Chapter 19

936 92 8
                                        


Warning: suicide

Maya

11:30. Yan ang nakita kong oras ng mapatingin ako sa orasang nakalagay sa dingding. Nagliligpit ako ngayon ng gamit namin dahil lalabas na si Tungsten sa hospital.

Napagpasyahan ko na ding tanggapin ang offer niyang sa bahay na muna niya ako manatili. Hindi din naman ako magtatagal sa pananatili sa bahay niya. Siguro kapag nakaipon na ako ng pera ay maghahanap ako ng malilipatan.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya napatingin ako dito nakita ko naman sila Janine at Kitty na kakapasok lang habang may hawak na paper bags.

"Hi teh. Musta na you?"

Agad ko silang sinalubong at niyakap. Katawagan ko lang sila kanina at hindi ko inaasahang pupunta sila dito sa hospital. Nagtataka kasi sila kung bakit missing in action ako sa restaurant sa mga nakalipas na araw kaya sinabi ko sakanilang pinagbantay ako ni ate Taya kay Tungsten dito sa hospital. Hindi naman sila nagtanong pa kaya nakahinga ako ng maluwag at hindi na kailangan magpaliwanag. Ang buong akala kasi nila ay nahold up si Tungsten at nasaksak kaya siya na hospital.

"Okay lang. Kayo ba?"

"Ayos lang din." Sabi ni Kitty at nilapag ang hawak sa lamesa. Nang sulyapan ko ang laman ay nakita kong mga pagkain ito.

"Oo nga pala asan si sir Tungsten?"

Nagkibit balikat ako. "Ewan ko. Hindi niyo ba nakita sa labas?" Umiling ang dalawa sa tanong ko kaya napakunot ang noo ko. Kanina pa ’yon lumabas ah.

Akma akong lalabas para hanapin si Tungsten nang siya namang pagbukas ng pinto at iniluwa ang hinahanap namin.

"Saan ka galing?" Tanong ko kay Tungsten.

"Sa labas. Bakit na miss mo ba ako agad?"

Napairap ako sa sinabi niya habang siya naman ay binigyan lang ako ng mapang-asar na ngisi.

"Ha-ha-ha. Wag kang mangarap ng gising Tungsten."

Ngumisi lang siya sakin bago niya binaling ang tingin sa dalawang nakatingin samin at tinanguan bilang pagbati.

"Hello sir Tungsten." Sabay na bati ng dalawa.

"Hi."

Agad akong pinagitnaan nila Kitty nang maglakad si Tungsten paupo sa kama.

"Tungsten lang talaga? Walang sir? First name basis lang ah." Bulong ni Janine at hinawakan ako sa braso at parang tangang ngumiti sakin. Magpoprotesta na sana ako at sasabihing wala lang ’yon nang si Kitty naman ang nagtanong na nasa kabila ko kaya napatigil ako.

"Hindi na si sir Jherome?" Nakakunot ang noo ni Kitty saakin. Agad ko namang naintindihan ang ibig niyang sabihin. Umiwas ako ng tingin.

"Siya pa din naman. Walang nagbago Kitty." Sabi ko at nginitian siya ng maliit bago lumayo sakanila.

"Nga pala bakit kayo nandito? Kakatawag niyo lang kanina."

"Wala naman. Day off namin at wala naman kaming ibang lakad kaya nagpunta na lang kami dito."

Tumango lang ako sa sinabi ni Janine at pinagpatuloy na ang naudlot na pag-aayos kanina. Tinulungan naman nila ako kaya mabilis akong natapos. Hindi din naman masyadong madami ang aayusin kaya madali lang talagang natapos. Pagtutupi lang naman ng damit at paglalagay ng mga gamit tulad ng plato at kutsara sa bag.

Nakaupo na kami palibot sa maliit na lamesa at naghahanda na sa pagkain. Mabuti na lang at may dalang pagkain sila Kitty kaya hindi ko na kailangan ang lumabas para bumili. Nakatipid pa ang bulsa ko.

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon