Chapter 27

666 58 10
                                        

Warning: violence

Inspector Santiago

"Emeric?"

Tawag ni Marielle habang nakaluhod sa sahig. Kakabalik lang ng malay niya matapos niyang mawalan ng malay dahil sa gutom.

Nakasandal ako sa pader at nasa madilim na parte ng kwarto at pinagmamasdan siya. Patay sindi ang nag-iisang ilaw pero kahit ganun ay kita ko pa rin ang ayos niya. Kita ko ang pagod, ang pagka-uhaw, pagkalito at panghihina sa mukha niya.

"Ric." Ulit niyang tawag pero hindi ako sumagot.

"I know you're here. Please, I want to drink. Give me the blood bag. Ric?"

Umalis ako sa pagkakasandal at kinuha ang bag ng dugo sa katabing mesa. Binuksan ko ang bag gamit ang kutsilyo bago ako naglakad paalis sa dilim.

"You want this?" Tanong ko at pinakita ang bag ng dugo.

Kita ko ang pagwala niya sa mga kadenang nakapulupot sa katawan niya. Nagningas din ang mga mata niya at kumawala ang mga pangil.

"Give me." Sinubukan niyang tumayo mula sa pagkakaluhod at abutin ang bag pero dahil may nakalagay na kadena sa leeg at beywang niya ay muli siyang napasalampak. "Ric, give me that!"

As I watched her struggle, desperate to be free, I can't help not to let out a bitter smile. It really change her. I can't see my lovely wife in her now.

Naglakad ako palapit at nang ilang hakbang na lang ang layo ko sakanya ay tumigil ako.

"Then drink."

Ibinuhos ko ang hawak na bag ng dugo sa sahig. Dahan-dahan itong dumaloy palapit sakanya kaya mas lalo siyang nagwala. Iniuklo niya ang katawan. Kita ko ang matatalim niyang mga pangil. Inilabas niya ang kanyang dila at hinintay ang pagdaloy ng dugo.

I clench my jaw while still watching her.

Ilang hibla na lang ang layo ng dugo sa dila niyang naghihintay ng apakan ko ang dugo para matigil sa pagdaloy palapit sakanya.

"Look at you, you've changed. Desperate to drink that shit to survive." Mahina pero mariin kong sabi.

Naitaas niya ang tingin niya sakin. Kita ko ang gulat sa mukha niya.

"You look pathetic, Marielle."

Mas nanlaki ang mga mata niya sa dinugtong ko at nagsimulang mangilid ang mga luha sa mata.

"Ric..." Nanghihina niyang tawag sa pangalan ko.

Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang mukha niya at hinaplos.

"And I'm also pathetic because I'm still holding onto you."

"Ric.. it's... it's still me.."

"No, you're not. Hangga't nasa sistema mo pa rin ang pagiging bampira, hindi ikaw ang asawa ko...because she's not a monster."

"No! It's still me, Ric! Ako pa rin to! Please don't give up on me! I'm begging you! Mahal na mahal kita."

"You love me?" Tanong ko.

Tumango naman siya ng paulit-ulit.

"Then tell me about that book."

Nakita ko siyang natigilan sa sinabi ko. Naglikot ang mga mata niya at nang akma siyang mag-iiwas ng tingin ay hinawakan ko na ng mariin ang batok niya. Mas inilapit ko ang mukha sakanya at sinalubong ang tingin niya.

"Tell me, love. Anong meron sa librong 'yon? Saan ko siya makukuha?"

"I... I don't know what you're talking-"

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon