Chapter 1

3.7K 247 208
                                        

Warning:
R-18 | R*pe.| Read at your own risk!

Maya

Nakatayo ako sa may bintana at pinagmamasdan ang mga sinampay kung damit. Nawawala na naman ang ibang panty ko.

Halos mag-iisang linggo simula ng magsimula ang ganitong pangyayari. Kada nagsasampay ako ng damit ay palaging may nawawala. At kadalasan ay ang mga panloob ko na damit ang siyang laging puntirya nang taong nangunguha ng damit ko. Napakunot-noo ako.

Kahit anong gawin ko, kahit sinasarado ko na ng mabuti ang mga pinto't-bintana ay nakakalusot pa rin ang taong 'yon.

Ilang beses ko na ding nireport 'to sa mga pulis pero wala naman silang ginagawang aksyon. Palagi lang nilang sinasabing pupuntahan nila 'tong bahay ko ngunit lumilipas lamang ang mga araw na hindi sila nagpupunta.

Siguro totoo ang sabi-sabi. Hindi nga sineseryoso ng mga pulis ang ganitong kaso. Maliban na lang kong namatay na ang biktima o na-rape na.

Kaya ako na lang ang gumawa ng paraan. Pinalagyan ko na ng mga CCTV ang buong bahay—na kahit wala na akong makain ay sinigurado ko pa ring makabili lang ng mga 'yon. Gusto kong malaman kung sino ang walanghiyang manyak na nangunguha ng panty ko.

Tumipa ang kamay ko sa lumang laptop at pinlay ang recorded video na kuha ng CCTV.

Habang pinagmamasdan ko ang video ay wala naman akong napapansing kakaiba. Ngunit nang nasa 3 minutes na ay nagulat ako dahil may biglang lalaking lumitaw. Bigla na lamang siyang lumitaw na parang nagteleport.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko, nagbabakasakaling namamalikmata lamang ako ngunit ilang beses ko ng pinlay kong kailan siya lumitaw ay ganoon pa rin.

"Paano nangyari 'yon?" hindi ko mapigilang tanong sa sarili.

Naglakad-lakad siya sa loob ng bahay. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil nakasuot ito ng itim na jacket na may hood.

Naglakad siya papunta sa direksyon kung saan nakasampay ang mga damit. Hinaplos-haplos niya ang mga 'yon na parang namimili lang ng damit sa mall pero nang mapunta na sa mga panty ko ay tumigil ang kamay niya.

Kinuha niya mula sa pagkakaipit ang isang panty ko at dinala niya palapit sa mukha niya, tila inaamoy. Hindi ko maiwasan ang hindi mamula. Ang manyak naman ng taong 'to!

Hindi pa siya nakuntento. Naglakad ang lalaki papunta sa sofa habang inaamoy pa rin ang panty ko at umupo. Ang sunod niyang ginawa ay siyang nagpagulantang sa akin. Kahit may kalayuan ang kuha ng CCTV ay kita ko pa rin kong paano niya  binuksan ang zipper ng suot na pantalon at may inilabas. Malakas akong napasinghap nang mapagmasdan ng maigi ang nakatayo sa pantalon niya. Nakatayo ito at parang isang sundalong sumasaludo. Galit na galit. Ibinalot niya ang panty ko doon at itinaas baba. Umungol pa siya ng malakas at tumingin sa gawi ng CCTV. Na parang kabisado niya kung saan ito nakalagay at alam niyang panonoorin ko siya.

Nanghihinang sinara ko ang laptop. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Para akong na-trauma. Hindi ko maisip na sa ganitong pagkakataon ako makakakita ng ganoong bagay.

Napatakip ako sa mukha. Ramdam ko sa palad ko ang pag-iinit ng mukha ko mula sa pinaghalong kahihiyan at galit.

Pikit ang matang tinampal-tampal ko ang mukha ko nagbabakasakaling mawala sa isip ko ang imahe niya. Pero kahit anong gawin ko ay hindi pa rin mawala-wala ang imahe niyang nagsas*ls*l sa isipan ko.

Ngayon ko parang pinagsisisihan nagpalagay ako ng CCTV!



His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon