Jackie's Pov
PAARALAN
Kasalukuyang naglalakad ako ngayon sa pathway, hindi kalayuan kita ko iyong ex ko na kasama ang bago niya, my ex bestfriend which is , si Celine Montenegro.
Masayang naglalakad patungo sa kanilang department, ako naman papunta rin sa department ko.
May kirot din akong naramdaman nang makita ko sila na masaya. Pero wala akong magagawa kung si Celine talaga ang mahal niya.
Tatanggapin ko na lang talaga na, iba ang mahal niya na hindi ako, ang sakit lang isipin dahil pinatagal pa niya, iba naman pala ang mahal niya, pero kakayanin ko itong mag isa magiging nanay at tatay ako ng magiging anak ko.
Aaminin ko mahirap pero alang alang sa anak ko, kakayanin ko tong mag isa. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko, habang akoy naglalakad patungo sa room ko.
Pagkadating ko sa room ko, rinig ko na rin ang ingay ng mga kaklase ko, pagpasok na pagpasok ko sa loob kita ko agad ang mga kaibigan ko na naguusap.
" Hi," bati ko sa kanila.
" Jackie, kanina ka pa namin hinihintay." bungad na saad sakin ni Laiza de Guzman, one of my best friend,madaling malalapitan, maalaga , mapagbigay, wag mo nga lang abusohin Ang kabutihan niya baka magsisi ka.
" Oo nga." ayon kay Carlo Santos, Carly sa gabi, bading siya na gwapo, iwan ko bakit naging bading ito, isa din sa matalik Kong kaibigan, naging lalaki ito kapag nakita niyang inaapi ang mga kaibigan niya.
" Hoy, paupuin niyo naman ang kaibigan natin, nangangawit na yan diyan." saway ni Marco Villafuerte. His handsome man, mayaman, mabait rin, protective bestfriend rin.
" Tama." sang ayon ni Shania Corpuz, mahinhin sa tingin pero kapag binully mo,makikita mo kung ano ang hinahanap mo, with a good heart.
" Halika ka na dito," aya naman ni Elisa sa akin. Sabay tap sa upuan na katabi niya na vacant . She's one of my friend who's willing to help you, without returning.
Kaya umupo na rin ako sa tabi niya.
Hindi ko pa rin nasasabi sa kanila na buntis ako. Pero naghahanap lang ako Ng tiyempo para sasabihin sa kanila, alam kong susugurin talaga nila iyong ex ko.
Habang malalim ang iniisip ko, hindi ko namalayan na kinakausap pala ako Ng mga kaibigan ko.
" Hey, ba't ka tulala diyan na parang iwan." saad sakin Ni Laiza.
" Wala, may iniisip lang." sagot ko.
"Ang lalim naman, ang hirap abutin." birong saad sakin Ni Elisa.
"Ano ba iyang iniisip mo, seryosong seryoso mo naman." wika pa ni Shania.
" Wala." tanging Saad ko.
" Anong wala ," Marco.
" Oo nga, wala ka ng wala ,pero kita sa reaksiyon ng mukha mo." Carlo." May problema ka ba?." tanong sa akin ni Laiza.
" Care to share naman." Shania.
Hindi ko napigilan tumulo Ang luha ko.
" Hey ba't ka umiiyak." may pag alalang sabi nila sakin.
Yinakap naman ako ni Elisa,dahil siya lang malapit sakin.
Nasa harapan kasi namin ang ibang kaibigan .
" Alam ko na may problema ka, mag paliwanag ka mamaya sa amin, saka may aaminin rin kami ni Marco sa inyo.' wika ni Shania sa amin.
Marco and Shania ay magkarelasyon, matagal tagal na rin silang magjowa.
May napapansin rin along kakaiba kay Shania,lately, malakas kumain,minsan moody, iwan ko ba anong nangyayari sa kanya.
YOU ARE READING
YOUR LOVE IS GONE
RomanceJackie Duterte was abandoned by her former boyfriend Jason Martin, she promised herself she didn't want to cry again for him. He chose Jackie's friend , but the truth and the painful part is, he used Jackie to go near Jackie's friend named Celine...