Maya
Wala pa rin akong nagawa para pigilan si ate sa desisyon niya. Nakita ko na lang ang sarili kong kaharap ang isang police.
Nakaupo ako sa sofa katabi si ate Taya habang nasa harapan naman namin ay nakaupo ang isang lalaking police officer na sa tingin ko ay nasa mid 30s pa lang, ang kilalang si police Inspector, Santiago. Nakita ko din si Tungsten na kararating lang habang may nakasunod na isang police sa likod.
Nalaman kong kakagaling lang nila sa lugar kung saan nawalan ako ng malay.
Naglabas si Inspector Santiago ng isang maliit na notebook at ballpen.
Tinanong ako ni Inspector Santiago sa nangyari kaya kinwento ko sakaniya ang nangyari kagabi. Gaya ng kinwento ko kay ate Taya, sinabi ko din sakaniya mula sa pagpasok ko sa kwarto, ang muntik ng paggahasa saakin, ang ginawa kong pagsaksak sa taong 'yon, ang pagtakbo ko papalayo at hanggang sa mawalan ako ng malay. Pero may hindi ako sinabi. Gaya ng pagiging bampira ng taong 'yon. Dahil alam kung hindi nila ako papaniwalaan.
Tumatango lang siya habang nakikinig sa mga sinasabi ko. Nagsusulat din siya sa notebook ng mga impormasyong binibigay ko.
"Nakita mo ba ang mukha niya?" Panimula niyang tanong matapos kung magkwento.
"Hindi. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakatakip ang hood ng jacket niya sa mukha."
Tumango muli siya. At nagsulat uli sa maliit niyang notebook. Binalingan niya ulit ako ng tingin para tanungin.
"May kilala ka bang maaring gumawa sayo nito?"
Umiling ako dahil wala naman akong kaaway. At wala pa akong nagiging kaaway.
"Ito ba ang unang pagkakataon na nangyari sayo 'to o may mga naunang insidente na katulad nito?"
"Ito ang unang beses na pinagtangkaan ako ng taong 'yon pero..." Napatigil ako sa pagsasalita at tiningnan si ate Taya. Kapag pinagpatuloy ko ang pagsasalita ay malalaman niya ang nangyayari sakin sa bahay. Madadagdagan na naman ang alalahanin niya. Pero wala akong choice kundi magpatuloy dahil nakatutok na ang mga mata sakin ni Inspector.
"Pero ano?" Ani Inspector.
"Pero hindi po 'to ang unang beses na pasukin niya ang bahay ko." Mahinang sabi ko at napakuyom ang kamay na nakapatong sa hita. Ramdam ko ang paglingon ni ate sa akin pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.
"Ano?" Ani ate pero hindi ko parin siya tinitingnan. Ipinokus ko ang tingin kay Inspector Santiago at hindi inintindi ang titig na binibigay ni ate Taya.
Sinabi ko sakaniya ang tungkol sa CCTV. Pero dahil wala dito ang laptop ko ay kailangan namin magpunta sa bahay. Sakto din naman dahil pupunta sila sa bahay ko para makita ang pinangyarihan ng nangyari at masimulan ang imbestigasyon.
Pero bago 'yon ay tinanong muna nila si Tungsten sa nangyari. Pinaghihinalaan siya ng mga police dahil siya lang ang tao sa lugar na 'yon at ang nakakita sakin. Tinanong din siya kung anong ginagawa niya doon.
"Dadaan lang sana ako sa lugar na 'yon pauwi sa bahay. Hindi ko naman alam na mangyayari 'yong kagabi. And I don't have any reason para gawin kay Maya 'yon, if that's what your implying." Ani Tungsten.
"Pero hindi ba may kalsada namang papunta sa bahay mo ba't doon ka pa dumaan sa may kakahuyan?"
"Gaya nga ng sabi ko, hindi ako dumaan sa kalsada dahil may nag-iinuman sa gilid. Ayaw kung dumaan doon dahil tiyak akong iimbitahan akong uminom, at ayokong uminom dahil pagod ako mula sa pagkikita namin ni Papa." I can see the irritation of his face. He clenched his jaw. Siguro naiinis na dahil sa mga tanong ng police.
"You can talk to him if your doubting my alibi." Dugtong niya pa.

BINABASA MO ANG
His Obsession
VampireA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...