Chapter 12

1.2K 118 17
                                        

Maya

Gulat kong tiningnan ang taong nakatayo sa harapan namin.

"Jherome..." Tawag ko sakanya pero agad ding tumikom ang bibig ko nang wala akong maisip na idugtong.

Nang masulyapan ko si Tungsten ay nakatingin din siya kay Jherome. Nagtataka ang ekspresyon ng mukha niya kong anong ginagawa ni Jherome sa harap namin. Nang ilipat niya ang tingin sa akin ay parang nagkaroon yata siya ng idea dahil tumango-tango siya ng dalawang beses.

"Maya, let's talk please."

Muli akong napatingin kay Jherome nang magsalita siya. Nakita ko siyang nakatunghay sakin. Malamlam ang mukha at ang mata ay tila nangungusap. Kita ko ang pagod sa mukha niya. Nagsusumamo ang tingin niya na parang sinasabing pagbigyan ko siya sa gusto niya kaya wala na akong nagawa kundi ang tumango.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad na agad naman niyang sinundan.

Lumayo kami at naglakad palayo sa may ihawan kung saan walang tao. Hindi naman masyadong malayo dahil nakikita pa rin naman namin ang ihawan at ang maingay na kumakain. Kita ko din si Tungsten na nagsisimula ng kumaon pagkarating ng inorder namin. Napaka talaga, hindi man lang ako hinintay!

Nakatalikod lang ako kay Jherome. Hindi ko siya tinitingnan dahil nahihiya ako. Napakagat labi ako ng maalala ang text na sinend ko sakanya. Kung alam ko lang na makikita niya ako dito sana hindi ko nalang sinend yon. Dahil para ko na din siyang pinagmukhang tanga. Pero hindi pa ba Maya? Ginhost mo nga yong tao! Sabi ng isipan ko kaya mas lalo akong nakaramdam ng guilt.

Pero siguro okay na din yon. Okay na din to. Baka kaya nangyari to ay para masabi ko nang tumigil na siya. Ito na ang pagkakataong binigay ng tadhana. Ang kailangan ko lang ay lakas ng loob para masabi sakanya.

Sa dalawang linggong nakalipas ay puro iwas lang ang ginawa ko na hindi ko naisip na sabihin sakanyang tumigil dahil sa kaibuturan ng puso ko umaasa parin akong mawawala itong problema ko at bumalik sa dati. Ako at si Jherome.

"Maya, what happened?"

Unang tanong pa lang niya ay hindi na ako makahanap ng sagot. Hindi ko kayang sabihin sakanya ang nangyari dahil baka mag-iba ang tingin niya sakin. O ang rason ko kong bakit ako umiiwas sakanya.

Nahihiya akong nakita niya akong nagsasaya habang siya ay pinaghintay ko at hindi sinipot. Hindi ko ginusto na makita niya akong nagsasaya habang siya ay walang kaalam-alam sa nangyayari.

Inilingan ko siya at hindi parin siya tiningnan. Nanatili akong nakatalikod sakanya kaya naman humakbang siya sa harap ko at lumapit.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla na lang umatras ang mga paa ko. Nagulat ako sa ginawang aksyon ng katawan ko kaya napatingin ako kay Jherome na napatigil sa paghakbang. Nasalubong ko ang mata niya. Kita ko ang gulat, pagkalito at sakit na bumalatay dito.

"D-did I do wrong?" Nauutal niyang tanong.

Muli akong umiling. Hindi ko mahanap ang boses ko at magsalita. Gusto kong magsalita at sabihin sakanyang wala lang yon at nagulat lang ako pero hindi ko magawa. Parang may bikig na nakaharang sa lalamunan ko ng makita ko ang ekspresyon na ginawa niya dahil sa ginawang aksyon ng katawan ko.

Simula ng mangyari ang pagtatangka sakin ay hindi na ako nagiging kampante sa mga lalaki. Sa unang linggo matapos ang nangyari ay natatakot akong lumapit o mapalapit sa mga lalaki. Umiiwas ang katawan kong mapalapit  sakanila kahit hindi ko gustuhin. Siguro ito ang naging sakin epekto ng nangyari. Mabuti na nga lang ngayon at nasasanay na muli ako sa presensya ng mga lalaki.

Umiwas muli ako ng tingin. "Bakit ka andito?"

"Dahil sa text mo. Pinuntahan kita sa inyo dahil hindi ka sumipot." Tumitig sakin ang malamlam niyang mata. "I know you were there, Maya. Kaya bakit hindi ka nagpakita sakin? At bakit may pakiramdam akong iniiwasan mo ako?"

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon