Third Person's POV
Agad tumakbo si Tungsten sa bahay ng kaniyang step mom na si Taya habang buhat-buhat si Maya.
Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman sa mga sandaling 'yon. Pero hindi man niya aminin ay nakakaramdam siya ng pag-alala para sa dalaga.
Nang maabutan niya itong nakahiga at walang malay sa lupa kanina ay inakala niyang wala ng buhay si Maya. Marami itong sugat dahil siguro sa pagtakbo at ang damit ay puno ng dugo. Ang leeg ay inaagusan din ng dugo dahil sa dalawang malalalim na bilog na sugat.
Pero nang makapa niya ang pulsuhan nito ay nakahinga siya ng maluwag nang maramdamang may pulso pa 'to.
At ito nga dinala niya kila Taya si Maya. Dito niya dinala dahil hindi niya alam kung anong dapat gagawin. Hindi din naman niya dala ang cellphone kaya hindi siya makatawag ng ambulansya.
"Madaling araw na, sino—" Napatigil sa pagsasalita si Taya at ang inaantok na mata ay nanlaki dahil sa nabungaran.
Nakatayo sa kaniyang harapan si Tungsten na pawis na pawis at hinihingal habang lukot ang damit at madumi ang sapatos at si Maya na puno ng dugo ang katawan at walang malay.
"Anong nangyari?" Gulat niyang tanong.
Agad niyang pinapasok si Tungsten at inutusang ilapag si Maya sa bakanteng silid. Agad tumalima si Tungsten at inilatag ang walang malay na si Maya sa kama.
"Anong nangyari? Anong ginawa mo Tungsten?" Ulit ni Taya habang pumapasok sa silid at may dala ng maligamgam na tubig.
"Wala akong ginawa, ate." Mahinang sabi ni Tungsten habang nanatiling nakatingin kay Maya. "Nakita ko na lang siyang nakabulagta sa daan."
Kinapa ni Taya ang leeg ni Maya para maramdaman kung may pulso pa ba. Nakahinga siya ng maluwag nang maramdaman ang pintig ng pulso nito.
Hindi maiwasan na makaramdam ng pagkahabag si Taya habang pinagmamasdan ang dalagang nakahiga sa kama. Ang mukha nito ay napakaputla na parang nawalan ng dugo. Ang leeg nitong may dugo, ang damit na nawala sa pagkabutones at ang mga paa'ng puro sugat.
Pinunasan niya ang katawan nito at nilinis ang mga sugat. Hindi niya maiwasan ang magtaka habang nililinis ang leeg nitong may dalawang maliit na butas na sugat. Para itong kinagat ng hayop.
Nang matapos linisin ay nilagyan niya ng benda ang leeg at band aid naman sa paa.
Mabuti na lang talaga at hindi malala ang sugat na tinamo ni Maya sa leeg kaya hindi na niya kailangang tumawag ng ambulasya.
'Sinong halang ang kaluluwang gumawa sa'yo nito Maya?' Tanong niya sa isip.
Nang matapos niyang punasan at bihisan si Maya ay lumabas na siya ng silid dala ang plangganang may tubig.
Nakita niya si Tungsten na nakaupo sa sofa kaya nilapitan niya ito matapos mailagay ang dala sa kusina. Maayos na ang ayos nito dahil siguro nakapahinga na.
Umupo siya sa tabi nito. "Ayos ka lang?"
"Oo naman." Hindi tumitinging sabi ni Tungsten.
Tumango si Taya.
Lumipas ang ilang segundo at pareho silang tahimik dalawa. Pinakikiramdaman lamang ni Taya si Tungsten.
Maya't-maya itong nagpapakawala ng buntong-hininga na parang may malalim na iniisip.
"Okay na ba siya?" Tanong ni Tungsten na parang hindi na makatiis.
"Oo. Mabuti na lang at nadala mo siya dito agad kaya naagapan ang sugat niya sa leeg."

BINABASA MO ANG
His Obsession
VampirosA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...