Chapter 11: Lunch with the J-rk

3 1 0
                                    

Chapter Eleven











Nang maisarang mabuti ang pinto ng aking kwarto, hinarap ko ng kuryosidad sa noo ang nakatayong si Vicente na nagsisilbing hatid-sundo ko. Malalim ang mga mata nito na akin namang pinantayan. At nang wala naman siyang sasabihin, walang emosiyong umalis ako at inunahan siya sa sasakyan. Bagaman hindi pa tuluyan nagpapakita ang araw, ang liwanag naman nito ang nagpapahiwatig na maaga ang pasok ko.

Mabilis ang takbo ng sasakyan dahilan ng maaga kong pagpasok sa W. Field. Ilang saglit pa, huminto na kami sa harap ng bukas nang gate ng aming paaralan. Inayos ko muna ang jacket na suot at sinukbit ang bag pack bago binuksan ang pintuan ng sasakyan.

Naglalakad palang sa kahabaan ng corridor ay napapalingon na sa'kin ang mga tsismosa. Sinamaan ko sila ng aking tingin saka inirapan. Masiyado bang maaga ang pagpasok ko na pati iyon ay napupuna nila?

Mabibilis na yabag at takbo at ang pagkabunggo sa'kin ng dalawang nagmamadaling babae upang ibalita ang nasagap nila. Hinihingal sa pagsasalita ang isa habang sumasang-ayon naman ang kasama. Hindi ko na nagawa pang magreklamo at sinawalang bahala ang nangyari.

At dahil nakasuot ako ng earphones habang tumutugtog naman ang sapat na lakas ng musika, naririnig na hindi malinaw ang biglang nagsasalita nang mga estudiyante. Interesado sa sinasabi ng bawat isa nang nagmamadali na rin sa pagtakbo. Wondering, hinila ko ang earphones upang marinig ang sinasabi ng iba. Noon ko lang din natantong kaya pala nagmamadali ang iba na parang may hinahabol na bagay na hindi pwedeng ma-miss.

Tumatakbo ang iba ngunit sapat na upang maagawa ang atensyon ng bawat isa. Nanliliit ang matang sinundan ang sumunod na tumakbo hanggang sa tapat ng bulletin board upang maki-usosyo. Noon ko lang napansin ang sarili na nakikihalo sa mga estudyante.

I got the second spot after Llansante. That guy obviously is the hall of fame, from brain to looks. Though he is not as cool as his boyfriends but gah... boring.

"He sure is nerd." I called the nerd and sure gave me a sarcastic smile.

"So am I." She pointed my spot down to the third rank where her name boldly printed.

"Tsss." Iyon na lang ang nasabi ko at kung bakit ba naman kasi nawalan ako ng gana eh 'di sana hindi ko nabungaran ang pagmumukha ni Llansante.

"Easy, babe." Sabat ng kasama nito na nakangisi.

Tinapunan ko siya ng walang ganang tingin saka tinulak si Llansante palayo. Sa gilid, mataray na nakatingin sa akin ang isang babae na animo'y modelo.

"Don't you eye rape my, Drake!" Nagpupuyos na turan sa akin ng babae na ikinatawa ng kasama ni Shane.

"Pwes ilayo mo." Sinuot kong muli ang earphone saka umalis sa harap nila at ng mga estudyanteng natigil sa aming munting palabas.

Nang sumunod na klase ay wala namang masyadong ginawa bukod sa pagdiskusyon tungkol sa darating na trip.

"Before you proceed to your next class, here's the list of exempted." Ani Sir John, hawak ang papel sa ere.

"Under this class, Monterey will be the class representative for the upcoming field trip." Explain pa ni sir John na akala mo naman ay nakakamatay kung mag bigay ng reaksyon ang mga estudyante. Amara moaned. Halatang ayaw sa ideya kaya nag inarte sa mga alipores.

The Untold Tale of Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon