Chapter 36

586 42 12
                                        

Maya

Hindi ko na alam ang nangyayari. Hilong-hilo ako dahil sa ginawang pag-ikot ng bampira.

Nanlalambot ang mga tuhod ko at ramdam kong ano mang oras ay sasalampak na ang katawan ko sa sahig.

"Tama na."

Napatakip ang isang kamay ko sa bibig nang maramdaman kong para akong masusuka. Parang bumalik ang epekto ng alak sa sistema ko. Muling nagpaputok ng baril si Inspector gayun na rin ang muling pag-ikot namin.

Kung titingnan ang ayos namin ng bampira ay para lang kaming nagsasayaw. Nakahawak ang isang kamay niya sa beywang ko at nakasalikop ang isa sa kaliwang kamay ko. Inikot niya uli ako at nang muli akong humarap sa direksyon niya ay nagkalapit ang mga mukha namin.

Linapat niya ang kanyang noo sa noo ko at mas hinapit pa ako palapit sa 'kanya.

"I imagine dancing with you like this with the sweetest music you could  hear, but aren't the sounds of guns more sexy and exciting, Amore?" napalunok ako ng laway. Ramdam ko ang hininga niyang tumatama sa mukha ko na siyang mas nagbibigay kilabot sakin. "With the fast pace of your heartbeat, your sweet breath fanning my face, it makes me want to swing you more until you feel exhausted and decided to just hold me—me alone—as if your life depends on me."

Mas inilapit niya ang mukha niya sakin. Napapikit ako dahil sa takot sa maaari niyang gawin. Kahit gusto kong magpumiglas ay hindi ko magawa dahil masyadong mahigpit ang hawak niya sakin.

Inikot niya ako ulit kaya nakaharap na ako sa direksyon ni Inspector. Nagkasalubong ang mga mata namin dalawa. Parang may pinapahiwatig ang mga ito na hindi ko maintindihan.

"Hug him."

Napakunot-noo ako nang mabasa ko ang pagbuka ng labi niya. Nailing ko ng mahina ang ulo ko. Hindi sumasang-ayon sa gusto niyang ipagawa. Pero tiningnan lang niya ako ng seryoso at tinanguan. Kasabay ng muli niyang pagkasa sa hawak na baril at pagtutok sa direksyon namin ay pikit mata ko din sinunod ang utos niya.

Gamit ang mga nanginginig kong kamay ay niyapos ko ang bampira. Naramdaman ko ang pagtigil niya, siguro dahil hindi niya inaasahang yayakapin ko siya.

"Amore." bulong niya.

Mas humigpit pa ang pagyapos niya sakin na kulang na lang ay mawalan ako ng hininga dahil sa higpit. Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa ulo ko na nagbigay sakin ng kilabot.

Binuka ko ang mga mata at diritsong tiningnan si Inspector. Mahina ko siyang tinanguan.

"This is the first time..." hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil sa sunod-sunod na pagtama ng bala sa likod niya. Hindi niya nagawang iwasan ang mga bala dahil nasa sa akin ang atensyon niya.

Nabitiwan niya ako kaya agad akong napasalampak sa sahig. Mabilis siyang nawala sa harapan ko at ang pagtama ng katawan ni Inspector sa dingding at ang kanyang daing na lang ang narinig ko.

"Inspector." gulat kong tawag kay Inspector na siyang nakabulagta na sa sahig at tila nawalan ng malay. Kita ko ang malaking crack sa sementong dingding dahil sa malakas na pagtama ng katawan niya doon.

Muling lumitaw ang bampira sa harapan ko kaya napaatras ako ng bahagya sa takot.

"You got me there. For a moment, I thought you also felt the same way about me. How foolish of me." mahinang sabi niya gamit ang... nasasaktang boses.

Tumawa lang ako sa sinabi niya at tinaas ang tingin sa 'kanya. Kahit madilim at nakasuot sakanya ang hoodie ng jacket na suot ay alam kung nakatingin din sakin ang mga mata niya. Alam kong kita niya ang pagkamuhi at galit sa mga mata ko.

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon