Maya
"Run away with me, Maya"
Napatigil ako at napamulat sa narinig. Tinaas ko ang ulo at tiningnan si Jherome. Naramdaman niya yata ang pagtigil ko kaya tiningnan niya ako ng may pagtataka.
"What's wrong?"
"Anong sinabi mo?" Tanong ko.
Sandali siyang napaisip bago napatango-tango.
"You mean, that 'run away with me' thing?"
Tumango ako. "Anong ibig mong sabihin?"
Inabot niya ang kamay ko at hinawakan. Humahaplos ang hinlalaki niya sa likod ng kamay ko. Sumeryoso din ang mukha niya.
"I...I already know what happened to you, Maya." Mahina niyang sabi.
Dumilim ang ekspresyon ng mukha niya na parang galit. Nakatiim na din ang panga. Nang ibalik niya ang tingin sakin ay muli itong lumambot.
Napahigit ako ng hininga sa narinig kong sinabi niya. Akma kong babawiin ang kamay ko pero hindi niya ako hinayaan at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak dito.
"Why you didn't tell me?"
"Tapos na ’yon Jherome. Ayoko—" pinutol niya ang sinasabi ko at hinawakan ako sa mukha.
Gusto kong iiwas ang paningin pero hindi niya ako hinahayaan.
"Anong tapos na? Hindi to matatapos hangga't hindi natin siya mahuhuli! So come with me. I can protect you more than those police officers. Run away with me, Maya. Hayaan mo akong humuli sakanya."
Umiling ako sakanya. "Ayokong madamay ka, Jherome."
"I don't care. Please, Maya, sumama ka sakin. Poprotektahan kita."
Gusto ko um-oo. Gustong-gusto kong sumama pero may pumipigil sakin. Hindi ko alam kung ano pero sapat na ang kadahilanang hindi na kaming pwedeng bumalik sa dati dahil nakuha na ako ng iba. Namarkahan na at may nagawa na akong malaking kasalanan. Isa pa hindi pa nahuhuli ang bampira at walang makakapagsabi kong kailan ulit siya aatake. Baka matulad siya kay Tungsten at mapahamak din.
"Nakuha na ako ng iba Jherome. Nakakadiri na ako." Napayuko ako matapos kong sabihin ang mga katagang ’yon.
"What? No you're not. Hindi ka nakakadiri Maya. Wala akong pakialam kung nakuha ka ng iba. It's just a hymen. Tanggap kita kahit ano man ang nangyari sayo."
Tuluyan na akong napaiyak sa sinabi. Agad niyang hinawi ang tumabing na mga buhok sa mukha ko at inilagay sa likod ng tenga. Nginitian niya ako na parang sinasabing 'okay lang yan' habang pinupunasan ang mga luha ko.
"You can trust me, Maya. Please, sumama ka sakin."
Bago pa ako makasagot ay may narinig na kaming nagsalita sa likod.
"She is not going to come with you."
Pareho kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses. Doon nakita ko si Tungsten na nakatayo ilang hakbang sa bench na kinauupuan namin. Seryoso ang mukha at may nakakuyom na kamao. Parang ano mang oras ay manununtok na.
"And who are you to say that?" Sagot din ni Jherome.
"I'm her..." Nakita kong napatigil siya sa pagsasalita at parang hindi alam ang idudugtong.
Napataas ang kilay ni Jherome doon. Nakatingin pa rin siya kay Tungsten habang ako naman ay nanatiling nakaupo at nagpapalipat ang tingin sakanilang dalawa.
Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Jherome na parang may naaalala.
"Wait, I know you. Ikaw yung nasa bar hindi ba?" Maya-maya’y sabi niya.

BINABASA MO ANG
His Obsession
VampirosA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...