Chapter 37

553 40 3
                                        

Warning: violence

Tungsten

"What the fuck? Is that..."

"... Jherome Gibran." dugtong ko kay Inspector.

Nakita kong napailing siya ng ulo na parang hindi makapaniwala sa nakikita.

"This doesn't make any sense. How the... how the fuck he is the vampire?"

Hindi pa rin makapaniwalang sabi niya. Kahit ako ay hindi din makapaniwala na siya at ang bampira ay iisa.

I mean how the fuck that even possible? How come we didn't suspect him? Ang nangyari sa bar? Was it a trap? Pero paano kung isa ito sa mga laro ng bampira at nililito lamang kami?

Napasabunot na lang ang isang kamay ko sa buhok sa dami ng tanong na pumapasok sa utak ko.

Akala ko pa naman magtatagumpay na kami ngayon at magiging maayos na ang lahat pero bakit mas naging magulo?

Muli akong napatingin kay Inspector. Gaya ko ay kita rin ang kalituhan sa mukha niya.

He looked at his watch and let out a sigh.

"Time is running, help me carry his body." utos niya.

I had no choice but to follow his orders. I tucked the gun I was holding at my back and grabbed Jherome's legs to lift him. Inspector also did the same, but he hold him onto his shoulders.

He was still unconscious, and based on the leg I was holding, it was indeed paralyzed. Ang suot na hoodie ay nakalaylay na sa likod kaya naman malaya kong nakikita ang mukha niya kahit may kadiliman.

Ilang sandali naming binaybay ang madilim na kakahuyan hanggang sa makarating kami sa kalsada.

Nilakad namin ang kalsada pero hindi sa direksyon ng bahay ko kundi ang kasalungat. Sa malayo ay naaninag ko ang isang kotseng nakaparada sa ilalim ng isang poste. Katabi nito ang isang lamp post na may nagpapatay sinding ilaw.

Sandali naming inilapag ang katawan ni Jherome sa kalsada para mabuksan ni Inspector ang likudang bahagi ng kanyang kotse. I helped him lift Jherome again so we could place his body inside.

"He's pale." pansin ko nang masulyapan ko ang mukha ni Jherome. Agad kong dinikit ang dalawang daliri sa leeg niya para damhin ang pulso niya pero wala akong maramdaman.

Mabilis kong binalingan si Inspector na nakatayo sa tabi. "I can't feel his heartbeat. Wala siyang pulso, Inspector."

"It's because of the serum. Hayaan mo lang yan."

"What?"

Sinarado niya ang likudang bahagi ng kanyang kotse bago niya ako hinarap.

"Wait, Inspector!" pigil ko kay Inspector.

"What?"

"We're not sure about this. What if it just coincidence?"

"You really think it's a coincidence? Then why is he in the woods at this hour? Huh? Isa lang ang sagot diyan, siya at ang bampira ay iisa."

Inilingan ko siya ng isang beses. "Ikaw na din ang nagsabing pinaglalaruan ka ng bampira. Paano kung isa 'to sa mga laro niya?"

Sandali siyang napaisip sa sinabi ko. Kung totoo ngang isa ito sa mga laro ng bampira ay tiyak akong malalagot kami pareho nito. Hindi lang simpleng tao si Jherome Gibran, makapangyarihan ang angkang kinabibilangan niya.

"You're right."

Nabalik ang atensyon ko kay Inspector. He turned his back on me before opening the door of his car. And just before he got in, he looked at me again.

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon