Warning:
This chapter contains attempted r*pe. Read at your own risk! You've been warn!Maya
Napaupo ako sa sofa matapos maihatid ni Jherome. Nakaplaster pa rin sa mukha ko ang ngiti. Kung may makakakita lang sa'kin ay baka akalain nilang nasisiraan ako ng bait.
Hindi ko kasi mapigilan. Sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon.
At sa kabilang banda ay nakaramdam din ako ng takot. Takot baka sa sobrang kasiyahang nararamdaman ko ay kapalit naman nito ay sakit. Ganyan pa naman ang nangyayari kapag nakakaramdam ka ng sobrang kaligayahan.
Kaya dapat lubos-lubosin ko na 'to dahil hindi ko hawak ang maaaring mangyari sa hinaharap. Ang importante sa ngayon ay pareho kami ng nararamdaman ni Jherome.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad papasok sa kwarto. Hindi ko napansing nakatulog na pala ako sa sofa dahil sa pagod. Isinabit ko ang hawak na bag sa likod ng pinto nang makapasok. Pinindot ko na din ang switch ng ilaw bago naglakad sa may kabinet para kumuha ng damit pamalit. Nakapokus lang ang atensyon ko sa ginagawa kaya hindi ko napansin ang isang presensya sa likod.
Humarap ako sa gawi ng kama para sana ilapag ang hawak na damit nang mabitawan ko 'to. Gulat kong tiningnan ang taong nakahiga sa kama. Nakaharap ito sa gawi ko. Nakatagilid at nakapatong ang ulo sa kaliwang kamay. Sa kananng kamay naman ay may hawak na rosas. Ipinaikot-ikot at inaamoy.
Ang hood ng itim na jacket na suot ay nakataklob sa mukha't ulo. Ang parteng mata lang ang natatakpan ng tela kaya kita ko ang ilong at labi niya pero kahit ganun ay hindi ko parin makilala kung sino siya.
Nakangisi ito sa'kin. "Miss me, amore?" He said using his raspy voice.
"P-paano ka nakapasok?"
Hindi na dapat tanong 'yan dahil sa ilang beses ba naman niyang pabalik-balik na pagpuslit. Pero hindi ko padin mapigilan dahil sa gulat. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung paano niya nagagawa 'yon. Anong klase siyang tao? O kung tao ba talaga siya."Did you have fun?" Sa isang kisap mata ay natagpuan ko na lang siyang nakatayo sa harap ko. Namatay din ulit ang ilaw at tanging sinag lang ng buwan na lumulusot sa bintana ang nagbibigay liwanag sa paligid.
"P-paano-" Gulat na gulat ko siyang tiningnan. Hindi makapaniwala sa nakita.
Hinawakan niya ang pisngi ko at mabining hinaplos. Sa unang dampi ng kaniyang kamay ay nagbigay sa'kin ng kilabot. Paulit-ulit niyang hinaplos ang pisngi ko hanggang sa bumaba ang kamay niya sa leeg ko. Hinawakan niya ako doon na parang sinasakal.
"I am asking you. Did you have fun with your date?" Ulit niyang tanong. Hindi ko naman magawang sumagot dahil sa takot.
"Answer me!" Sigaw niya. Napaigtad ako at napapikit kasabay ng pangingilid ng luha.
"I'm angry, amore. I want to kill him." Mapanganib niyang bulong. Umiling-iling ako sakaniya. Ang takot ay mas domuble hindi lang para sa'kin kundi pati na din sa maari niyang gawin kay Jherome. Hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng luha.
"H-huwag, maawa ka..." Pakiusap ko sakaniya.
"Why would I? He dare to touch what is mine. Kaya dapat niyang pagbayaran!" Ang boses niya ay galit na galit. Napansin ko ding naglalabasan ang mga ugat niya sa leeg at ang panga ay nakatiim ng mariin. "Anong gusto mong unahin ko? Gusto mong unahin kong putulin ang kamay niya dahil sa paghawak sa'yo? O ang dila niya dahil sa pagsabi ng kung anu-ano? Choose, amore. Hmm?"
"On second thought, hindi mo na pala kailangang pumili. I will do the pleasure to choose. And I choose..." Umuklo siya sa'kin at bumulong. "...to kill him. What'd you think?"

BINABASA MO ANG
His Obsession
VampireA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...