Maya
Tunog ng alarm clock ang siyang nagpagising sa akin. Pikit ang matang kinapa ko ang bedside table kung saan ito nakalagay. Nang mapatay ko ito ay pinasya ko ulit ang matulog.
Ewan ko ba pero pakiramdam ko talaga puyat ako kahit maaga naman akong natulog kagabi at nakakapagtakang naunahan ako ng alarm clock gumising, usually hindi pa tumutunog ang alarm ay gising na ako.
Pipikit na sana ulit ang mata ko ng bigla akong mapamulat nang maalala kung may trabaho pa pala ako.
Napabalikwas ako ng bangon at tiningnan ang oras at nang makita kung mag-aalas nuwebe na ay nagmadali akong bumangon. Tatakbo na sana papuntang banyo ng mapaupo ako dahil sa naramdamang sakit sa katawan—partikular sa gitnang bahagi ng katawan ko.
Naibaba ko ang tingin sa katawan. Nakita kong nakahubad na ako.
Gulat na tiningnan ko ang ibabang bahagi ng katawan at nakita ko ang pinaghalong pula at puting parang malagkit na likidong natuyo dito. May maliliit na pulang marka din akong nakita sa buong katawan.
Nang lumingon ako sa kama ay may nakita akong pulang mantsa doon.
Mabilis na tumambol ang kaba sa dibdib.'A-anong nangyari?'
Ipinikit ko ang mata at pilit inalala ang nangyari kagabi ngunit kahit anong pilit kung umalala ay wala pa din akong maalala, sumasakit lamang ang aking ulo pag pinipilit.
Kahit nagtataka pa sa nangyari ay pinilit ko na lang ang maglakad papuntang banyo kahit pa-iika. Ang sakit ng pagkababae ko, parang binugbog.
Nang makarating sa banyo ay agad kong binuksan ang shower at tumapat para maligo.
Hindi ko alam kung anong nangyari saakin o kung anong nangyari kagabi. Ang naalala ko lang ay natulog ako ng maaga dahil may pasok pa ako sa trabaho kinabukasan. Kaya paanong nangyari saakin ’to? Bakit ako nakahubad? Paanong masakit ang katawan ko?
Ilan lamang ’yan sa mga tanong na umiikot sa utak ko na walang kasagutan. Wala naman akong maalalang ginawa para sumakit ng ganito ang katawan ko lalo na ang gitnang bahagi ng katawan.
Ipinilig ko ang ulo ko ng may ideyang pumasok sa utak ko. Ayokong tanggapin.
Paano ko naman kasi tatanggapin kung alam ko namang imposible.
'Pero paano mo maipapaliwanag kung bakit ka nakahubad at masakit ang pagkababae mo?' Sagot ng isipan ko. Napatigil ako doon. 'Hindi ko alam.'Maliban na lang kung pinasok ako dito habang natutulog. Pero kung ganun nga, maalala ko naman siguro ang nagyari diba? Atsaka sino naman ang gagawa—napatigil ako sa pagkuskos sa katawan nang maalala ang lalaking palaging pumapasok dito sa bahay.
Hindi kaya...
Dali-dali kung pinatay ang tubig at nagtapis ng tuwalya. At kahit iika ay pinilit ko pa ding tumakbo palabas. Hinagilap ko ang laptop ko sa kuwarto at nang wala akong makita ay lumabas ako papuntang sala. Nakita ko naman itong nakalagay sa sofa.
Agad ko itong nilapitan at binuksan. Nanginginig ang kamay na tumipa sa keyboard ang daliri. Kinakabahan ako sa maaari kung malaman dahil baka totoo ang hinala ko.
Pinlay ko ang recorded video na kuha ng CCTV. Naghintay pa ako saglit dahil nag loloading pa. At nang magplay na ay bigla namang namatay ang laptop.
Napatampal ako sa noo ng maalalang hindi ko nga pala ito na charge kagabi. Malas! Ngayon pa talaga kung kailan, kailangang-kailangan kita.
Wala na akong nagawa kundi icharge 'to at maghintay.
Bumalik na lang din ako sa banyo at ipinagpatuloy ang pagligo. Nagluto na din ako ng pang-agahan habang naghihintay ma-full charge ang laptop. Tinawagan ko na din si ate Taya, ang may-ari sa pinapasukan kong trabaho, para ipaalam na magha-half-day ako ngayon.

BINABASA MO ANG
His Obsession
VampiriA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...