Maya
Ilang araw na ang nakakalipas magsimula nang ligawan ako ni Jherome at sa durasyon no'n ay wala akong ibang maramdaman kundi saya. Ito na yata ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko. Ang dating pinangarap lang ay unti-unti ng natutupad.
Nandito ako ngayon sa isang park nakaupo sa nilatag na picnic mat. Pagkatapos niya akong sunduin sa trabaho ay dumiritso kami rito. Niyaya kasi ako ni Jherome na magdate at hindi ko alam na magpi-picnic pala kami.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Nakita ko ang ilan ding nagpi-picnic na magkakapamilya at magjowa. Napaiwas ako ng tingin ng makita ko ang magjowang naghalikan sa harapan ko. Umayos ako ng upo at tumingin na lang sa ilog. Nasa gilid ng ilog kami nakapwesto. Ang malaking puno ng narra ang nagsisilbing silungan.
Lumapit ako sa ilog. Sobrang linis nito kaya kitang-kita ko ang mga isdang lumalangoy. Inilublob ko ang isang kamay na agad ko ding binawi dahil sa lamig. Pinunasan ko ang basang kamay ng tissue bago hinawakan ang buhok na nililipad ng hangin. Nakalimutan ko kasing magdala ng panali.
Napatingin ako sa relong pambisig at nakita kong lumipas na ang sampung minuto.
Iniwan ako sandali ni Jherome dahil may kukunin daw siya at hanggang ngayon ay hindi pa din siya nakakabalik. Hindi ko alam kung anong nakalimutan niya. Nandito naman ang basket kung saan nakalagay ang mga pagkain. Ang picnic mat andito din.
Hindi naman siguro niya ako iniwan diba?
Hindi ko maiwasan ang mag-isip ng hindi maganda.
Bawat minutong lumilipas ay unti-unti ding umuusbong ang pagkadismaya sa akin. Unti-unting naninikip ang dibdib ko kaya ilang beses akong napabuntong-hininga. Sinubukan kong mag-isip ng positibo. Baka may kinuha lang talaga sa sasakyan o kaya may nadaanang kakilala kaya natagalan. Tama ganyan nga. Tiwala lang Maya. Tiwala lang.
At noong akala ko iniwan na niya ako ay siya naman ang pagbalik niya. Nakita ko siyang tumatakbo sa di kalayuan. May hawak itong isang gitara at bungkos ng bulaklak. Hinihingal pa siya nang makalapit.
"Sorry for making you wait, May-"
Tumayo ako at hindi na napigilan ang sariling lapitan siya at yakapin. Agad siyang napatigil sa pagsasalita sa ginawa ko. Nawala na ang bigat na nararamdaman kanina. Tila nakahinga ako ng maluwag.
"May pawis ako Maya." Sabi niya at akmang ilalayo ako sakaniya pero hindi ako nagpatinag at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap. Ayokong bumitaw. Gusto kong manatiling ganito. Ganitong hawak ko siya, dahil sa ganitong paraan mawala lahat ng agam-agam ko.
"Nakakainis ka! Akala ko iniwan mo na ako!" Sumbat ko sakaniya at hindi na mapigilan ang luha sa pag-agos. Natakot ako. Natakot akong baka iniwan niya ako. Natakot akong baka nagsawa na siya sa'kin at narealize niyang hindi pala ako worth it sa time at atensyon niya. Na nakakasawa pa lang ligawan ang isang tulad ko.
"Bakit mo naman naisip 'yan? Hindi kita iiwan."
Inakay niya ako paupo pabalik at naglabas ng panyo para punasan ang mukha ko. Pero bago 'yon ay tinalian muna niya ang buhok ko gamit ang manipis na panali na suot-suot niya. Nang maitali ang buhok ko ay sinunod naman niya ang pagpunas sa mukha ko.
Sinubukan kong kunin sakaniya ang panyo dahil nakakahiya pero inilayo niya lang at pinagpatuloy ang pagpunas sa'kin kaya wala akong nagawa at hinayaan na lang siya.
"Tahan na. Nag renta lang ako ng gitara at bumili ng bulaklak kasi nalanta 'yong binili ko kanina."
Ramdam ko ang medyo magaspang niyang kamay sa mukha ko habang nagpupunas. Pero magaan ang hawak niya at wala akong maramdamang pwersa na para akong isang babasaging bagay.

BINABASA MO ANG
His Obsession
VampireA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...