MayaNakaupo lang ako dito sa upuan at nakatulala. Nandito ako sa hospital kong saan dinala si Tungsten. Kakatapos ko lang din tawagan si ate Taya para ipaalam sakanya ang nangyari.
Kinipkip ko ang nakatabong kumot sa katawan dahil sa lamig ng aircon. Pero kahit ganun ay hindi parin tumitigil ang pangangatal ng katawan ko dahil sa nangyari kanina. Na kahit sabihing tapos na ay nanatili parin sakin ang epekto ng nangyari. Ang takot ay nandito pa rin.
Alas otso na ng gabi ayon sa nakita kong oras sa orasang nakasabit sa dingding.
Kalahating araw na akong nakaupo dito at naghihintay na lumabas ang doctor na nagoopera kay Tungsten. May nabali kasing mga buto sa rib part niya dahil sa paulit-ulit na pagsipa sakanya.
Muli akong nakaramdam ng konsensya. Kung hindi dumating si Tungsten ay hindi sana siya madadala dito sa hospital pero sa kabilang banda ay malaki din ang pasasalamat ko dahil kung hindi siya dumating ay tiyak na nagahasa na ako ng bampira'ng yon.
Lumipas ang ilang segundo at nanatili lamang akong nakatingin sa kawalan. Wala akong ibang naririnig kundi ang ingay ng kamay ng orasan at ang yapak ng mga nurse na pabalik-balik sa paglalakad sa pasilyo.
Napatingin ako sa pinto ng marinig ko iyong bumukas. Lumabas ang doctor na nag opera kay Tungsten kaya tumayo ako at lumapit sakanya.
"Kumusta siya doc?"
Napatingin saakin ang doctor dahil sa tanong ko. Tinanggal niya muna ang mask niya sa mukha bago niya ako tuluyang hinarap.
"Are you his wife?" Tanong niya na agad kong inilingan. Hindi ko rin maiwasan ang ngumiwi sa tanong niya. Palagi na lang talaga kaming napagkakamalan. Pangatlong beses na’to!
"Hindi po."
"Relatives?" Tanong niya ulit at sa pangalawang pagkakataon ay umiling ako.
"Kaibigan po ako ng pasyente." Sabi ko na lang kahit hindi ako sure kong magkaibigan na ba kami ni Tungsten. Pero hindi pa ba?
"Bakit po doc, malubha po ba ang kalagayan ni Tungsten?"
Hindi ko maiwasan ang hindi kabahan sa maaring sabihin ng doctor. Hindi naman siguro malubha ang natamong bali ni Tungsten mula sa pagsipa sakanya ng bampira?
"No. Actually, he's okay now. The operation to repair his broken ribs is successful. Nagpapahinga na siya. Maaari kanang pumasok."
Nakahinga ako ng maluwag sa narinig at para akong nabunutan ng tinik sa katawan. Ngumiti ako at nagpasalamat sa doctor. Hindi din naman siya nagtagal ang at nagpaalam na din agad pagkatapos niyang sabihing okay na si Tungsten. Agad naman akong tumabi para makadaan siya.
Hinatid ko pa ng tanaw ang doctor bago ako pumasok sa kwarto ni Tungsten dito sa hospital. Nakita ko naman siyang nakahiga sa kama at nakapikit.
Lumapit ako at umupo sa upuang nakalagay sa gilid ng kaniyang kama at pinagmasdan siya. May pasa sa mukha niya at nang ibaba ko ang tingin sa leeg niya ay nakita ko ang bakas ng damit mula sa pagkakasakal sakanya. Payapa naman at maamo ang ekspresyon ng kanyang mukha at hindi mo aakalaing masungit kapag gising.
Napatalon ako sa gulat ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at tiningnan kong sino ang nag text at nakita ko naman na si ate Taya ito at tinatanong kong anong room number ng room ni Tungsten. Agad naman akong nag reply sakanya. Malaki ang pasasalamat ko dahil hindi tuluyang nasira tong cellphone ko ng mahulog ito kanina, mabuti na lang at namatay lang to dahil kong hindi ay dagdag gastos na naman panigurado.
Matapos kong masend ang reply ko kay ate ay ibabalik ko na sana sa bulsa ang aparato nang may matanggap naman akong tawag mula kay Inspector Santiago. Agad ko itong sinagot at tumayo mula sa pagkakaupo. Naglakad ako sa gilid ng kwarto.

BINABASA MO ANG
His Obsession
VampireA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...