Chapter 16: Deep Slumber

5 1 0
                                    

Chapter Sixteen







"Hindi." Huli kong sambit nang paunti-unting dumidilim ang aking paningin.

Nagising ako isang hapon sa librarya, bagsak ang ulo sa nakabukas na libro na kanina'y binabasa lang.

I yawned.

Hindi ko alam na nakatulog pala ako sa pagbabasa, kaya naman ay umayos ako upang ituloy ang naiwang nakabukas na libro. Ngunit nabaling ang aking atensyon sa muka ni Rose. Her thick glass she usually wear and her pain in the eyes fly away hairs caught more of my attention but she's no ordinary mystery.

Natigil ang aking pagmamasid sa kanya nang may umupo sa gilid nito. She gave us her bright smile and opened her book. The curve of her smile is quietly good on her—–I mean, if I were as innocent as her, will I do the same? I guess.

"Ah... May dumi ba ako sa mukha?" Napakurap ako nang bumalik ako sa aking huwisyo. Kaya tinuon kong muli ang pansin sa pagbabasa para matapos na ito. Mabuti at naabala ako sa pagbabasa kaya nawala sa akin ang isiping iyon.

Ilang sandali lang ay tapos na ako. Muli ay sinulyapan ko ang kaninang babae na walang emosiyon. Nahuli ko ang mata niyang nakatingin sa akin kaya sinarado ko ang libro. Sapat na upang magising ito sa kung anong iniisip sa akin. She gave me a bit curve on her lips na bahagyang nakikita.

"Ah..." Ang babae sa gilid niya ngunit hindi maituloy ang sasabihin dahil sa namamagitan na kung ano sa aming dalawa.

Sa huli, ako ang unang bumitaw ng aming titigan. Kinuha ko na lamang ang isa pang libro at binuksan iyon. Sinimulan kong basahin ang Half of the Twelve Losers hanggang sa sumunod na mga pahina.

Hindi nagtagal ay umalis na rin sila. At ngayon ako nalang ang mag isa sa row dito, sinarado ko na ang libro saka tinabi sa gilid. Kasabay noon ang bell's ring, mabilis ang pag-alingawngaw ng ingay noon upang matigilan kami at magsitingala ang ibang mga estudiyante na nagbabasa ng tahimik kanina sa kani-kanilang upuan.

Kaya wala na silang nagawa pa kun'di ligpitin ang kanilang gamit at saka isarado ang mga librong ginamit saka binalik sa dating ayos ang mga libro bago lumisan isa-isa sa library.

Huli ko namang namataan ang likod ni Abigail kasama si Amara na nagmamartsa bago magsara ang pintuan ng library. Himalang library lang pala ang kayang manahimik sa kanila.

Matapos iyon ay sinimulan ko na din ligpitin ang akin, bago ako umalis sinigurado ko munang sinauli ko ang mga libro sa dati nilang ayos.

MALAKAS na kalabog ang narinig ko habang paparoon sa locker room matapos ang dismiss ng aming guro. Nilakad ko ang distansya mula sa locker room, hindi ko inaasahang pati dito ay dinadala ang gulo. Natigilan si Abigail pero ano nanaman ba ang ginawa ng biktima nila? Ang sakit nila sa anit. Akala ko naman ay tahimik na ngayong araw.

An 'o' opened Abigail's mouth but shifted to smirk, "Welcome, dirtbags!" Aniya sabay buka ng mga kamay, indication of welcome.

Binitawan niya sa pagkakahawak ng damit ang babae at lumapit sa akin. Tantya ko, kung saan-saan nanaman siguro ito makakarating.

"Come join us, Monterey."

Nang hindi ako sumagot ay lumayo ito ng bahagya, "Ayaw mo?" Maarte pa niyang tanong habang nakabilog ang bibig nito sa huli niyang sinabi.

Tumaas ang kaliwang kilay ko.

"Then back off, we'll be having fun so do not interfere and kill our joy."

Magsasalita pa sana ito dahil hindi man lamang ako gumalaw nang may pumasok na dalawang babae. I don't like my life to consider this type of incidents this is so shallow to the point it cringes my bones.

The Untold Tale of Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon