Kabanata 32: Gael

11 1 0
                                    

Gael

"Kailan pa sila nakabalik?"

Sa akademiya.

Maingat na nagtatago sa likod ng malaking gusali sila Diego kasama ang iba pa. Hindi na nito itinuloy ang planong pagtungo sa Ignisreach sapagkat batid niyang kailangan ang kaniyang tulong sa pagsagip kina Dylan, Adam, at Lumineya na kasalukuyang bihag ng Prolus at Valthyria.

Si Galea ay nakatayo hindi kalayuan sa kanila, hinahanap ang lokasyon ng kapatid sa tulong ng hangin. Tumingin sa kaniya sandali si Aziel bago nito ibalik ang tingin sa mga kasama nang marinig ang tanong ni Diego.

"Hindi namin tiyak ang eksaktong oras subalit narinig naming pinag-uusapan sila ng mga kawal," sagot ng isa sa mga inatasang magmanman.

Napatigil ang lahat nang maramdaman ang paglapit ni Galea. Tumingin sa kaniya ang mga nandoon kaya nakita nila ang seryoso nitong ekspresyon. "Tunay ang isiniwalat nila. Nararamdaman ng hangin si Adam sa loob ng akademiya."

Hindi batid ni Galea ang mararamdaman noong mga sandaling iyon. Umaapaw ang kaniyang nararamdaman. Pakiramdam niya ay maluluha na siya anumang oras.

Sa muling pagkakataon, nakilala na ulit ng hangin ang kaniyang presensiya. 

"Kung gayon ay nasaan sila? Naisiwalat ba ng hangin ang kanilang kinaroroonan?" 

Humakbang palapit si Aziel kay Galea upang mag-usisa. Dama niya ang mabilis na pintig sa kaniyang dibdib dulot ng kaba at takot na tiyak niyang hindi lamang dahil sa posibleng kalagayan ni Adam ngayon. May iba pang dahilan ang nararamdaman niya.

"Kasalukuyan silang nananatili sa Tanggapan ng Gabay." Tumungo si Galea upang pakinggan pa ang bulong ng hangin. "Kasama nila si Kiarra."

"Tutuloy ba tayo?" Sumingit sa usapan si Diego matapos marinig ang pangalan ng Prusian. "Maliwanag, at batid nating malakas ang kapangyarihan niya ngayon."

"Minsan na siyang nadaig ni Galea, Diego." Napatingin ang lalaki kay Kalen nang maging ito ay sumali sa usapan. Biglang bumalik sa kaniyang alaala ang naganap sa Arkeo bago siya napahinga nang malalim. "Tumuloy tayo sapagkat tiyak na nangangailangan ng tulong ngayon sila pinuno."

"Maiiwan na lamang kaming nagmamanman dito, patnubay." Bahagyang yumuko ang tatlong espiya sa akademiya. "Sa ganoong paraan ay mabilis kayong makaalis sa sandaling may hindi magandang mangyari."

Tumingin ang lahat sa kanilang tatlo nang walang imik. Ilang segundo pa bago tumango si Galea, tanda ng pagsang-ayon nito sa sinabi nila. Kung may hindi kanais-nais na mangyari ay tiyak siyang hindi kakayanin ng kaniyang kapangyarihan na ilabas silang lahat.

"Malaking tulong ang naibigay niyo. Maraming salamat." Ngiti lamang ang isinagot nila sa tinuran ni Galea. "Mag-iingat kayo."

Lumapit na sila Aziel, Kalen, at Diego kay Galea. Ilang sandali lamang ay agad na naglaho sa hangin ang apat dahilan upang maiwan ang tatlo sa lugar. Nagkatinginan sila saka tumango sa isa't isa, hudyat upang bumalik na sila sa kaniya-kaniya nilang ginagawa.

Sa kabilang banda, nang lumitaw sila Galea sa Tanggapan ng Gabay ay hindi na nawindang si Kiarra na noon ay tila ba hinihintay lamang sila. Inilibot ng apat ang kanilang mata sa paligid at kaagad na nakita ang hanay ng mga Prusian na nakaabang din.

Kumunot ang noo ni Diego mula sa pagtataka. Ganoon din ang reaksyon ng iba pa matapos mapagtantong pangkat lamang talaga ng Prolus ang nasa silid. Sa kabila ng pagdududa ay pinili na lamang nilang ihanda ang kanilang mga sarili.

Tiyak na may balak na naman ang dalawang kaharian.

"Nasaan ang aking kapatid?"

Iniangat ni Kiarra ang kaliwa niyang kamay upang pigilan ang mga kawal niya nang tutukan nila ang mga panauhin ng sandata. Naging dahilan ito upang magpalabas ng apoy si Diego. Mabilis naman na tumalima ang mga ito at ibinaba ang mga patalim, dahilan ng bahagyang pagkalma ng mabigat na atmospera. 

Veridalia Academy 2: ReturnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon