I could bullseye an enemy. All are wrong; they know nothing. As I grew older, things changed when I first encountered dreams.
BINABASA MO ANG
The Untold Tale of Darkness (Completed)
Mystery / ThrillerAlauria Monterey is her name, wether she avoid trouble, trouble never leaves her. Two weeks later after suspension, her ever rival group of girls and Llansante didn't stop from getting on her nerves. She just wanted peace after that long week but sh...