Third Person's POV
"Don't do stupid things again, Elizabeth. I'm warning you." Napaikot na lang ng mga mata si Elizabeth nang marinig ang banta ng kaniyang kapatid na si Lucian sa kabilang linya.
Kung tratuhin talaga siya nito ay para siyang batang walang muwang na kung tutuosin ay hindi naman dapat dahil ilang daang taon na siyang nabubuhay dito sa mundo.
"Whatever you say, brother."
Agad niyang pinatay ang tawag at tiningnan ang gusali sa harap. Isa itong Filipino restaurant.
Hometown's Haven. Basa niya sa nakasulat sa malaking karatulang nakalagay sa taas.
Naglakad siya papasok ng gusali. Nang makapasok ay inilibot niya ang paningin sa paligid. Ramdam niya ang pagtingin sakanya ng kumakain na mga tao. Ang kalansing ng mga kutsara’t tinidor, ang pagpintig ng kanilang pulso at mga bulong ay rinig na rinig niya. Hindi niya maiwasan ang hindi mapairap. I know I'm sexy and hot people. No need to make it obvious.
Nang tumama ang tingin niya sa counter at makita ang pakay ay napangiti siya. Para siyang isang model na naglalakad palapit sa counter ng nasabing restaurant. Kumekembot ang beywang niya sa kaniyang paglalakad. She also flip her hair na agad umani ng bulong sa ilang kababaihang nakatingin sakanya.
That's right, be jealous bitches.
"Hey hottie. We meet again." Agaw niya sa pansin ng nakatalikod na lalaki.
Agad itong humarap sakanya mula sa pakikipag-usap sa isang babaeng pamilyar sakanya pero dahil hindi ito ang pakay niya kaya hindi niya ito pinagkaabalahang tapunan ng tingin.
Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Tungsten habang nakatingin sakanya.
"Do I know you?" Rinig niyang tanong nito. Napatigil siya sandali doon pero agad din siyang nakabawi.
"Nope. But I know you." Malandi niyang ani.
"Oh-kay." Sabi ni Tungsten habang may nagtataka pa ring ekspresyon sa mukha. "What do you want, miss?"
"I want to order."
"Oh, you can give your order to Ms. Maya." Iminuwestra ni Tungsten ang kamay sa babaeng nasa likod ng counter. Pero gaya kanina ay hindi niya ito binalingan at pinanatili lang ang tingin kay Tungsten.
Sa gilid ng mata niya ay kita niya ang paglabas nito ng maliit na notebook at ballpen.
"What's your order ma'am?" rinig niyang tanong nito.
Tila bored na sandali niyang tinapunan ng tingin si Maya. Nakita niyang nakangiti ito kaya hindi niya maiwasan ang mas makaramdam ng inis dito. This bitch really know how to pissed me. Even if she didn't do anything, just her presence is enough .I really hate her.
Pairap niyang iniwas ang tingin at binaling ulit ang tingin kay Tungsten. Nilapitan niya ang huli at gamit ang mapipilantik na daliri ay pinadaanan niya ang katawan nito. Mula sa kamay nitong nakapatong sa counter pataas sa braso hanggang sa balikat nito.
"I don't want her to take my order. Pwede ikaw na lang?" Sabi niya. She even bit her lips to look alluring. Pero parang walang epekto ito kay Tungsten.
Hinawakan nito ang kamay niya paalis sa balikat nito bago humakbang ng isang beses palayo sakanya. Hard to get. I like it. Pero hindi din yan magtatagal. Sooner or later, you will crawl and beg for my touch. She thought.
Para namang napipilitan na tumango si Tungsten. He doesn't want to be rude especially that she's a customer. Nakita niya ang pagngiti ng babae sa ginawa niyang pagtango.
BINABASA MO ANG
His Obsession
VampirosA not-so-typical vampire story. He is obsessed with her, and he will do everything to get her by hook or by crook. Started: July 26, 2023 Finished: Pictures and music that I used in this book is not mine. Credits to the rightful owner.