Maya
"Maya, table 5." Tiningnan ko si Kitty nang magsalita siya. Tinanguan ko naman siya at kinuha ang tray kung saan naroon ang order.
Nandito na ako sa pinagtatrabahuan. Kakadating ko lang kanina. Ito ang pinagkaka-abalahan ko araw-araw.
Kitang-kita ko ang mga kasamahan kong busy sa kanya-kanyang ginagawa. Gaya nila ay nakasuot din ako polong kulay asul at kulay puting apron at may bitbit na tray kung saan ang order na pagkain.
Nang makarating ako sa table 5 ay inilapag ko na ang pagkain.
"Enjoy your meal sir!" Ngiti kung sabi pagkalapag sa order. Yumuko ako ng kaunti bago tumalikod at naglakad pabalik sa counter.
Ganun lamang ang ginawa ko sa nakalipas na oras. Nakakapagod man ngunit wala akong magagawa dahil 'to lang naman ang trabahong tumanggap saakin. Pasalamat pa nga ako dahil nagkatrabaho ako. At saka sakto lang naman ang sinasahod ko para sa pang-araw-araw na gastusin.
Itong restaurant na pinagtatrabahuan ko ay kay ate Taya. Regalo ito sakaniya ng kaniyang asawa no’ng kinasal sila. Simula ng lumipat ako sa tinitirahan ko pitong taon na ang nakakalipas ay siya na ang tumayo kung magulang. Siguro dahil pareho kami ng pinagdaanan kaya madali kaming nagkasundo. Pareho man kaming kapos sa buhay ngunit sinuwerte siya dahil nakilala niya ang asawa niyang AFAM kaya guminhawa ang buhay niya. At kahit nakapag-asawa siya ng mayaman ay hindi niya pa rin ako kinalimutan. Kaya malaki ang pasasalamat ko sakaniya.
Naglakad ako papasok sa kusina. Kakatapos ko lang mananghalian.
Nakita ko sila Janine at ’yong iba naming kasamahan sa may sulok at nagkukuwentuhan. Sigurado nagchichismisan na naman ang mga ’yan. Napailing na lang ako bago naglakad sa sink. Narinig ko pang tinawag nila ako ngunit ngumiti lamang ako sakanila at hindi na lumapit.Nang makarating sa lababo ay nakita kong andaming hugasin kaya hinugasan ko nalang mga ito. Hindi man parte ng trabaho ko pero hindi kasi ako mapakali kapag wala akong ginagawa.
"Ako na." Sabi ng malamig na boses.
Nang tingnan ko ito ay nakita kong si Jeric ito. Mukhang kakatapos niya lang din sa pagkain. Siya ang nakatuka sa paghuhugas. Pinigilan niya ang kamay ko sa pag-abot ng malaking pinggan pero inilingan ko siya at nagpatuloy pa din sa pag-abot ng pinggan.
"Hindi. Ako na, kaya ko na 'to."
Nagkibit balikat na lang siya at bumalik sa pinanggalingan kanina.
Habang naghuhugas ng mga pinggan ay nagtaka ako nang makita ko si kitty na tumitili at tumatakbo sa direksyon ko.
"Maya, kailangan mong maghanda."
"Huh? Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Andiyan 'yong fafa mo."
"Huh? Fafa? Sino?"
"Ano ka ba naman. Si sir Jherome, nasa labas si sir Jherome at hinahanap ka!"
"S-si Jherome?"
"Oo nga teh paulit-ulit?"
"B-bakit niya ako hinahanap?"
"Aba malay ko. Hala sige, mag-ayos ka bago mo labasin si sir Jherome. Baka maturn off 'yon pag nakita ka niyang haggard" Tinulak-tulak ako ni Kitty sa locker na para sa aming mga staff ng restaurant. "Wag kang mag-alala ako ng bahala dito." Pahabol niya bago sinarado ang pinto.
Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang pintuan ng locker ko nang makapasok ako. Hindi ko maiwasan ang hindi kabahan.
'Ba't ako hinahanap ni Jherome? Anong kailangan niya?'

BINABASA MO ANG
His Obsession
VampireA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...