Maya
"Nandito ka lang pala. I've been searching for you."
Itinaas ko ang tingin sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Sinubukan kong aninagin ang mukha niya pero sumakit lamang ang leeg ko kakatingala ngunit hindi ko pa rin makita ang mukha niya. Kaya tumayo ako kahit umiikot na ang paningin ko. Inihawak ko ang mga kamay sa pinto bilang suporta.
Masyadong matangkad ang lalaki dahil kahit nakatayo na ako ay hindi ko pa rin kayang maaninag ang mukha niya. Hanggang dibdib lang ako. Napakunot-noo ako.
"Sino ka?" tanong ko.
"Lasing ka. Ba't ka uminom?"
"Ako?" tanong ko at itinuro ang sarili. Hindi ko na mapigilan ang mapasinok. "Masyado kang ... mapagbintang. H-hindi ako lasing! Sino ka b-ba?"
"Lasing ka na nga talaga. Hindi mo na ako magawang makilala. Si Tungsten to."
"T-tungstenn?" bangag kong sabi.
Nakita ko siyang tumango kaya napangiti ako.
"Tungsten!" agad ko siyang niyakap at sinubsob ang mukha sa kanyang dibdib. Muntik pa nga siyang ma-out of balance mabuti na lang at nakahawak siya sa pintuan bilang suporta.
Inayos niya ako ng tayo at tinanggal ang pagkakapulupot ng mga kamay ko batok niya. Akma akong magrereklamo dahil sa ginawa niya pero hindi ko na naituloy dahil agad niya rin akong binuhat. Narinig ko pa ang pagsarado niya ng pinto bago ko maramdaman ang paglakad niya pataas sa hagdan.
Ibinaba niya ako sa kwarto at para lang akong timang na nakatayo nang pansamantala niya akong ewan at lumabas sa pinto. Kipkip ko ang alak sa dibdib at nakatingin sa nilabasan niyang pinto. Napakamot ako sa leeg at dahan-dahang naglakad sa kama at umupo.
Sandali pa ang lumipas nang muli siyang pumasok bitbit ang pitsel na may tubig at isang baso. Bago pa niya ito ilapag sa bedside table ay nagsalin muna siya bago niya inilahad sa akin ang baso.
"Here, drink this, it will help you sober."
Akma niyang kukunin ang bote ng alak ay mahina kong tinampal ang kamay niya at sinimangutan siya kaya wala na siyang nagawa kundi ang hayaan ako. Inabot ko ito gamit ang isang kamay dahil ang isa ay hawak pa ang alak. Muntik pa nga itong matapon kung hindi lang hinawakan ni Tungsten. Nakaalalay lang ang kamay niya sa baso gaya ng pagpapainom sa isang bata hanggang sa maubos ko ang tubig.
Nang mainom ko ang tubig ay para akong nahimasmasan ng kaunti pero pumalit naman ang antok kaya napahikab ako.
Sandali siyang tumalikod para ilapag ang baso sa bedside table. Habang ako naman ay piniling humiga sa kama dahil sa naramdamang antok.
At dahil hawak ko pa hanggang ngayon ang bote ng alak ay agad natapon ang laman nito sa damit ko. Sobrang dami pa ng laman kaya nabasa ang pang-itaas kong katawan hanggang sa leeg at buhok.
Narinig ko siyang napamura pero hindi ko na siya pinansin at pinikit ang mata. Naramdaman ko ang pagtayo niya at ang pagbukas ng tila kabinet bago ang mahihina niyang lakad pabalik.
"Kailangan mong magbihis, Maya."
Binuksan ko ang isang mata at nakita ko ang inilalahad niyang damit sa akin. Inalalayan niya ako sa pagbangon hanggang makatayo ako. Kinipkip ko ang mga damit sa dibdib. Pero agad niya rin kinuha sa akin dahil nababasa na ng alak.
"Kaya mong maglakad sa banyo?" tanong niya na agad kong tinanguan.
Sinubukan kong maglakad papuntang banyo pero halos matisod lang ako dahil sa pagewang kong lakad kaya inalalayan ako ni Tungsten. Binigay niya sa akin ang mga damit bago niya sinarado ang pinto nang makapasok ako.

BINABASA MO ANG
His Obsession
VampireA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...