Chapter 29

629 59 10
                                        

Maya

"... sa nakalipas na apat na araw ay hindi na bababa sa sampung biktima ng mabangis na hayop. Pinaaalalahan ng mga pulisiya ang mga mamamayan na wag lalabas sa gabi. Pinapatupad na din ng ilang karatig bayan ang curfew para maiwasan ang panibagong biktima ng nasabing mabangis na hayop... patuloy pa din ang mga pulisiya sa pagtukoy sa nilalang na ito; madaming haka-haka. Ang ilan sinasabing gawa ito ng mga aswang, ang ilan naman ay bampira dahil sa lahat ng mga biktima ay nawalan ng dugo. Madaming haka-haka ang naglilipana kaya payo ng pulisiya ay wag magpapaniwala sa mga fake news..."

Napatigil ako sa pag-spray ng wood cleaner sa lamesa at tiningnan ang nakabukas na TV. Isang babae ang nag-uulat tungkol sa bagong kaso ng pag-atake ng hayop.

Sa nakalipas na araw ay madami na ang naging balita tungkol sa ganitong kaso. Kagaya sa sinabi ng babaeng nagbabalita, madami ngang kumakalat na fake news tungkol sa kung ano ba talaga ang umaatake sa mga biktima.

Noong isang araw ay may nakita ding isang patay na babae ilang gusali lang ang layo dito sa restaurant. Kaya naman ang ingay ng kalsada kahapon dahil sa paulit-ulit na pagdaan ng mga pulis at mga nakikiusyosong mga tao.

Kada minuto ay may dumadaan na mga pulisya para magmanman kung kailan aatake uli ang sinasabing hayop.

Gaya ko ay napatigil din ang iba kong kasamahan sa ginagawa at napatingin sa TV.

"... Narito ang ilan sa mga kuha ng biktima..." Nawala ang babae sa harap at napalitan ng mga kuha ng mga biktima.

Hindi ko mapigilan ang mapaawang ang bibig sa nakikita. Nangingitim ang katawan ng mga biktima at naglalabasan ang mga ugat. Kulubot din ang mga balat na parang nawalan ng dugo habang dilat ang mga mata.

Nang ipakita ang isang picture kung saan ang leeg na parte ng isang katawan na may apat na bilog ay napatigil ako. Hindi ko sinasadyang mabitiwan ang bottle spray na hawak kaya napatingin sila Janine sa'kin.

Kumurap ang mga mata ko at nanginginig ang mga kamay na pinulot ang bote.

Hindi ako pwedeng magkamali, masyadong pamilyar sakin ang mga markang bilog na 'yon.

Bampira.

Posible kayang iisa lang ang may gawa niyan at ang bampirang dumadalaw sakin? May malaking posibilidad dahil siguro hindi na siya nakakinom sakin kaya sa iba umiinom at pumapatay. Pero maaari ding hindi. Pwedeng may iba pa siyang kasamahan na nandito sa bayan.

Hindi ko malaman ang mararamdaman, kung magpapasalamat ba ako dahil hindi ako naging kagaya ng mga biktimang binabalita sa TV o matakot dahil may malaking posibilidad na maging kagaya din nila ako.

"You're trembling."

Napataas ang tingin ko sa taong tumayo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos.

"It's okay, Maya. Hindi ka magiging kagaya nila. I promise." Sabi ni Tungsten habang patuloy pa din sa paghaplos sa kamay ko.

Gusto kong tumango sakanya pero hindi ko magawa. Sobrang takot ang nararamdaman ko. Paano kung balikan niya ako? Paano kung naghahanap lang siya ng tiyempo at gawin ulit sakin ang ginawa niya noon at sa puntong ito ay patayin na niya ako. Mas lalo akong nangatal. Binawi ko ang kamay kong hawak ni Tungsten at napasalikop ang dalawang kamay.

"Hey, look at me."

Nang hindi ko siya pinakinggan ay hinawakan na niya ako sa baba at pinaharap sakanya.

"It's okay. I'm here. I will not going to let him go near you again, Maya. Trust me." Sinalubong niya ang mga mata ko. Seryoso ang mukha niya pero kita ko pa rin ang malamlam niyang kulay-abo niyang mga mata. Para akong dinuduyan ng hindi maipaliwanag na emosyon habang nakatitig sa mga mata niya.

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon