Chapter 5

706 165 66
                                    

Maya

"T-tungsten?"Gulat akong napatingin sa taong nakatayo sa harap ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng makita ko siya, kaya sinapak ko siya.

"Aray! Ba't ka ba nananapak?" Angal niya hanang hinihimas ang kamay na natamaan.

"Alam mo bang takot na takot ako?" Sabi ko at umayos ng tayo. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang kunting panginginig ng katawan dahil sa takot kanina. Akala ko kung sino na.

"Ba't parang kasalanan ko? Ikaw kaya 'tong bigla na lang tumakbo."

"Eh ba't ka din tumakbo?"

"Nagulat ako okay. Malay ko ba kung anong tinatakbuhan mo"

"Ikaw ang tinatakbuhan ko dahil akala ko r*pist o holdaper na. G*go ka!" Sinapak ko ulit siya. Agad naman niyang nasalag ang kamay ko.

"Pasensya naman nagulat lang."

"Heh!"

"Sige na ihahatid na kita kawawa ka naman mukha kanang paiyak." Sabi niya at inakay ako palakad pero agad kung piniksi ang kamay niya kaya nagkibit-balikat siya at naunang naglakad.

Habang nauuna siyang maglakad ay nakasunod lang ako sakaniya. Hindi naman malayo ang agwat namin, mga tatlong hakbang lang yata ang pagitan namin.

Kumalma na ang pakiramdam ko kaya panatag na akong naglalakad. Nagulat lang talaga ako kanina dahil akala ko may r*pist ng nakasunod o holdaper sa'kin.

Habang nauuna siyang maglakad ay hindi ko maiwasan ang hindi tingnan ang malapad niyang likod. Ang suot na itim na T-shirt ay humahakab sa matitipuno niyang braso. Nakasuot siya ng maong na kupas. At ang buhok ay magulo na parang ilang ulit niyang pinasadahan ng kamay. Nang tingnan ko ang kamay niya ay nakita kung may bitbit siyang plastik. Hindi ko maiwasan ang hindi mapataas ng kilay no'ng makita ko ang laman. Isang brand ng kilalang feminine  wash ang nakita ko.

"Kay ate Taya yan, pinapabili." Nagulat ako ng magsalita siya kaya napatingin ako sa mukha niya.

"Wala naman akong sinasabi." Sabi ko.

"Inunahan na kita, baka isipin mo pang bakla ako."

"Napaka defensive mo...siguro totoo." Asar ko, ngumiti pa ako ng mapang-asar para mas lalo siyang maasar. Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ako gamit ang seryosong tingin.

"Anong sabi mo? Baka gusto mong patunayan ko sa'yong hindi ako bakla."

Hindi ko maiwasan ang mapaatras at kabahan lalo na nang maglakad siya palapit. Seryoso din ang ekspresyon ng mukha niya kaya mas lalo akong natakot.

"Nagbibiro lang, ang seryoso mo naman."

"Hindi tayo close para magbiro ka."

Aray.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinalikuran na niya ako at naglakad ulit. Akala ko iiwan na niya ako dahil inis siya saakin pero nanatili parin ang maliit niyang hakbang na parang hinihintay akong pantayan ang lakad niya.

Nahihiya akong sumunod sakanya. Nang tingnan ko siya ay nakita kong seryoso ang mukha niyang nakatingin sa unahan. Umiwas ako ng makita kong patingin siya sa direksyon ko. Pinili ko na lang ang magtingin-tingin sa paligid kahit wala namang interesanteng tingnan.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa kanto papuntang bahay. Lumiko kami at pumasok sa maliit na kalsada papunta sa looban.

At kahit gabi na ay may nakikita parin akong naglalarong mga bata at sila tatay Berting na nag-iinuman na naman sa gilid. Napatigil kami sa paglalakad ng inalok ako ni tatay Berting ng alak pero tumanggi ako dahil hindi naman ako umiinom kaya si Tungsten ang binalingan nila. Akala ko tatanggapin niya ang inumang na baso pero napataas ang kilay ko dahil tumanggi siya.

His Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon