Hating gabi na pero tumatakbo parin ako dito sa gitna ng kakahuyan.
'Kailangan kung makatakas. Hindi niya ako pwedeng makuha.'
Lumingon ako sa likod ko habang patuloy parin sa pagtakbo. Nakita ko ang bulto ng isang lalaki sa malayo. Nakapamulsa ito habang naglalakad.
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa hindi ko na makita ang lalaki. Ilang minuto na siguro ang nakakalipas at akala ko ay makakatakas na ako ngunit nagkamali ako dahil naramdaman ko nalang ang presensya niya sa likod ko.
Hinapit niya ako sa beywang bago niya hinawi ang buhok ko at ibinaon ang ulo niya sa leeg ko bago sininghot.
Kinilabutan ako nang maramdaman ko ang pagtama ng ilong at labi niya sa leeg ko. Hindi ko alam pero nanghihina ako sa hawak niya.
Nanginginig ang katawan ko at kung hindi lamang niya ako hawak ay tiyak nakasalampak na ako sa lupa.
"Fuck. You smell so good. " sabi niya habang inaamoy ang leeg ko.
Ang bilis niya.
Hindi ko alam kung paano siya napunta sa likod ko pero isa lang ang sigurado ako—hindi siya tao—isa siyang halimaw.
"Parang awa muna. Tigilan muna ako please, wala ka namang makukuha sakin. Hindi ako mayaman-"
"I don't need money. I have those. All I need is your body, heart and... blood." Ibinulong niya ang huling salita gamit ang malalim niyang boses at hindi ko maiwasan ang hindi manginig. Ang labi niya ay mabining humahaplos sa leeg ko. Naramdaman ko ang pag-awang ng labi niya at ang matutulis niyang ngipin.
Umiling-iling ako sakaniya at hindi na maiwasan ang hindi umiyak. Nakakatakot siya. Natatakot ako sakaniya.
"Don't be scared. I'm not going to hurt you hmm." Hinaplos-haplos niya ang pisngi ko at ngumiti. "I just want a taste of your sweet blood." Inilapit niya ang mukha niya sa akin at doon ko naramdaman ang dalawang matulis na bagay na bumaon sa leeg ko. Napakapit ako sa braso niya dahil sa sakit ng pagkakabaon ng mga 'yon.
Ramdam na ramdam ko ang ginagawa niyang pagsipsip sa dugo ko.
"You're mine. Fucking mine."
Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya dahil nandidilim na ang paningin ko. Bago ako mawalan ng malay ay naramdaman ko pang hinarap niya ako sakanya at hinalikan ako sa noo sabay haplos sa pisngi ko. Ngunit hindi 'yon ang mas nakakuha ng pansin ko, kundi ang mga mata niyang mapupula.
Isa siyang bampira and I am his obsession.
"Everything will be alright. Sleep now, amore. "
'Yon lamang ang narinig ko bago ako tuluyang igupo ng kadiliman.
BINABASA MO ANG
His Obsession
VampirgeschichtenA not-so-typical vampire story. He is obsessed with her, and he will do everything to get her by hook or by crook. Started: July 26, 2023 Finished: Pictures and music that I used in this book is not mine. Credits to the rightful owner.