Maya
Balik ulit sa normal ang lahat maliban sakin. Magdadalawang linggo na ang lumipas matapos ang nangyari.
Nandito ako ngayon sa restaurant naka-duty.
Walang alam ang mga katrabaho ko sa nangyari. Hindi ko sinabi sakanila dahil baka mag-alala lang sila at isa pa, ayaw ko na din isipin ang nangyari. Ayaw kong maalala kung paano ako magmakaawa, kung paano ako muntik ng mababoy dahil masakit, nakakarumi ng dignidad ko bilang babae. Pasalamat na lang din ako at hindi niya ako tuluyang nakuha dahil pag nagkataon, hindi ko na alam kung anong magagawa ko sa sarili. Baka magpatiwakal ako.
Gusto kong kalimutan na ang nangyari pero alam kung imposible. Dahil para itong sirang plakang bumabalik sa isipan ko.
Patuloy parin ang pag-iimbistiga ng mga police sa nangyari pero hanggang ngayon ay wala parin silang lead. Hindi ko naman sila minamadali dahil alam kong mahirap hanapin ang taong magaling magtago at...hindi tao.
Napatingin ako sa lalaking tumayo sa counter. Si Tungsten. Sumandal siya at tiningnan ako sa ginagawang paglilipat ng barya. Nakasuot siya ng uniform pang chef na color white at black apron. May suot din siyang cap na kulay black and white na stripe. I must admit, bagay sakaniya ang uniform pang chef. Nagmukha siyang kagalang-galang sa uniform niya minus na lang 'yong masungit niyang mukha.
"Wala paring lead ang mga police?" Tanong niya.
Palagi na siyang nandito sa restaurant ni ate Taya dahil siya ang pumalit sa umalis na chef dito. No'ng una hindi ako makapaniwalang kaya niyang magluto. Wala kasi sa itsura niya! Mukha kasi siyang palamunin!
"Wala pa din."
"Ang bagal talaga ng mga police. Kaya maraming kriminal ang pagala-gala hanggang ngayon dahil masyado silang mabagal. How incompetent!" Sabi niya na parang may hinanakit. Masyado siyang atat kaysa sakin. Akala mo siya ang biktima.
"Edi sana ikaw na lang nag-volunteer maghanap."
"Sinasabi ko lang. Bakit ikaw ba, ayaw mo bang mahuli agad ang taong 'yon?"
"Syempre gusto. Tsaka hinaan mo nga ang boses mo, baka marinig ka nila Kitty, tatadyakan talaga kita." Sabi ko ng mahina. Pasimple kong tiningnan si Kityy na nagpupunas ng mug. Nang mapansin niya ang tingin ko ay bumaling siya sakin at ngumiti kaya ngumiti din ako bago balingan ulit si Tungsten at pinanlisikan ng mata.
Isa sa napansin ko kay Tungsten ay ang pagiging madaldal niya. Sobrang daldal at hindi nauubusan ng sasabihin. Akala ko one-word-man lang siya hindi pala. Mukha lang pala ang masungit sakaniya. Nakakamatay talaga ang maling akala tsk!
Hindi ko alam kong kailan nagsimula ang pag-uusap namin ng ganito. Usually noon kapag nagkakasalubong kami kulang na lang irapan niya ako pero kita mo nga naman ngayon kung makapagtanong akala mo close na kami. Pero sige, aaminin ko ng nagiging malapit na kami pero mga slight lang dahil sinusungitan pa din naman siya ako kapag trip niya.
Hindi din siya nagtagal dahil bumalik din siya agad sa kusina pero bago yon ay inirapan niya muna ako at nagmartsa na papasok.
Kita niyo na? Para siyang babae kung maka irap. Hindi sana bumalik ang mata niya. Kidding.
Bumalik ako sa ginagawa at ang pagpupunas naman ng basang mug ang inatupag ko. Inayos ko sa lagayan ang tuyo ng mug at ang pagpunas naman sa counter ang binigyan ko ng pansin.
Kailangan palaging malinis itong counter dahil ito ang nagsisilbing tanggapan kapag may order ang costumer.
"Ang haggard mo ngayon teh. Ayos ka lang?"
Tiningnan ko si Janine na kakabalik lang nang marinig ko siyang magsalita abala padin ako sa pagpunas pero nagawa ko naman siyang bigyan ng ngiti at tumango para ipabatid na okay ako bago nag-iwas muli ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa. Ngumiti din naman siya pabalik at umupo sa upuan.
BINABASA MO ANG
His Obsession
VampirA not-so-typical vampire story. He is obsessed with her, and he will do everything to get her by hook or by crook. Started: July 26, 2023 Finished: Pictures and music that I used in this book is not mine. Credits to the rightful owner.