Maya
"Maya."
Napatingin ako sa likod nang may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko ang nakangiting si ate Taya. Agad niya akong nilapitan at niyakap na agad ko din namang sinuklian.
Pangatlong araw na ito mula ng makabalik ako sa pagtatrabaho at ito nga ay kaharap si ate Taya. Dapit-hapon na at nakaupo ako sa maliit na lamesa dito sa gilid at kumakain ng pananghalian. Ngayon lang ako nakakain dahil sa daming costumer kanina.
"Mabuti nakabalik kana." Sabi niya bago kumalas sa yakap.
Nahihiyang ngumiti ako sakanya dahil sa katotohanang hindi man lang ako nag-abalang magpaalam na mawawala ng ilang araw.
"Ate ano, sorry."
"Bakit ka nagso-sorry?" Tanong niya.
"Kasi hindi ako pumasok ng ilang araw." Mahina kong sabi at napayuko. "Ayos lang kung hindi mo muna ako pasahuran para naman mabawi ko ang absent ko."
Inabot niya ang kamay ko at hinawakan.
"Ano ka ba. Naiintindihan ko kung bakit ka lumiban. Ano? Kumusta ang paghahanap mo sa mama mo?"
Napakunot-noo ako sa sinabi ni ate Taya. Hindi ko naman hinahanap ang mama ko. Kaya anong sinasabi niya? Napansin niya siguro ang naguguluhan kung tingin kaya muli siyang nagsalita.
"Sinabi ni Tungsten saking hinahanap mo ang mama mo kaya hindi ka makakapasok ng ilang araw. So kumusta? Nahanap mo ba siya?"
Naitaas ko ang ulo at alanganing tumango-tango habang may alanganin ding ngiti sa labi. Saan naman kaya napulot ni Tungsten ang dahilang to? Ang pagkakaalala ko ay hindi ko pa naman nasasabi sakanyang iniwan ako ng magaling kung ina sa basurahan.
"H-hindi nga ate." Napakamot ako sa kaliwang kilay dahil sa pagsisinungaling.
Ngumiti lang sakin si ate Taya at pinisil ang kamay ko. "Mahahanap mo din siya. Tiwala lang."
"Sana nga ate." Sabi ko na lang kahit wala naman akong balak hanapin siya.
Para saan pa? Siya ang nang-iwan dahil ayaw niya sakin kaya bakit ako mag-aaksaya ng panahon para hanapin siya?
Agad din akong nagpaalam kay ate Taya dahil tinawag ako ni Tungsten. Pumasok ako sa kusina at doon ko naabutan si Tungsten na nagluluto. May hinahalo siya sa malaking kaldero na hindi ko alam kung anong pagkain pero base sa mabangong amoy na naaamoy ko ay tiyak akong masarap ito.
"Pahalo nga muna nito dahil naiihi na ako." Sabi niya nang mapansin ako.
Agad akong lumapit at inabot ang inaabot niyang sandok. Nang sulyapan ko ang laman ng kaldero ay nakita kong menudo ang niluluto niya.
"Haluin mo lang at wag lalakasan ang apoy dahil baka masunog."
Tumango lang ako sa sinabi niya. Nang makita ang pagtango ko ay nagmamadali na siyang lumabas ng kusina para pumunta sa banyo. Sinunod ko lang ang sinabi niya at hinalo ang menudo.
Isang minuto ang nakakalipas mula ng lumabas si Tungsten at nakakaramdam na ako ng pangangalay sa paghalo kaya pinili ko munang magpahinga ng kunti. Inilapag ko ang sandok sa platitong nakahanda sa gilid para hindi madumihan.
Itinaas ko ang dalawang kamay sa ere dahil sa naramdamang ngalay nang bigla na lang namatay ang ilaw sa loob ng kusina. Nagtatakang naibaba ko ang mga kamay at inilibot ang paningin sa paligid. Walang ibang nandito kundi ako lang para patayin ang ilaw. Nilapitan ko ang switch at pinindot pero hindi ito nagsisindi ulit. Pinindot ko pa ito ng ilang beses pero wala pa rin.
Pinasya ko na lang ang lumabas para ipakuha ang generator dahil baka nawalan lang ng kuryente. Tatlong hakbang na lang ang layo ko sa pinto ng bigla naman itong sumarado ng malakas. Napalunok ako. Hindi na maganda ang nararamdaman ko. Tinuloy ko pa rin ang paglalakad palapit sa pinto at sinubukang iikot ang seradura pero hindi to bumubukas.
BINABASA MO ANG
His Obsession
VampireA not-so-typical vampire story. He is obsessed with her, and he will do everything to get her by hook or by crook. Started: July 26, 2023 Finished: Pictures and music that I used in this book is not mine. Credits to the rightful owner.