Maya
"Thank you Jherome." Sabi ko at lumabas na sa nakabukas na pinto ng sasakyan. Ngumiti naman siya saakin bago sinarado ang sasakyan.
"You're welcome."
Binuksan niya ang likudang pinto ng kotse at may kinuha. Tiningnan ko naman ang relong pambisig at nakita kung may limang minuto pa ako bago magsimula ang trabaho ko.
Nang ibaling ko kay Jherome ang paningin ay nagulat ako dahil imbes mukha niya ang makita ko ay isang bungkos ng bulaklak ang bumungad saakin.
"For you."
Inabot ko ang bulaklak at nagpasalamat. Hindi ko maiwasan ang hindi ngumiti at pasimpleng amoyin ang bulaklak. Ang bango.
"I want to talk to you more Maya but I still have a meeting to attend. I'm sorry."
"Ano ka ba okay lang naiintindihan ko. Sige una kana baka malate ka pa sa meeting mo." Sabi ko at ngumiti.
"Are you sure? Pwede ko naman sabihan 'yong sekretarya kung-"
"Ano ka ba Jheromw. Okay lang okay? Tsaka magsisimula na din naman ang trabaho ko maya-maya."
"Okay. Promise babawi ako." Tumango lang ako sakaniya at ngumiti.
Nung akala ko ay aalis na siya ay nagulat ako dahil bigla nalang siyang yumuko at hinalikan ako sa noo. Hindi ko maiwasan ang hindi pamulahan sa ginawa niya.
"Sorry. I just can't help it. Did I make you uncomfortable?"
Umiling ako habang hindi nakatingin sakaniya.
Ayaw kung tumingin. Baka makita niya yung namumula kung mukha. Akalain pa niyang ang easy to get ko.
"Look at me Maya." Sabi niya pero hindi ako nakinig at pinanatili lang yung tingin ko sa gilid.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga.
"Tell me, did I offend you? I'm sorry if I kissed you without your permission. I'm sorry if I crossed the boundaries. I just can't help it Maya especially if you're blushing like that. You're so beautiful."
Nang marinig ko 'yon ay mas naramdaman ko pa ang pamumula ng mukha ko. 'Yong ngiting pinipigilan ay umalpas na. Ramdam ko din ang malakas na pagtibok ng puso ko na kulang nalang ay lumabas sa dibdib ko.
"Jherome..."
"Hmm?"
Umiling ako dahil wala naman akong sasabihin. Gusto ko lang tawagin 'yong pangalan niya. Gusto kong marinig siyang sumagot habang tinatawag ko ang pangalan niya dahil baka panaginip lang to o ilusyon. Na totoo 'to at hindi lang gawa-gawa ng isip ko.
Nawala ako sa pag-iisip at napatingin sakaniya ng hawakan niya ang kamay ko.
"I'm sorry if I crossed the boundaries. Alam kung ito ang unang araw ko sa panliligaw sayo pero hinalikan parin kita ng walang permiso. So I'm sorry, I should've take it slow. Kaya kung may nagagawa man o may magagawa man akong hindi mo gusto sabihin mo sa'kin at ititigil ko."
"Okay lang Jherome. Ano...hindi lang ako sanay."
Nakakaintinding tumango siya saakin. Bubuka na sana ang bibig niya para sana may sabihin pero hindi ito natuloy dahil nagring ang cellphone niya.
Inilabas niya ang cellphone niya mula sa bulsa at binasa ang text. Nakita ko pa ang biglang pagkunot ng noo niya nang mabasa ang kung ano mang laman ng mensahe.
Umiwas ako ng tingin dahil baka isipin niyang nakikiusyoso ako. Tiningnan ko na lang ang relong pambisig at nakita kung dalawang minuto na lang at magsisimula na ang trabaho ko. At ngayon ko lang din naalala na may meeting nga pala si Jherome.

BINABASA MO ANG
His Obsession
VampireA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...