Kabanata 20: Ang Hininga ng Veridalia

55 3 1
                                    

Ang Hininga ng Veridalia

"Manatili kayo sa labas. Papasok ako sa loob ng palasyo upang hanapin ang kanilang pinuno."

Binali ni Aziel ang leeg ng isang Prusian na kalaban niya saka hinarap si Dylan nang magsalita ito. Nagpaangat ng matatalim na bato si Aziel saka ito pinadaan sa gilid ni Dylan na noon ay nagulat sa kaniyang ginawa. Ang mga matatalim na bato ay sumasaksak sa Valthyrian na papalapit sa puwesto ni Dylan.

Naging abala lamang sila sa pakikipaglaban nang may lumapit na anim na kalaban sa kanilang puwesto. Mabilis at mahusay nilang ginamit ang kanilang mga espada upang magapi ang mga kaaway. Matapos saksakin ang huling kalaban, napatingin si Aziel kay Dylan. "Susunod ako."

"Hindi na kailangan. Puntahan mo si Elio, kasalukuyan siyang nakikipaglaban kay Adam." Mabilis na napalingon si Aziel sa lugar kung nasaan sina Adam at Elio. Bumuntong-hininga siya bago muling lumingon kay Dylan. "Ingatan mo sila."

Samantala, parehong nakaluhod ang isang binti nina Adam at Elio. Gumuguhit na ang uling at galos sa mukha nila pareho, tanda na kanina pa sila naglalaban. Tumalsik na rin ang mga baston ni Adam.

"Hindi niyo mapababagsak ang Valthyria." Suminghal lamang si Elio sa sinabi ni Adam. Hindi niya makilala ang boses ni Adam. "Sumuko na lamang kayo."

Napagulong pakaliwa si Elio nang iwasiwas ni Adam ang kaniyang kanang kamay dahilan upang sunod-sunod na umusbong ang lupa patungo sa kaniya. Itinukod niya ang isa niyang braso at nakangising tumingin kay Adam na noon ay nagngingitngit na sa galit.

Ilang sandali silang nagkatinginan sa mata ng isa't isa. Hinahanap ni Elio ang kinang ng kulay berdeng mata ni Elio, habang kinikilala naman ni Adam ang kahel na mata ni Elio. Matapos ang tinginan nila ay sabay silang bumangon at sabay na tumakbo palapit sa isa't isa.

Napagilid ang katawan ni Adam nang subukan siyang sipain ni Elio. Napalingon si Elio sa kaniya at kaagad na hinawakan nito ang braso ni Adam nang subukan siya nitong suntukin. Hawak-hawak pa rin ang braso, umikot si Elio sa ilalim ng braso niya saka siya sinuntok sa tiyan dahilan upang mapaatras si Adam.

Kaagad na lumiyab ang kamao ni Elio nang magpalutang ng mga tipak ng bato si Adam. Dumagundong ang paligid nang sunod-sunod na sumabog ang mga batong pinakawalan ni Adam dahil sa apoy. Nagawang paliwanagin ni Elio ang palagid kaya hindi magawang makakilos ni Adam sa likod ng alikabok.

"Ashna sentu..." Naiinis na si Adam dahil hindi niya magawang makalapit kay Elio. Ginamit niya ang kaniyang kakayahan sa paglaho.

Napangisi si Elio nang makitang maglaho si Adam ngunit nawala ang kaniyang ngisi nang maramdaman niya ang pagbalot ng lupa sa kaniyang paa. Napatingin siya sa kaniyang gilid nang maramdaman ang hangin doon.

Nagsalubong ang kilay ni Elio saka siya yumuko. Saktong pagyuko niya ay ang pagsabog ng lupang nakabalot sa kaniyang paa. Habang nakayuko pa rin, umikot siya at bumungad sa kaniya ang nakangising mukha ng papalitaw na si Adam. Ang nakangising mukha nito ay agad na naglaho.

Nanlaki ang kaniyang mga mata ngunit huli na upang iwasan ang kamao ni Elio na tumama sa kaniyang mukha. Napatayo nang maayos si Elio at pinanood kung paano tumalsik at mapahiga sa lupa si Adam na noon ay nawalan ng malay. Naramdaman ni Elio ang sakit ng kaniyang kamao, tanda na malakas ang nagawa niyang suntok.

Napalunok siya. Sana hindi mo ito maalala kapag nagising ka.

"Anong plano niyo kay Adam? Maibabalik niyo pa ba siya?" Tumingin si Elio sa nilalang na dumating. Natagpuan ng kaniyang mga mata si Aziel na noon ay nakatingin sa walang malay na si Adam.

"Ang sabi ni Lumineya ay tulong mula sa Sarkero." Mula kay Adam, bumaling ang tingin ni Aziel kay Elio.

"Ang kontinente kung saan matatagpuan ang Templo ng Sambuhay..." Marahang tumango si Elio.

Veridalia Academy 2: ReturnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon