Chapter 13

1.2K 121 18
                                        


Warning:
R-18 | violence | attempted r*pe | read at your risk!

Maya

Inunat ko ang mga kamay at paa habang nakaharap sa salaming bintana. Alas siyete na ng umaga ng sabado. Maulan kaya malamig ang paligid. Nagiging foggy na ang nakikita ko dahil sa malakas na buhos ng ulan. Mabuti nalang day-off ko kaya nakatambay lang ako dito sa bahay.

Itinaas ko ang kamay at gumuhit sa salaming bintana. Nakita ko ang malabo kong pigura sa salamin. Kitang-kita ko ang suot kong puting oversize t-shirt na may print na stitch at pajamas na stitch din ang design at tsinelas naman bilang sapin sa paa.

Nang magsawa ako sa kakalaro sa salaming bintana ay bumaling ako patalikod at kinuha ang mug na nakalagay sa mesa na merong kape at humigop. Dalawang beses akong humigop bago ko ulit ito nilagay sa mesa.

Naglakad naman ako sa mini bookshelves ko at naghanap ng maaaring basahing libro. Nagbabasa ako ng libro sa tuwing day-off ko o kapag may free time ako. Ngayon na lang din ako nagkaroon ng pagkakataong makabasa ulit dahil sa daming nangyari sa nakalipas na mga araw. Karamihan sa mga libro ko ay bigay ni ate Taya dahil wala naman akong pera pambili. May nabili din naman ako pero dalawa o tatlong libro lang yata. Mas may ibang importante kasi akong paggagamitan ng pera kaysa ang bumili ng libro.

Nang makapili na ay naglakad ulit ako sa upuan na malapit sa bintana. Inusog ko ito at iniharap sa bintana. Inabot ko ang unan na nakalagay sa sofa at nilagay sa bandang tiyan bago itinaas ang mga paa. Hinawakan ko ang libro at sinandal sa mga hita ko at nagsimula ng magbasa. Napili ko ang librong Great Expectations ni Charles Dickens.

Halos kalahating oras na akong nagbabasa at halos makalahati ko na ang libro ng mapatingin ako sa bintana. May nakita akong isang bulto ng taong nakatayo sa likod ng isang poste. Hindi ko masyadong maaninag ang tao dahil sa lakas ng ulan.

Ang ulan ay tumitilamsik sa bintana kaya mas lalong lumabo ito.

Ibinalik ko ang tingin sa binabasang libro at hindi binigyan ng pansin ang nakitang tao dahil baka napadaan lang ito o sumilong.

Binuklat ko ang libro para sa susunod na pahina nang mapatigil ako dahil sa katok ng pinto. Ibinaba ko ang libro sa mesa at tumayo. Naglakad ako papunta sa pinto at pinihit pabukas.

"Sino yan?"

Nang mabuksan ko ang pinto ay nagtaka ako dahil wala akong nabungaran na tao. Niyakap ko ang sarili gamit ang mga kamay nang humangin ng malakas na may kasamang ulan. Inilibot ko ang paningin sa paligid at nang wala akong makita ay pinasya ko na lang isarado muli ang pinto nang mahagip ng tingin ko ang isang box na nakalagay sa hapag. Maliit ito at kulay puti pero dahil sa ulan ay nagiging madumi na ang itsura nito.

Kinuha ko ito at tiningnan. Wala akong makitang card para malaman kong kanino galing. Sinubukan ko pa itong baliktarin pero wala rin, purong puti lang ito at walang desenyo.

Isang beses ko pang inilibot ang paningin bago ko sinarado ang pinto. Inilock ko na din to dahil wala naman akong balak lumabas. Sa lamig ba naman ng panahon ay gugustuhin ko pang tumambay na lang dito sa bahay kaysa ang gumala.

Binuksan ko ang takip ng box habang naglalakad pabalik sa upuan. Nakita ko sa loob ang isang rosas na pulang-pula ang kulay. Maihahalintulad na ito sa dugo dahil sa sobrang pula. May mga tinik din ito na parang bagong pitas pa lamang.

Kinuha ko ang rosas at tinignan ng maigi. Inikot-ikot ko ito at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha. Masyado itong kakaiba sa normal na rosas. Maliban sa kulay nito ay masyado rin itong makintab kumpara sa pangkaraniwan.

Nang ibalik ko ang tingin sa box ay nakita kong may kasama pala itong papel. Kinuha ko ang maliit na nakatuping papel. Binaba ko na din ang walang lamang box bago binuklat ang papel at binasa.

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon