Maya
Sino siya? Anong koneksyon niya sa bampira?
Ilan lamang yan sa mga tanong na umiikot sa utak ko habang nagmamadali sa pagbalik sa kwarto ni Tungsten dito sa hospital. Naabutan ko naman si Tungsten na nakaupo sa kanyang kama at busy sa kakalikot sa kanyang cellphone pero nang pumasok ako ay napatingin siya sakin. Hindi ko siya pinansin at dali-daling tinawagan si Inspector para sabihin sakanya ang naalala.
Bakit nakalimutan ko ang ganito ka importanteng bagay? Baka kapag nalaman namin kong sino ang taong 'yon ay mapadali ang paghuli sa bampira.
Nanatili akong nakatayo habang nakalagay ang cellphone sa tenga at pabalik-balik ng lakad. Naibaba ko ang cellphone nang marinig ang monitor sa kabilang linya. Agad ko din binalik sa tenga ng ma-dial ulit ang number niya.
Nagtatakang nakatingin sakin si Tungsten pero hindi ko siya binigyan ng pansin at nagpatuloy parin sa ginagawa habang hinihintay na sagutin ni Inspector ang tawag. Bakit ba hindi siya sumasagot? Ibinaba ko ang cellphone nang sa pangatlong pagkakataon ay narinig ko muli ang monitor.
"Tumigil ka nga sa kakalakad mo paroon at parito nakakahilo kana. Ano bang nangyayari sa'yo?" Hindi na makatiis na tanong ni Tungsten. Ang dating hawak na cellphone ay nakababa na.
Aligagang napaupo ako sa upuan bago siya tiningnan.
"Naalala mo ba ang nangyari bago ka nawalan ng malay kahapon? Nakita mo ba ang pagdating ng lalaking naka-asul?"
Agad kumunot ang noo niya at nag-isip sandali pero agad din siyang umiling kalaunan.
"Wala akong natatandaang dumating na lalaking naka asul. Ang naaalala ko lang ay ang gagong bampirang 'yon. Bakit?"
"Hindi ka ba nagtataka kong paano tayo nakaligtas dalawa mula sa bampirang 'yon? Dahil 'yon sa lalaking naka-asul Tungsten. Baka pag nalaman natin kung sino siya ay baka makatulong siya saatin sa paghuli sa bampira. Baka pwede natin siyang hikayatin na makipagtulungan sa'tin."
"At paano ka naman nakakasiguro na tutulong siya sa'tin? Hindi natin kilala ang taong 'yan, baka mas lalo ka lang niyang ipahamak."
Napabuntong-hininga ako at sumandal sa sandalan ng upuan. Napatingala ako at napapikit. May punto siya. Baka ipagkanulo pa niya kami sa bampira. Pero hindi ko maiwasan ang umasa. Desperado na ako at lahat ng paraang pwedeng makatulong sa'kin ay gagawin ko. Susubok ako.
Hinilot ko ang ulo ko nang maramdaman ko ang pagsakit nito. Naimulat ko ang mata at napatingin sa maliit na lamesa. Nakita ko naman ang dala kong bag kanina na nakalagay dito.
Dali-dali kong kinuha ang bag at hinalungkat. Inilabas ko ang laptop bago inilagay sa hita. Napatigil ang mga kamay ko at nagdadalawang isip kong bubuksan ko ba 'to o hindi. Handa na ba akong makita ang nangyari kahapon? Napahugot muli ako ng malalim na hininga at binuksan na ang laptop.
Binuksan ko ang recent video na siyang kuha ng CCTV. Hindi ko na tiningnan ang mga naunang minuto at dumiritso na sa pinakadulo.
Tinigil ko ang pag forward ng video nang makita ko na ang pagpasok ng naka-asul na lalaki sa bintana. Pi-nause ko ang video at pinatitigan ang bagong dating na lalaki. Gaya ng bampira ay hindi ko din nakikita ang mukha niya dahil nakatabon ng mabuti ang hood ng kanyang jacket sa mukha niya.
Inilapit ko ang mukha sa screen ng laptop at naghanap ng maaaring makatulong para makilala siya pero sumakit lamang ang mga mata ko ay wala parin akong nakikita. Inayos ko na ang postura ko at sumandal na lang muli sa sandalan. Walang kwenta, akala ko pa naman may makakatulong na samin sa paghuli sa bampira.
Akma ko ng isasarado ang aparato ng sa huling pagkakataon ay mapasadahan ng tingin ko ang screen. Wala sa sariling pinindot ko ang enter button kaya nagplay ito. Kita ko ang kanyang pagtayo nang makasampa sa bintana at paglapit sa bampira. Inilapit ko uli ang tingin sa screen. Paulit-ulit kong pin-lay kong kailan siya naglakad. Ang bawat galaw niya ay hindi ko pinapalampas. Hindi na din kumukurap ang mata ko makita ko lang at matandaan ang tayo at tindig ng lalaki.

BINABASA MO ANG
His Obsession
VampireA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...