Chapter 20

984 89 24
                                        

Tungsten

Lumabas ako sa kwarto nang makaramdam ako ng pagkauhaw. Binuksan ko ang ref at kinuha ang pitsel at nagsalin sa baso. Tinunga ko ang malamig na tubig at agad kong naramdaman ang pagkawala ng uhaw.

Hinugasan ko ang baso bago inilagay sa lagayan para matuyo. Nang matapos ay tumaas na ako sa hagdan para bumalik sa sariling kwarto. Nadaanan ko ang kwartong inuukupa ni Maya kaya tumigil ako sandali. Kinatok ko ang pinto para malaman kong gising pa ba siya o hindi. Nalakasan ko yata ang pwersa ng pagkatok ko kaya bahagya itong bumukas.

Binuksan ko na ang pinto at sinilip si Maya sa kama niya. Madilim ang paligid at tanging lamp shade lamang ang nagbibigay ng kunting ilaw. Wala akong nakitang nakahiga sa kama kaya napatingin ako sa direksyon ng banyo. Sa ilalim ng pinto ay nakikita ko ang sinag ng ilaw kaya nalaman kong nasa banyo siya. Isinarado ko ulit ang pinto at naglakad na sa kwarto kong nasa pinakadulo.

Hanggang ngayon naaawa parin ako sakanya kapag naaalala ko ang nangyari kanina. Hindi deserve ni Maya ang nangyari sakanya. Walang sino mang babae ang dapat makaranas ng ganito. Nakakagalit. Sobrang galit ang nararamdaman ko sa bampirang yon. Paano niya nagawa to kay Maya? Hindi na siya nakuntento sa ginawa niya, nag-iwan pa siya ng remembrance! G*go niya!

Binuksan ko ang pinto at akma na akong papasok nang mapatigil ako dahil sa narinig na ingay. Parang may sumalampak na bagay sa sahig. Tumingin ako sa kwarto ni Maya kong saan nagmula ang ingay. Bumalik ako sa dinaanan at pinasok ang kwarto ni maya. Binuksan ko ang ilaw para makita ko ang paligid.

"Maya?" Tawag ko pero wala akong narinig na sagot.

Naglakad ako sa banyo at kumatok. Tinawag ko ulit ang pangalan niya pero wala paring sumasagot. Idinikit ko ang tenga at pinakiramdaman ang nangyayari sa loob. Pero lumipas lamang ang ilang segundo ngunit wala na akong naririnig na ingay. Umayos ako ng tayo.

"Maya ayos ka lang ba? Maya?"

Pero gaya kanina ay wala parin akong naririnig na sagot. Napakunot-noo na ako.

"Hindi ka sasagot? Papasok ako!" Banta ko at ang inaasahan kong galit niyang boses ay hindi ko narinig.

Bumuntong-hininga ako at pinihit na ang pinto. Maliit na awang muna ang ginawa ko at tiningnan ang loob. Mahirap na baka may makita akong hindi ko dapat makita, baka masipa na naman niya ako. Masakit pa naman manipa ang babaeng ’yon, parang kabayo!

Pinilit kong inilibot ang tingin sa loob ng banyo, pilit hinahanap si Maya pero wala akong makita. Binuksan ko na nang tuluyan ang pinto at pumasok. Ibinaba ko ang tingin sa sahig at ganun na lang ang gulat ko ng makita ang hinahanap kong nakabulagta na naman. Nakapikit ang mata at tila nawalan ng malay.

Kinabahan ako nang makita ko ang lalagyan ng gamot sa sahig at ang iilang tableta ng gamot na kumalat sa sahig. Dali-dali ko siyang nilapitan at ginising. Pero kahit anong gawin kong pag gising sakanya ay hindi pa rin siya nagigising. Kahit tinapik-tapik ko na ang mukha niya ay wala pa rin.

"Maya naman, anong ginawa mo?"

Napahilamos ako sa mukha at binuhat siya palabas. Nararamdaman ko pa ang pagsakit ng papagaling kong bali pero hindi ko na pinansin at lakad-takbo na ang ginawa ko palabas ng bahay. Inilapag ko siya sa backseat ng kotse bago kinuha ang susi sa pot ng halaman. Agad kong pinaandar ang kotse ng makapasok at nag drive papuntang hospital.

Mabuti na lang at may gas pa ang kotse. Bihira ko lang kasi itong gamitin dahil mahal ang pambili ng gas. Kuripot kasi ako. Oo. E sa ang hirap kaya kumita ng pera. Ayaw ko din namang gastusin ang perang biinibigay ni Papa. Mas maganda kasi gumastos ng pera na pinaghirapan mo para worth it. Atsaka gusto ko kasing mag commute na lang dahil nakakasalamuha ako ng iba't-ibang tao. Kahit hindi halata sa mukha kong gusto ng makasalamuha ng iba.
Madaling araw pa lang at walang traffic kaya madali kaming nakarating sa hospital.

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon