Maya
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi pa lumiliwag ang paligid nang tingnan ko ang labas mula sa bintana. Para akong nanlalatang bumangon sa higaan. Hindi ako nakatulog dahil sa mga bangungot na bumbisita sakin tuwing ipipikit ko ang mga mata.
Siguro ito na ang parusa sakin ng Diyos dahil sa ginawa ko.
Napatingala ako sa taas habang nakapikit at hinayaan ang malamig na tubig na dumaloy sa mukha ko galing sa shower. Inihilamos ko ang dalawang kamay bago umayos ng tayo at ginawa na ang dapat gawin sa banyo.
Nang matapos ay lumabas na ako at dumiritso sa kabinet at kumuha ng damit at nagpalit.
Kasalukuyan na akong nakaharap sa salamin at pinapatuyo ang buhok gamit ang suklay, wala akong hair dryer dahil naiwan ko sa apartment at hindi pa ako nakakabili ng bago kaya tiis muna sa suklay.
Ngalay na ang kamay ko kakaulit sa pagsuklay pero hindi pa rin natutuyo ang buhok ko. Binaba ko ang suklay sa kahoy na lamesa katabi ng kabinet at tiningnan na lang ang sarili sa salamin. Nahagip pa ng mata ko ang isang gunting bago ko inayos ang basa ko pang buhok.
Yon lamang ang ginagawa ko o ang naalala kong ginagawa bago ko makita ang paglutaw ng isang tao sa likod ko. Nahigit ko ang hininga at napakuyom ang mga kamay. Ramdam ko ang hininga niyang tumatama sa buhok ko na siyang nagbibigay ng takot sakin. Hindi ko magawang gumalaw dahil natatakot akong mangyari na naman ang mga bangungot ko kong saan niya ako pinapatay. Dahil kahit sabihing bangungot lang ay ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit.
Umuklo siya para pumantay ang mukha niya sa kaliwa kong tenga para bumulong.
"I will not let you live. I will kill you." Bulong niya sa tenga ko.
Mahinang iniling ko ang ulo. Mariin na ang tingin ko sa repleksyon niya sa salamin kahit may takot pa rin sakin.
"I can feel your fear. That's right, fear me!" Sigaw na niya.
Umiling ulit ako.
"You're a killer! I will kill you!"
Bawat bitaw niya ng mga salita ay nagbibigay sakin ng kilabot. Hindi ko na napigilan ang paggalaw ng kamay at tinakpan ang tenga dahil sa sigaw niyang ume-echo sa paligid pero kahit ganun ay naririnig ko pa rin ang bawat sigaw niya. Para itong pumapasok sa utak ko at ayaw ng tumigil.
Napakapit ako sa lamesa para kumuha ng suporta. Nakasabunot na ang kabilang kamay ko sa ulo para alisin ang boses niya sa utak ko pero hindi ko magawa. Pinukpok ko na lahat-lahat pero nandun pa rin ang boses niya at ayaw mawala.
"I will kill you!"
Paulit-ulit lamang niyang sinasabi ang linyang yan na parang isang sirang plaka. Para itong demonyong bumubulong sa utak ko. Napasigaw na ako dahil sa takot. Ipinikit ko ang mata para hindi makita ang bampira. Nararamdaman ko na ang pagsakit ng ulo ko dahil sa ginagawa kong pagsabunot dito.
"Hindi! Umalis ka!" Sigaw ko.
At akala ko ay mawawalan na ako ng panimbang pero agad akong napadilat at napakurap ng mata.
"Maya?"
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko ang nagtatakang si Janine habang nakatayo sa hamba ng pintuan.
"Anong nangyayari sayo?" Tanong niya.
Ibinaba ko ang kamay nang mapatingin siya dito.
Sinuklay ko ang magulong buhok at nag-iwas ng tingin. "W-wala naman. Inaayos ko lang ang buhok ko." Palusot ko.
Nang sulyapan ko ulit ang salamin ay wala na ang imahe ng bampira doon. Repleksyon ko na lang ang nakikita ko at para akong nakipagsabunutan dahil sa buhaghag kong buhok. Lukot na din ang suot kong uniform at nawala na sa pagkakabutones ang ilang butones.
BINABASA MO ANG
His Obsession
VampirA not-so-typical vampire story. He is obsessed with her, and he will do everything to get her by hook or by crook. Started: July 26, 2023 Finished: Pictures and music that I used in this book is not mine. Credits to the rightful owner.