Jackie's pov
Kinabukasan, nag aya ang ate Luan ng gala sa akin dahil matagal na raw na di namin nagagawa dahil nga umalis ako sa amin.
“ Ate Luan, ok na ba tong suot ko, di ba siya masyadong fit? " tanong ko sa kanya dahil pinasuot niya sa akin ang bagong biling damit niya. Na di niya maisuot dahil maliit sa kanya.
“ Wow, bagay na bagay sa iyo, bunso. You look stunning. " natutuwang wika niya habang tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa.
Kulay pulang dress na fit sa katawan ko, lumalabas iyong kurba ng katawan ko kahit buntis. Pinaresan ko naman ito ng flat sandals dahil nga buntis ako atsaka nagiingat na rin. Takot na akong mangyari ulit ang pagdurugo ko.
“ Are you done ate? " I ask my ate nasa kwarto ko ngayon, naglalagay ng make up sa mukha niya.
“ Almost done, bunso. " sagot ng ate Luan niya.Naglagay lang ako ng konting cream sa mukha, at naglagay lang ng konting lipstick para di masyadong maputla.
“ Ate ang ganda mo na, halika na kanina ka pa diyan. May ka meet ka ba ngayon ba't kasi nagpapaganda ng sobra. ” komento ko sa kanya.
“ Oo na heto na, aali na nga tayo. Mainipin naman tong buntis kong kapatid eh." sagot naman niya.
“ Eh paano may gagawin pa ako na mga aralin, saka ayokong maiwan ate, gusto ko sabay kami ng mga barkada ko na grumaduate." sagot ko dito.
“ Yeah, I know. Pwede, break ka muna wag masyadong magpastress ok. I know kaya mo iyan, gusto mo tulungan na lang kita sagutan ang mga aralin mo. Di rin naman nakakabuti sa iyo ang sobrang pagod sa pagaaral lalo na buntis ka. Lets unwind together bunso, don't worry about that, I'll help you regarding your modules." ani ng ate Luan ko.“ Ok fine , libre mo naman ako di ba?" tanong ko dito.
“ Yeah obcourse, ako ang nag aya sa iyo di ba." sagot rin niya sa akin.
“ I'll treat want you want bunso, basta wag lang iyong house and lot ang hingiin mo di ko carry yon,kay Daddy mo na lang hingin.”pagbibiro niya sa akin.
“ Tara na nga ate, dahil nangangati na iyong kamay ko sa bibilhin ko pero ikaw iyong magbabayad." biro ko sa kanya.
“ Oo naman bunso." sagot niya pa.Pagbaba namin , agad na bumungad sa amin ang Mommy namin.
“ Where's my girl's going?" tanong ng Mom sa amin.
“ Ate treat me, want I want." pagbibiro ko dito.
“ Gagala kami Mom, dahil miss ko na rin iyong bonding naming dalawa." sagot ng ate ko.
“ Next time, sasama na ako sa inyo, for now kayo na muna dahil may gagawin pa ako." wika naman ng Mom namin.
“ Aalis na po kami Mom." paalam namin kay Mom sabay halik sa pisngi nito.Pinaandar na agad ni ate ang sasakyan niya. Bago pa kami nakaalis bumusina agad ang ate, tanda na aalis na kami.
A few minutes nakarating na rin kami sa mall.
Pagkatapos maipark ng ate ang sasakyan niya agad kaming pumasok. May tumitingin rin sa amin, medyo nahihiya ako sa aking kasuotan dahil di naman ako masyadong nagsusuot ng nahahapit iyong katawan.Habang naglilibot kami ng ate, bigla na lang siyang naiihi kaya nagpaalam na muna siya sa akin.
“ Bunso, comfort muna ako, naiihi na ako eh. Babalik ako agad pumili ka lang diyan sa mga gusto mong bilhin." paalam niya sa akin.
Habang pumipili ako ng damit may biglang nagsalita sa likuran ko.
“ Look who's here, mabuti na lang talaga na si Celine ang pinili ng anak ko, mabait pa, di tulad ng iba diyan, kahit walang muwang na bata sa sinapupunan nadadamay. ” kaya tiningnan ko ito, Si tita lang pala Jason's mother.
“ Tita." tawag ko sa kanya, nasasaktan ako sa mga sinasabi niya pero pinigilan ko lang ang sarili ko na di maiyak.
“ Don't call me Tita, we're not blood related.” masungit niyang wika, “ Tama lang ang pinili ng anak ko na si Celine ang piliin niya, kaya nga siya ang gusto kong maging manugang kaysa sa sayo. Wag na wag kang magpakita pa sa akin, just act like we didn't know each other. Wag ka nang maghabol pa sa anak ko dahil wala ka ng pag asa don at isa pa nakakahiya ka, nagpabuntis ka sa ibang lalaki niloko mo lang ang anak ko. Kaya nga ayoko na sa iyo noon pa man eh, isa ka ring suwail na anak kaya nga nagtrabaho ka para may pang gastos ka sa pag aaral mo di ba." galit niyang wika sa akin.
“ Di ko po niloko ang anak niyo, wala po akong ginawa kay Celine tinulungan ko lang siya kahit tanungin niyo pa siya sa buong pangyayari, at isa pa po di ko niloko ang anak niyo malinis po ang konsensya ko. Kahit tanungin niyo man anak niyo.” magalang kong sagot kahit sobrang sakit na ang mga sinasabi niya sa akin, but this time tumulo na iyong luha ko. Dahil sa masasakit na binibintang niya sa akin na walang katuturan.
“ Wag po kayong mag alala Mrs Martin, di ko po kakalimutan ang sinabi niyo sa akin, Wag po kayong mag alala di ko po guguluhin sina Celine at Jason .” habang tumutulo iyong luha ko.
YOU ARE READING
YOUR LOVE IS GONE
RomanceJackie Duterte was abandoned by her former boyfriend Jason Martin, she promised herself she didn't want to cry again for him. He chose Jackie's friend , but the truth and the painful part is, he used Jackie to go near Jackie's friend named Celine...