Chapter 21

835 66 7
                                        


Maya

"Malakas ang kapit ni baby. So you don't need to worry Mr. Just make her drink her vitamins daily para mas maging healthy pa ang bata."

"Okay doc. Thank you."

Narinig kong sabi ni Tungsten at ang kanilang mga yabag palayo bago ang pagbukas-sara ng pinto. Pinanatili kong nakapikit ang mata kahit pa muli kong narinig ang yabag niya palapit.

"Open your eyes Maya. Alam kong gising ka."

Hindi ko siya pinakinggan at hinila lang ang kumot patakip sa mukha at tinalikuran siya ng higa. Narinig ko naman siyang bumuntong-hininga at pasalampak na umupo sa upuan.

"You don't have a choice but to accept that...thing, you know. Nandiyan na yan Maya. Wala na tayong magagawa."

"Kung sana hindi mo na lang ako dinala sa hospital, sana nawala na'to."

Napakuyom ang kamao ko sa kumot dahil sa sinabi ko. Sa bibig ko mismo lumabas ang mga salitang yon pero hindi ko mapigilan ang sariling mapaiyak. Alam ko sa sarili kong ayaw ko sa batang to pero bakit masakit sa pakiramdam ang lumalabas sa bibig ko? Dapat hindi ako nakakaramdam nito. Hindi dapat!

"P-paano mo yan nasasabi? Maya, that thing in your womb is innocent."

"E sa hindi ko to tanggap! Anong magagawa ko Tungsten? Ayoko nito! At kahit kailan hindi ko to matatanggap!"

Tinanggal ko na ang pagkakatakip ng kumot at umupo. Nagtataas-baba ang balikat ko dahil sa pagsigaw. Ang luha ay tumulo na sa mata ko pababa sa pisngi. Nang tingnan ko siya ay nakita ko siyang nakatayo na at nakatingin din sakin. Kita ko ang pag-alala sa mukha niya at simpatya.

"Madali mong nasasabi yan kasi hindi naman ikaw ang binaboy!"

"I'm sorry." Mahinang sabi niya.

Agad niya akong nilapitan at hinapit sakanya palapit at inalo. Mas lalong tumulo ang luha ko nang maramdaman ko ang katawan niya. Hindi ko na mapigilan ang hindi siya yakapin at isubsob ang mukha sa dibdib niya. Hinayaan lamang niya ako kahit pa unti-unti ko ng nababasa ang damit niya at patuloy lang siya sa paghaplos sa buhok at likod ko.

Ganun lang ang posisyon naming dalawa s nakalipas na ilang minuto.

"Bakit ka ba concern Tungsten? Hindi mo naman ako kaibigan, kaya bakit ka ganyan? Diba ayaw mo sakin?"

Tanong ko sakanya habang nakapatong ang pisngi ko sa balikat niya. Nagtataas-baba pa rin ang balikat ko dahil sa sinok.

"Wala akong sinabing ayaw ko sa’yo. Sandali, kukuha ako ng tubig."

Akma niyang tatanggalin ang kamay kong nakapulupot sakanya pero hindi ko siya pinagbigyan at mas hinigpitan pa ang yakap sakanya.

"Sinungaling!"  Ungot ko. Masama ang tingin ko sa dingding, iniisip kong si Tungsten ito. Masyado akong komportable sa pwesto ko at ayaw ng itaas ang tingin.

"Hindi ako nagsisinungaling."

"Kung ganun, bakit palagi mo akong sinusungitan. Nang-iirap ka pa!"

"Nagsusungit ka din naman sakin."

"Kasi ikaw ang naunang magsungit sakin! Hindi mo ako gustong maging kaibigan. Alam mo bang gusto kitang maging kaibigan pero palagi mo akong niaaway." Humikbi ako dahil sa huling sinabi. Hindi ko na mapigilan an emosyon ko at bibig at basta na lang itong bumubuka ng hindi pinag-iisipan ang mga sasabihin.

Para itong may sariling isip. Hindi ko na alam kong anong lumalabas sa bibig ko. Hindi ko na nga din alam kong anong iniyak ko kanina. Kung tungkol pa ba to sa batang nasa sinapupunan ko o sa katutuhanang hindi ako gustong maging kaibigan ni Tungsten.

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon