Chapter 24

860 60 7
                                        


(One week ago bago mangyari ang nangyari sa bar.)

Third Person's POV

Isang lalaki ang nakatayo sa madilim na parte ng kalsada. Nakasunod ang tingin nito sa isang babaeng naglalakad palayo sa nilabasang restaurant.

Napangiti siya ng may maisip na kalokohan. Ibinato niya ang hawak na bote ng alak sa kalsada at nang makita niyang lumingon pabalik ang babae para tingnan ang nangyari ay siya namang paglitaw niya sa harap ng nakalingong babae. Kaya nang lumingon ito ay ganun na lang ang gulat sa mukha nang mabungaran siya.

"Oh my God!" Tili ng babae at napahawak sa dibdib dahil sa gulat.

"P-paano ka napunta sa harap ko?"

Kumiling ang mukha niya at nginitian ang babae. Rinig na rinig niya ang malakas na tibok ng puso nito kaya mas lalo siyang natutuwa.

"Guess, love."

Sumeryoso ang mukha ng babae at nawala na ang bakas ng gulat sa mukha.

"Hindi ko alam kung sino ka at wala akong planong magkipagkilala sayo."

Akma siyang lalampasan ng babae pero hinawakan niya ito sa braso kaya napatigil ito sa paglakad. Inis na hinarap siya nito.

"I'm hungry."

"Kung nagugutom ka edi kumain ka. Kita mo yang malaking karatula." Itinuro ng babae ang malaking signboard ng nilabasang restaurant kanina na may pangalang Hometown Haven.

"Diyan ka pumasok, madaming pagkain diyan. Wag ako ang hanapan mo."

Muling napangiti ang lalaki sa narinig at hindi na mapigilan ang matawa.

"Feisty. I like it. But I don't want the food in the restaurant. You know what I want?" Yumuko siya hanggang pumantay ang bibig niya sa tenga ng babae. "I want your sweet blood."

Nawala siya sa pagkakayuko ng itulak siya ng babae.

"Gago! Anong blood-blood pinagsasabi mo? Sa hospital ka maghanap ng dugo wag sakin dahil kung hindi mo napapansin, anemic ako!"

Muling umalingawngaw ang tawa ng lalaki sa madilim na parte ng kalsada. This girl is something. He likes her attitude but unfortunately, it's not enough to quench his thirst. Napatingin siya sa leeg nito. Kitang-kita niya ang pumipintig nitong ugat doon. Ang pagdaloy ng dugo sa katawan nito ay mas nagpatindi ng uhaw na nararamdaman niya. He can't wait to feast on her and drain her blood.

Sumeryoso ang mukha niya ng maamoy na naman niya ang mahalimuyak nitong dugo. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso nito at tiningnan diritso sa mata.

"I'm really hungry. Now, show me your wrist." Parang wala sa sariling inilahad ng babae ang palapulsuan niya. Hindi katulad kaninang nagrereklamo pero ngayon ay para na itong nahipnotismo dahil naging sunod-sunuran na ito. He used compulsion on the poor woman kaya naging sunod-sunuran ito.

"Good girl." Mahinang dinampian niya ng halik ang palapulsuan nito. Ang kaninang kulay asul na mata ay naging pula kasabay ng paglabas ng apat na pangil. "Don't scream. I just drink a little...or not."

Agad ibinaon ng lalaki ang mga pangil sa balat ng babae at uminom sa dugo nito. Samantalang wala namang reaksyon ang babae at nakatingin lang sa lalaking patuloy na umiinom ng dugo niya.

"Haa!" Naitaas ng lalaki ang ulo at napapikit. Umalpas ang sariwang dugo sa labi niya pababa mula sa labi hanggang sa leeg niya.

Ang pagdaloy ng dugo sa kanyang lalamunan ay nagbibigay sakanya ng pag-iinit ng katawan. Ang nararamdamang uhaw kanina ay unti-unting nawala pero gusto niya pa. Gusto niyang ubusin ang lahat ng dugo sa katawan ng babae.

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon