Maya
"Happy birthday ate!" Masaya kong bati kay ate Taya at niyakap siya. Agad niya din sinuklian ang yakap ko bago nakangiting inabot ang regalo ko nang matapos ang yakapan namin.
"Nag-abala ka pa."
Nginitian ko lang si ate at hindi pinansin ang sinabi. Lumampas ang tingin niya sa akin papunta sa likod. Hindi ko na kailangan pang tingnan ang tinitingnan niya dahil alam ko na kung sino ito.
"Happy birthday." Kaswal na bati ni Tungsten at inabot ang pahabang box na kulay black.
"Salamat, Tungsten." Nginitian siya ni ate at inaya na kami papasok. Andito kami sa bahay nila ate kung saan dinadaos ang kaarawan niya.
Ilang beses na akong pabalik-balik sa bahay nila pero hindi pa rin ako matigil na mapanganga sa ganda at laki ng bahay nila. Kulay puti ang pintura ng bahay kaya naman ay kahit madilim ay makikita pa din ang kagandahan ng bahay.
Pumasok kami sa loob at naglakad diritso sa pinto ilang hakbang ang layo sa hagdan. Nang buksan ni ate ang pinto ay bumungad samin ang malaking kwarto na napupuno ng mga dekorasyon. May matataas din na lamesa sa pinakaharap kung saan pinapalibutan ng mga nakatayong bisita habang may mga hawak na champagne glass. Pero meron din namang normal na lamesa na siyang inuupuan din ng iba.
Kita ko ang ilan din naming kasamahan sa restaurant na nandito. May iilan ding hindi pamilyar sakin na tiyak akong kakilala ni sir Radon.
"Huwag kayong mahihiya. Kumuha lang kayo sa buffet ng pagkain." Ani nito.
"Salamat ate." Sabi ko. Nginitian lang niya ako.
Iginiya kami ni ate Taya sa isang table kung saan nandun sila Janine bago siya nagpaalam dahil sasalubungin niya pa ang bagong dating na mga bisita. Agad akong ngumiti ng magkasalubong ang mga mata namin dalawa. Nakahalukipkip siya at nakasimangot ang mukha pero agad ding ngumiti nang makita ako. Nang tingnan ko ang kasama niya sa lamesa ay sandali akong napatigil. Katabi niya sa kaliwa ay si Jarvey na nakasimangot din, katabi din nito si Salvi, Felly, Jeric, Trey at si Kitty.
Blanko ang sa kanan na upuan ni Janine kaya doon ako umupo na agad ding sinundan ni Tungsten ng upo sa katabing upuan.
"Mabuti naman dumating ka na. Nakakaasiwa na kasi ang pagmumukha ng iba dito." Pagpaparinig niya at kahit hindi sabihin ay akam kung si Kitty ang pinaparinggan niya. "Oh, hello sir Tungsten."
Agad din siyang binati nila Jarvey. Tinanguan lang sila ni Tungsten bilang ganti. Samantalang agad sumama ang mukha ni Kitty sa narinig. Tinaasan siya ni Janine ng kilay habang may nang-uuyam na ngisi sa mukha.
"Oh? Anong tinitingin mo? Natamaan ka? Hindi pa nga ako nagna-name drop, defensive ka na agad."
"Hindi ako defensive. Obvious lang talagang ako ang pinapatamaan mo. At kung nakakaasiwa man ang pagmumukha ko at least hindi ako pakialamera tulad mo."
"Mabuti na ang pakialamera kaysa sa tanga."
"Sinasabi mo bang tanga ako?"
"Ewan?" Itinaas ni Janine ang kanyang balikat at inosenteng tiningnan si Kitty. "Pero parang din."
Umusok ang mukha ni Kitty sa inis kaya hinawakan ko na si Janine sa braso para patigilin. Mabuti na lang at tumigil siya pero si Kitty naman ang ayaw magpapigil.
Ramdam ko na ang pagbaba ang atmospera na nakapalibot samin dahil sa palitan ng salita ng dalawa. Kung kanina ay tahimik na sila, ngayon ay mas lumala pa na kahit ang pagtama ng kutsara sa plato ay hindi ko na rinig. Siguro nagtataka na sila sa nangyayari, sino ba naman ang hindi? Kung ang dalawa sa tatlong magkakaibigan na halos hindi na maihiwalay sa isa’t-isa ay nag-aaway sa harap nila.

BINABASA MO ANG
His Obsession
VampirosA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...