Chapter 22

811 64 3
                                        

Maya

"Hindi mo talaga gusto yang batang yan? Tell me Maya, do you want me to get rid of that thing? Kasi kung oo, then we will abort it."

Sabi ni Tungsten gamit ang seryoso niyang boses. Tiningnan ko ang mukha niya dahil baka nagbibiro lang siya sa sinasabi niya pero wala akong mahanap na ganung ekspresyon sakanya.

Bumuka ang bibig ko para magsalita pero ilang sandali ang lumipas ay itinikom ko din ulit dahil walang lumalabas na salita sa bibig ko.

Gusto kong sabihing oo pero hindi ko siya kayang ilabas sa bibig ko. Parang may pumipigil sa akin.

Ilang segundo ang lumipas habang nakatitig lang siya sakin at naghihintay ng sagot ko. Nagpakawala ako ng buntong-hininga at lumunok ng ilang beses bago ako nag-iwas ng tingin at mahinang tumango.

"Words Maya. Gusto kong marinig na lumabas sa bibig mo na ayaw mo sa batang yan at gusto mong mawala."

"Gusto...gusto kong alisin mo tong batang nasa sinapupunan ko Tungsten." Mahina man ang boses ko ay sinigurado kong maririnig niya ang kaseryosohan doon.

Napahugot siya ng hininga kaya napatingin ulit ako sakanya. Tumango siya ng ilang ulit. Pansin ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya.

"I...I know a doctor who can do abortion. Kailan mo gustong gawin?"

"Ngayon na. Mas maaga, mas mabuti."

"Okay." Tumango-tango siya sa sinabi ko. "Ipopocess ko lang ang mga papeles para ma discharge ka at mapuntahan natin ang kakilala kong doctor."

Tumango ako sakanya habang siya naman ay naglakad papunta sa pinto at bago pa niya pihitin ang seradura ay tumigil siya at tumingin ulit sakin.

"Promise me Maya that you will not regret this. I'm doing this because I care about you at ayaw kong muli makita ka sa ganung sitwasyon. Kaya ipangako mo, dahil wala na akong magagawa pag nawala yan ng tuluyan."

"Hinding-hindi ko to pagsisisihan Tungsten. Pangako." Seryoso kong sabi.

Wala siyang sinabi at tahimik ulit na tumalikod at nagpatuloy sa paglabas sa pinto.

Nang maiwan ako mag-isa ay napaupo ako muli sa kama. Natulala ako sa kawalan. Hindi ko maiwasan ang mapakuyom ang mga kamay na nakapatong sa hita. Umawang din ang labi ko para magpakawala ng mahihinang hininga. Mahina lang sa una ngunit habang lumilipas ang bawat segundo ay palakas ng palakas ang hinuhugot kong paghinga. Para akong kinakapos sa paghinga habang nararamdaman ko ang unti-unting pagsakit ng dibdib ko.

Noon galit na galit ako sa taong nagluwal sakin dahil pinabayaan niya ako at itinapon sa basurahan na parang basura dahil hindi niya kayang gampanan ang pagiging ina. Na parang hindi siya nakaramdam ng konsensya sa ginawa niya. Ni bigyan ako ng pangalan ay hindi niya ginawa. Parang ang pagkatao ko ay walang halaga at madali lang itapon.

Galit na galit ako sakanya. Ang daming pumapasok sa utak kong mga tanong. Kong bakit niya ako nagawang itapon? Kong ginusto niya bang itapon ako? Kong ginusto niya bang ipagbuntis ako? Pero walang sagot. Wala dahil kahit ni-itsura ng buhok niya ay hindi ko nga alam.

Nandito pa rin ang galit sakin pero hindi ko na siya magawang sisihin dahil mas malala pa ang gagawin ko sa batang nasa sinapupunan ko. Kong siya, nagawa niya akong buhayin, ngayon hindi ko kaya. Hindi ko kayang ipagbuntis ng tuluyan ang batang to. Hindi ko kayang buhayin ang anak ng taong bumaboy sakin. At sana mapatawad ako ng Diyos sa gagawin ko.

Nandito na kami ni Tungsten sa kotse niya at nagmamaneho papunta sa sinasabi niyang clinic ng kakilalang doctor. Ramdam ko ang hindi komportableng hangin na bumabalot samin. Pinakikiramdaman ko lang siya. Mula ng bumalik siya sa kwarto kanina at mag-ayos ng gamit hanggang sa paglabas ng hospital at pagmamaneho niya ng sasakyan ay hindi siya nagsasalita. Seryoso lamang ang ekspresyon niya at parang may malalim na iniisip.

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon