Chapter 15

1.1K 105 15
                                        

Maya

"At ako ang gagawin niyong pain." Hula ko at akala ko tatanggi sila pareho pero halos manlumo ako ng sabay silang tumango dalawa.

"Ayoko!" Agad akong umiling sa gusto nilang mangyari.

Nahihibang na ba sila? Bakit ako ang gagawin nilang pain? Alam nilang takot ako sa bampirang 'yon!

"Nagbibiro lang kayo." Dugtong ko.

"We're not. That vampire is obsess with you. At ikaw lang ang pwedeng magpalabas sa lungga niya."

"Pero alam niyo ang ginawa ng bampirang 'yon sakin! Kaya hindi ako papayag na maging pain niyo!"

"Ms. Villamor kung ang inaalala mo ang kaligtasan mo ay tinitiyak ko sayong hindi kita papabayaan. I've already think about this plan. Hindi kita ipapahamak. We just need to lure him and catch him para matapos na ang problema mo."

"At pa'no kayo nakakatiyak na mahuhuli niyo siya? Alam niyo kung anong klaseng tao-halimaw 'yon. Hindi siya basta-basta mahuhuli!"

"Not unless, we lure him out of his lair using your blood. Ang sabi mo, gustong-gusto niya ang dugo mo. Kung gano'n gagamitin natin 'to para mahuli siya."

"Hindi. Ayoko pa rin." Umiling-iling ako at umatras.

"Ms. Villamor, magtiwala ka sa'min. Pag-isipan mo, hindi naman natin gagawin agad-agad. Babalikan kita dito para sa pasya mo bukas." Sabi ni Inspector. Kita ko sa mukha niya ang determinasyon pero hindi ko kayang pantayan 'yon.

Hindi ko kaya kasi natatakot ako. Duwag na kong duwag pero kung kayo ang nasa sitwasyon ko, mararamdaman niyo din ito. Pero kung hindi ko gagawin 'to ay habang buhay na lang akong matatakot para sa sarili at sa mga taong nasa paligid ko. Nalilito ako.

Tumalikod ako sakanila at walang paalam na naglakad palabas ng kwarto. Diritso ang lakad ko at walang patunguhan. Ilang minuto na din ang nilakad ko at nakita ko na lang ang sariling binubuksan ang pinto ng rooftop dito sa hospital.

Malamig na hangin ang bumungad sa'kin ng tuluyan kong mabuksan ang pinto. Niyakap ko ang sarili gamit ang mga kamay at naglakad palapit sa railings. Kita ko ang mga ilaw ng mga gusali sa harap. Rinig ko din sa baba ang ingay ng mga sasakyan. Ipinatong ko ang mga braso sa bakal na railings at huminga ng malalim.

Lumipas ang ilang sandali at nanatili lang akong nakatingin sa baba. Iniisip ko ang magiging desisyon ko kung papayag ba ako sa gusto ng Inspector o hindi. Hindi lang para sa'kin ang magiging desisyon ko, maging ang mga tao sa paligid ko ay maaapektuhan kaya kailangan kong pag-isipan ng mabuti.

At nang makapag desisyon na ay umayos ako ng tayo at napahugot ng malalim na hininga. Para kina ate Taya at sa'kin, gagawin ko 'to.

Malamig pa rin ang hanging dumadampi sa balat ko at ang buhok ay nililipad ng hangin. Wala sa hulog na inayos ko ang buhok para talian at no'ng hahawakan ko na ang panali na nakalagay sa braso ay napatigil ako. Nabitiwan ko ang inaayos na buhok kaya muli itong nagulo at nilipad ng hangin.

Tiningnan ko ang braso at nakita ko ang manipis at kulay itim na panali. Mapait akong napangiti nang maalala ko kong kanino ito galing. Ito ang ginamit ni Jherome panali sa buhok ko nang mag date kami sa park. Hindi ko pala 'to naisauli sakanya. Nangilid ang luha sa mata ko habang hinahaplos ko ang panali.

Kumusta na kaya siya? Sana nasa maayos siyang kalagayan at masaya na.

Ilang araw na muli ang lumipas mula ng pag-uusap namin at mula noon ay wala na akong naririnig na balita sakanya. Naririnig ko namang nababanggit nila Janine ang pangalan ni Jherome pero ako ang umiiwas pag alam kung papunta na sakanya ang usapan.

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon