Warning: violence
Tungsten
"Thank you Janine." Sabi ko sa kabilang linya.
Agad ko ding ibinaba ang cellphone nang mawala na siya sa kabilang linya. Kausap ko si Janine at pinakiusapang pwede muna niyang samahan si Maya sa bahay dahil nag-iisa lang siya doon. Mabuti na lang at agad siyang pumayag.
I'm still in the car. I just parked a while ago in the bar's parking lot. Hindi pa ako bumababa dahil nga tinawagan ko pa si Janine.
Lumabas ako ng kotse at agad naglakad papasok. Nakita kong umilaw ang cellphone ko habang papasok. I saw Heath's text asking where I was and if I had already ditched him. Kong pwede lang pero may isang salita naman ako. Pasalamat na din dahil sa ginawa niya kahapon.
Nang makapasok na ng tuluyan ay bumungad sakin ang masikip na bar. Madaming taong nagsasayaw sa gitna. At ang mausok na paligid dahil sa mga sigarilyo. Hindi ko mapigilan ang hindi mapahead bang dahil sa malakas at pamiyar na tugtog na pinapatugtog ng DJ.
"Hey."
Tiningnan ko ang likod ko dahil may kumalabit sakin. Nakita ko si Lilac ito. She was wearing a black dress that was tight-fitting and reached mid-thigh. She also wore black high heels. Her makeup was subtle, except for the red lipstick. May hawak din siyang gray na purse na siyang bumagay sa suot niya.
"Hey. How are you?"
Agad ko siyang niyakap para batiin. Mahirap na baka halikan na naman ako nito. Nandito pa naman si Heath, baka makita niya.
"I'm good."
Iniangkla niya ang kamay niya sa braso ko at sabay kaming naglakad sa hagdan papuntang second floor kung saan ang palaging pwesto namin no'n.
"Anong nakain mo at nag-aya kang mag-inom? Last time na inaya kita tumanggi ka dahil 'busy' ka." She said, deepening the emphasis on the word 'busy.' Para bang may pinapahiwatig.
I shook my head and gave her a smile. "Inaya lang din ako."
Nakarating na kami sa second floor. Kumpara sa first floor ay hindi masyadong matao dito at mostly ang mga nandito lang ay mga VIP at gusto lang uminom at walang balak sumayaw, gaya sa baba.
"Nino?" Tiningnan niya ako. Sakto din naman na tumigil kami sa paglakad nang makarating sa isang table na napapalibutan ng couch. It was on the side of the black metal railings, so we had a clear view of the people dancing below.
"Your ex." I whispered, giving her a teasing smile. Tumingin ako sa harap at binati ang nakasimangot na Heath. Nakita ko siyang napakunot-noo at tumingin sa harapan.
Nang makita niya si Heath ay agad nalukot ang mukha niya bago binalikan ako ng masamang tingin. "Seriously?"
Nagkibit balikat ako at umupo na sa upuan.
"What took you so long? Kanina pa ako naghihintay. Ang usapan 10 pm anong oras na."
Tiningnan ko ang relong pambisig para makita ang oras. Agad akong napairap sa hangin ng makita kong 10:05 pa lang. Limang minuto lang akong late akala mo naman isang oras.
"And why is she here? This is suppose to be boy's night!"
Agad sumama ang mukha ni Lilac nang marinig ang sinabi ni Heath. "Pasensya naman kong nakasira ako sa boy's night niyo ha? At kong alam ko lang na kasama ka, hindi ako pupunta dito. Nakakasira ng gabi yang panget mong mukha. Diyan na nga kayo!"
Lilac immediately marched back to the first floor and sat at the counter before ordering a drink. Ibinalik ko ang tingin kay Heath at nakita ko siyang nakakunot ang noo habang masama ang tinging nakatingin sa direksyon ni Lilac.
BINABASA MO ANG
His Obsession
VampiroA not-so-typical vampire story. He is obsessed with her, and he will do everything to get her by hook or by crook. Started: July 26, 2023 Finished: Pictures and music that I used in this book is not mine. Credits to the rightful owner.